Classroom 143 - Chapter 40:

557 19 0
                                    

¤ JERVY ¤

Pangalawang araw na ng practice namin para sa Graduation March.

Pangalawang araw ko na din di nakikita si Sasha. Simula nung JS na nakatulog sya at inuwi ko sa bahay nila. Ni text wala. No communication kami.

"Bakit kaya wala padin si Sasha no?" tanong sakin ni Dara.

Alam na din nila yung kunyaring may amnesia lang ako. Nung una, nagalit sila pero naintindihan din naman nila.

Nag-shrug lang ako.

Hays. Mamaya nga, mapuntahan na sya sa bahay nila.

♥♥♥♥♡♡♡♥♥♥♥

Uwian..

"Dadalawin mo si Sasha pre?" Si Ced. Nag-aalala din sila para kay Sasha.

Tumango lang ako. "Sige. Ingat." At nagsialisan na sila.

Habang palakad ako pauntang subdivision nila, di ko alam pero kinakabahan na ako.

Ano ba nangyayari sayo Sasha?

*tok-tok*
Kumatok na ako sa pinto nila..

"TEKAAAA!" May sumigaw na babae sa loob. Mama niya kaya yun?

Pinagbuksan ako ng gate.

"Ayy. Sino po sila?"

"Jervy po." Sabay bow ko dun sa matanda.

"Kaano-ano niyo po si Mam Sasha?"

Teka.. kaano-ano ko nga ba? "Ahh.. eh.. Boyfriend niya po." Patay ako nito kay Sasha. Mababatukan ako ng di oras.

"Kelan pa po?"

"Bat ba ang dami niyong tanong? Nandyan po ba sya!?" Mukhang natakot sakin yung matanda. Ang kulit eh.

"Ahh.. nandito po sya. Pasok po kayo."

Habang naglalakad papasok, parang ang tahimik ng bahay. Walang kabuhay buhay.

"Alam niyo po ba sir, dalawang araw na po si Mam Sasha natutulog. Walang kain, walang ligo." So di pa sya bumabangon?

"Pero.. wag po kayo mag-alala. Alam ko pong tulog lang sya. Nagsasalita po sya ng tulog tapos malikot padin matulog."

Nawala konti kaba ko.

"Nandyan po sya sa loob. Maiwan ko muna kayo. At maglilinis pa po ako."

Pumasok ako sa kwarto niya. Napakalinis. At madilim. Napakahimbing ng tulog niya.

"Wag.. wag mo ako iiwan!" Nakakagulat. Bigla-biglang nagsasalita sya.

"Oo. Di kita iiwan. Pangako ko yan sayo diba?" Sabi ko. Nakakunot yung mga noo niya. Natatakot ako aa kalagayan nya.

"Ano ba nangyayari sayo Sasha?"

*ahem. Hoy mokong! May tawag ka! ahem. Hoy mokong! May tawag ka!*

May tumatawag.. tinignan ko yung caller id. Napakunot noo ko.

Ma'am Jas calling..

Bakit ako tatawagan ni Ma'am.

I answer.

"Jervy speaking." Sabi ko.

"Jervy. We need to talk! NOW." parang kabado ang boses sa kabilang linya. At halatang nagmamadali.

"Why?"

*toot.toot.toot.*

Ano ba nangyayari talaga ngayon!?

Classroom 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon