¤ JERVY ¤
"Looks like, tama si Ma'am Jas." Sabi ni Maycee.
Yung dalawa naman sa likod sila Ceejay at Dara nakayuko lang. Hays
"Paano kaya kung baklasin nalang natin ito?" suggest ni Cedrick.
"Hindi pwede. Bawal na tayo ulit humawak dyan. Dahil sabi nga ni Ate Kath, nakadipende na ang Goblet sa katawan at pagiisip ni Sasha. Gusto mo ba sya agad mamatay kung babasagin lang natin ito?!" tanong ni Maycee sa asawa niya. Napakamot lang si Ced ng batok niya.
Tinawagan nadin kasi namin si ate Kath. Nag-aalala din siya sa kalagayan namin. Lalo na kay Sasha. At ayun nga ang sinabi niya.
"Paano kaya kung.. hindi tayo magkakabarkada nakatuklas ng Goblet of Heart na yan!? Paano kung ibang tao? Nasa kalagayan kaya tayo na ganito? Edi sana wala si sasha ngayon doon at natutulog lang? Diba?!" Sabay upo ko sa isang upuan doon.
"May plano ang panginoon satin." At nginitian ako ni Dara.
Di ko na alam.. Sana walang mangyaring masama.
"Sa tingin ko, we need to rest muna ngayon. Lalo kana Jervy." sabi ni Ceejay. Um-agree naman sila. At ako din.
Kaya umuwi na kami.
Hinatid ko sila sa mga bahay nila. Pero ako, dumiretso kila Sasha. Pero pumunta muna akong convinient store para may makain.
Di ako mabahala.
Pagdating ko sa bahay nila..
"Teka.. bakit kayo nandito?"
Nandito sila, ang barkada.
"Di kasi kami mabahala eh." sabi nila. Sila din pala..
"Ako din naman." Sabay lapag ng pagkain sa side table ni Sasha.
"Gumising kana.. best.." sabi nung dalawang babae. Ngayon lang nila nakita si Sasha.
"Natutulog lang naman sya. Wag kayong OA." sabi ko.
"Oo nga. Gigising yan. Natutulog lang sya." Sabi naman ni Ced.
"Nag-da-drama lang eh. Epal niyo."
Dinalhan kami ng kutson at comforter nung katulong ni Sasha. Ayaw kasi nila matulog sa Guest room.
Ako, katabi naman ako ng Sasha sa kama. Wag kayong malisyosa! Matutulog lang kami *blush* saka ano.. tulog sya. Mga ewan tong mga to..
♥♥♥♥♡♡♡♥♥♥♥
"AAAHHHH! LATE NA AKOO!!"
Nagising kami lahat bigla. Si Sasha. Sumigaw na late na sya. Pero tulog parin.
"Hahahaha. Nakakatawa talaga sya." Sabi nila. Nangiti nalang ako.
Sakto naman, 6am na at pumasok muna kami dahil kasama padin daw sa attendance ang pagdalo.
Iniwan na namin siya doon. Yung katulong nalang nya ang bahala. Hays
♥♥♥♥♡♡♡♥♥♥♥
5:58pm. Tagal naman. 6pm pa kasi ang uwian namin dahil may paclear clear pa silang nalalaman. =__=
"See you tommorrow Graduating students!" Pagkasabi nun ng teacher sa harap, nagkagulo naman. Kesho daw nakakaiyak graduate na sila. Di na daw sila magkakikita kita.
Kaso di muna yun ang iniisip ko.
Si Sasha.. sasama kaya syang ga-graduate samin?
"Jervy, magpapalit muna kami ng damit kakain nadin. Kita kita 8:30 kila Sasha." Um-oo naman ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/38125235-288-k716068.jpg)
BINABASA MO ANG
Classroom 143
Romance[COMPLETED] Hindi lahat ng bagay dapat pakielaman. Baka minsan madamay ka pa sa ginawa mong yan. Pero siguro lahat ng bagay ay may nakalaan. At ito'y sayo'y tinadhana talaga.