¤ SASHA ¤
"Hay. Alam mo, di ako naniniwala sayo eh. Kasi si God lang naman makakapagsabi kung sino ang itinadhana Niya para sayo." Hay kinakausap ko tong Goblet.
Still, ang ilaw niya ay papundi na ng paundi mukhang umiilaw nalang sya dahil kila Maycee at Cedrick.
"Pero dahil Fiction ang story na ito, sakyan nalang natin."
(DM: =________=)
"Wag kang bibigay Goblet. Masosolusyonan natin yang kalagayan mo! AJA!" sabay tikom ko pa ng fist ko na ready to fight. "Dahil alam ko ngayon, mahal ko na si Jervy... ang kaso, nakalimutan na niya ako. Yun yung masaklap. Wala syang maalalang kahit isa sakin. Sabi niya.. hays."
"Mahirap talaga paalalahanin ang taong may inaalala pa. Parang sa gising na nagtutulog tulugan, mahirap gisingin ang gising naman talaga." Si..
"Mam Mychs? Ano po ginagawa niyo dito?"
"Wala. Napadaan lang ako." Sabi ni Mam Mychs. "Basta eto tatandaan mo.."
"The mind forgets, but the heart dont."
At lumabas na si Mam Mychs sa classroom 143.
Ang ibig niya bang sabihin... nagprepretend lang si Jervy na.. nagka-amnesia siya?!
"Pero bakit?! Goblet, sabihin mo! Bakit niya ginawa yun?" ._.
Lumabas na ako sa Classroom 143. Naglalakad sa hallway. Mag-isa dahil ang lahat nagsasaya sa Gymnasium.
"Kasi mahal kita."
"Ay putek!" Nakakagulat naman to. "Mahal mo ko Jervy? Pero.. bakit mo ginawa yun? Bakit ka nagsinungaling?" Kahit nakamaskara siya, alam kong si jervy yun.
"Alam mo na pala.. Oo, mahal na mahal kita." Sabi ni Jervy na palapit sakin.
"Niloko nila ako. Pinaglaruan ako ng mga magulang ko. Gusto daw kasi nila matesting kung hanggang saan o hanggang gaano katibay yung pagmamahalan natin." Napakamot siya sa ulo niya.
"Ipaliwanag mo muna sakin----" bago pa ako makapagsalita muli bigla niya akong niyakap.
"Namiss ko yung teddy bear ko. Sobra.." natawa naman ako dun. Binatukan ko sya.
Umalis ako sa yakap niya. May gusto muna ako malaman.
"Nakakainis ka padin! Go! Ipaliwanag mo ang lahat!" sabi ko sabay crossed arms.
"Ganito kasi yun, si Mama at papa nakaisip ng oh-so-brilliant idea nila. Dinamay pa nila kami magkakapatid. Ang sabi niya, magkakaroon daw ako ng isang fixed marriage."
"FIXED MARRIAGE?!"
"Shhhh. Ako muna magsasalita" sabay tanggal ng hintuturo niya. Sa labi ko =__= bat ang hilig nila sa ganyaan?
"Oo. At dahil ayokong masaktan ka, mas mabuting magpretend nalang ako na may amnesia ako. Syempre nagpatulong ako kay ate. Yung pagpapatulog niya sayo sa bahay. Ako may gusto nun. Gusto ko kasi kahit di kita makausap, nandun ka lang at alam kong kasama kita. Ang hirap din magtiis nun ha!" Halatang nagbu-blush na sya sa mga pinagsasabi niya. Nakakatawa haha.
"Alam ko din na.. napasok mo na yung pinakatago tago kong secret."
"Huh? Ang alin?"
"Yung kwarto na puro ikaw. Sorry. Sobrang obsessed ako sayo. Nalaman ko, dahil nakita ko yung panyo mo. Naiwan mo dun."
"Ah.. hehe. Sorry >_
"Ayos lang. Sorry sa lahat. Sorry kung nag-pretend ako. Sorry if I lied to you. Promise! Di na yun mauulit. May pagka-sira lang talaga magulang ko eh."
BINABASA MO ANG
Classroom 143
Romance[COMPLETED] Hindi lahat ng bagay dapat pakielaman. Baka minsan madamay ka pa sa ginawa mong yan. Pero siguro lahat ng bagay ay may nakalaan. At ito'y sayo'y tinadhana talaga.