Classroom 143 - Chapter 27:

525 20 0
                                    

¤ JERVY

"teka... panyo?" Tinignan nya yun tapos ako. "Natatandaan ko tong panyong to.. Grade 4 pang panyo ko ito."

"Mahal na mahal kita Sasha." Niyakap ko siya ng napakahigpit.

"Hindi kita iiwan. At hindi ako susuko sayo, makuha ko lang ang napakatamis mong oo." Napangiti sya sa sinabi ko.

At niyakap niya din ako ganun kahigpit.

Perstaym tuuuu hihihi.

Pababa na yung Ferris Wheel.

"Jervy.."
"Hmmm?"

"Bat parang nanginginig ka?"

"Boplaks ka talaga." Binatukan ko sya. Di mo alam kinikilig na ako.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Pagkababa namin dun, sakto naman na nag-snow. Isa din to sa mga gusto niya. Nag-ukit nanaman ang mga ngiti niya.

"HOHOHOHO~ MERRY CHRISTMAS. Nakakalurkey."

At lumabas na yung nirentahan kong si Santa Claus. Kaso, parang pumayat?

Walangya talaga tong si Waku. Sabi ko, maglagay ng unan sa tyan eh. Oo siya yan. Gusto niya daw makisabay sa helicopter. May pupuntahan daw syang fafa dito sa London.

Parang bata talaga to si Sasha, paniwalang paniwala naman sya kay Santa.

"Uy! Picturan mo kami!"

"Okay, 1... 2.. 3.. *click*

Una peace sign sila. Tapos yung sumunod naka-pamewang na pang sexy na si Waku, tapos sunod dumapa at nagsexy pose ulit.

Hay. Palpak.

Kaya hinila ko na si Sasha.

"Feeling ko, bakla si Santa." Napailing nalang ako sa sinabi niya.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Pasakay na kami sa helicopter pero parang ayaw pa ni Sasha.

"Ang cute talaga ng snow." Tapos nakalahad yung kamay niya.

"Tara, sakay na!"

"Mamaya na kasi!" Tapos nag-pout siya. Errrr

"Hayaan mo, babalik tayo. Pangako."

Ngumiti siya at tumakbo pasakay dito sa helicopter. Nagbye na kami kila mom and dad at kay Sam.

Babalik na kami ng Pilipinas.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

HHWWWMPSSP kami habang naglalakad. Oh alam niyo yan? Haha.

HOLDING HANDS WHILE WALKING WITH MATCHING PA SWAY SWAY PA. oha.

(DM: Di ko alam kung saan story ko nabasa yan pero benta sakin. Huhu patawarin niyo ako. Pahiram muna mga ate! T ^T Hello ate Purpleyan at ate (yung sa Afgitmolfm) di ko alam kung sino sa kanilang dalawa eh. Laview. Okay epal ko nanaman)

Nandito kami sa seaside. Sa Manila Bay. Malamig ang simoy ng hangin. Malamang kasi pasko na.

Umupo kami sa may bato dun.

¤ SASHA

Hindi ko na ipagkakaila. Mahal ko na nga ang taong kasama ko ngayon.

Cheesy nga pero totoo.

Pinatong niya yung ulo niya sa shoulders ko.

Hinihintay namin ang paglubog ng araw.

(DM: Paki-play po yung multimedia sa gilid. Para dama yung scene. Bahala kayo kung ayaw niyo. Di niyo dama. Hmp)
"Umm, Jervy.." tinignan naman niya ako. "Bakit ako? Bakit sa lahat ng nagkakandarapang babae sayo, mayayaman. Kauri mo. Maganda---"

Tinakpan niya ng isang daliri bibig ko. "Sshhh. Wala sakin yun. Di ko din alam eh. Basta sinusunod ko lang tong puso ko. Alam mo kung ano sinisigaw?"

"Sasha.. sasha.. sasha." Natawa naman ako. "Di ko nga alam kung normal pa heartbeat neto eh. Diba kasi dugdugdugdug ang normal na heartbeat? Bat ito, Sashasashasasha."

Pinalo ko sya ng mahina.

"Baliw ka talaga."

"Oh ano? Magtatanong kapa?"

"Oo. Saan mo ako nakilala?" Tanong ko. Curious talaga ako eh

"Sa puso ko." Tinignan ko sya ng masama. "De joke lang. Tu naman di mabiro, nung Grade 4 pa tayo nun. Nung panahon di mo pa alam na nag-eexist ako sa mundong ito. Boplaks ka kasi eh."

Binatukan ko nanaman sya. Baliw heh. Ganun yata talaga pag umiibig. Nagiging corny ka.

"Naalala mo yung batang bully?" Napaisip ako bigla. Grade 4? Bully? Wala namang ibang bully nun ha. Kundi ako lang hehe.

"Ako ba yon?" Tumawa sya.

"Oo. Kababae mong tao, bully ka non." Naalala ko yun. Natawa ako bigla. "At isa ako sa nabully mo nun. Di ko nga alam eh. Pati puso ko, nabully mo."

"Ang cheesy mo."

"Totoo naman eh. Binubully mo ako nun. Pero takang taka ako sayo nun, pagkatapos mong kunin yung intermediate pad ko. At umiyak ako, binigyan mo ako ng panyo."

"Hahaha. Nakakaawa ka kasi eh." sabi ko. Nakakatuwa naman.

"At simula nun, nakikita kong di ka na nambully ng iba." sabi niya.

"Hahaha. Yun pala."

Nakikita kong palubog na yung araw. Ang ganda. First time ko makita to. Pinicturan ko sa cellphone ko yung sunset. Ang gandaaaaa.

Pero napapagod na ako. Galing pa kaming London kanina eh. Pero at the same time, super saya.

"Sasha...." tinignan ko siya. "Alam mo ang sabi ng buwan at araw?"

Tinignan ko naman yung araw na palubog. At mamaya buwan na. Naghahati na ang gabi at araw. Chos.

"Di ko alam eh."

"Ang sabi nila, ako'y para sayo lamang. At ikaw ay para sakin lamang." Nakakakilig! Hihi.

Tapos may nilabas siya sa loob ng jacket niya. "Wag na wag mo tong iwawala ha."

Tapos sinuot niya sakin yung kwintas. Ang cute. Tali lang siya. Tapos yung pendant heart na silver. Kaso kalahati lang.

Naalala ko yung binili ko sa SM na gayang-gaya neto. Di ko nabili yung isa kasi wala na akong pera at pang xmas gift ko lang to sa kanya. Sya kaya nakabili ng kalahati? Ang galing naman.

Kinuha ko yun sa bag. Medyo mahaba lang yung tali nito dahil panlalaki.

"Salamat. Jervy, oh." Tapos sinuot ko sa kanya yung kwintas. Nagulat nga sya kasi bigla ko kinabig ulo niya.

Pag tingin nya sa kwintas selfsame sakin. Nagulat din sya.

"Ikaw pala nakabili nito? Galit na galit ako nun sa bumili ng kapares neto nung sinabi sakin nung saleslady na may pares to eh."

"Hahahaha. Baliw ka talaga."

"Ang swerte ko sayo Sha."
"Mas swerte ako." Nagblush sya.

"I love you."

"Salamat." Tapos nginitian ko sya.

Tama lang ba sinabi ko? Salamat? Haha.

--------

¤ NARRATOR

Habang nagbobonding ang dalawa, sila Sasha at Jervy. At sila Maycee naman at Cedrick ay bati na.

Hindi nila namamalayan na ang goblet sa school nila ay unti-unti nang umiilaw.

Nang patingkad..
Nang patingkad...
NANG PATINGKAD..

Ang kaso may hindi inaasahan na mangyayari kila Sandra at Ceejay.

Classroom 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon