¤ CEDRICK
Isaaaaang napakagandang araw! Pero may kulang padin sakin.
Hays! Sembreak na pala!! Di ko na lagi makikita si Maycee? :'(
"CEDRICK! BUKSAN MO TONG PINTO! CEDRICK!" Sino ba yun? Aga aga nambubulahaw.
"Oo eto na." Layo pa naman ng bahay namin sa gate.
"CEDRICK!"
"Eto na!"
"Woy!"
Binuksan ko yung pinto. Tumambad sakin yung mukha ni Sasha, Jervy, Ceejay at Sandra.. na nakapanjama pa. Pfft.
"Teka.. anu meron? Wala akong breakfast pa dito. Wag kayo makikain------"
"Tara na!" Hila sakin ni Sasha. "Pasok sa kotse!" Pumasok naman ako.
"Tekaaa! Ano ba nangyayari?"
"Di mo ba alam!? Ngayon ang flight ni Maycee papuntang Guam!" Si sasha na todo sigaw padin.
"And so??"
"We think, for good na sya dun."
"At pano niyo naman nalaman?"
"Kanina kasi, umagang umaga kakagising ko lang lumabas sya tapos may kinausap saglit sa phone. Habang kumakain ako, sabi niya aalis na daw sya. Nakita ko naman, ang dami niyang dalang gamit. At nag-goodbye pa ako. Nagsink in sakin nakita ko ng umalis na yung kotse na sinasakyan niya. Tinignan ko yung kwarto niya, at konti na yung laman. At halos lahat ng gamit niya, wala na. So tinawagan ko etong tatlo. Kaya et---" paliwanag ni Ceejay.
"Shshsshshhh! Ano pa hinihintay niyo!? Bilisan mo na pagpapatakbo ng kotse!" Ako naman naghihisterikal ngayon.
Nakooo.. wag kang ganyan Maycee. Wag mo ako iiwan! So gay.
"Sinisigawan mo ako?" Tapos binagalan lang ni Jervy yung sasakyan.
Kwinelyuhan ko sya. "Di ako nakikipagbiruan ha." Nakakagigil din tong isang to eh
Bad timing."Di din naman ako nakikipagbiruan--"
"JERVY ANU BA!" nakita niyang galit na si Sasha kaya pinatakbo niya ng napakabilis yung sasakyan. Napaupo ako."Baka di na natin siya maabutan." T.T sabi ni Sandra.
"Wag nga kayong nega!"
Airport..
Ayaw pa kami papasukin ng guard. Pero ng may biglang pinakita si Jervy, pinapasok na kami agad. Lakas talaga ng kapit.
"MAYCEE!!!"
"MAYCEE!!! NASAN KAAAA?!"
"MAYCEEE!"
Napaluhod na ako. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dun.
"I think, nakaalis na sya." Tinabig ko yng kamay ni Sasha sa balikat ko.
"Hindi! Nandito pa sya." Tumayo ako. "MAYCEEEEE!!!" Napapasabunot na akonsa sarili ko.
Maycee.. di mo naman pa ako kailangan pang iwanan eh.
Iniwanan na nila ako dito. Sorry guys, sobrang napaparanoid na talaga ako.
Napaupo ako sa isang upuan dun. Malamang. Yung baligtaran.
"Maycee.. bakit? Di pa ako nakakapagpaliwanag sayo eh. P*tang mga luha to oh. Maycee kasi eh! Alam mo naman ikaw lang ang Wifi ko.. kasi gusto ko lagi lang akong nakaconnect sayo. Pero ngayon, wala na." Nakita kong may papaalis na eroplano. Napahagulgol na ako dun.
Sabihan na nila akong bakla. Sila kaya maiwan ng taong mahal nila?
"Di mo kasi naiintindihan eh! P*tang*na kasi ng babaeng yuun eh! Bat sa lahat pa ng na-wrong send, sakin pa! Ayan tuloy."
Nagulat ako ng pati yung babae na nakacap sa likod ko eh umiiyak na din.
Teka.. nadala ba sya sa emosyon ko?
Ayoko pa naman nakakakita ng umiiyak.
Pinuntahan ko sa likod ko yung babae.
"Um, miss okay ka lang?" Tinaas ko yung sumbrero niya.
"MA--MA--MAYCEE?!" Bigla niya ako niyakap. Niyakap ko din siya. Namiss ko sya. Sobra.
Teka.. narinig niya yun lahat? Nakakahiya! At the same time, mabuti na din.
"S-sorry *sniff* Ced. Sorry nagpaniwala agad ako sa una kong nakita. Sorry.. di ako naniwala sa kakayanan mo. Sorry.. sorry... hubby ko." at hinigpitan niya pa ang yakap niya.
Nakita ko naman papalapit na yung apat. Bumili lang pala ng ice cream. =__=
"Ikaw kasi eh." Sabi ko.
"Anung ako?" Pinalo niya ako sa braso.
"Talaga bang sa ibang bansa kana titira?"
"Huh?" Napakunot si Maycee sa sinabi ko. "Pupunta akong ibang bansa dahil sembreak at may pinautos sakin si mama. Pero di ako dun titira! Ano pinagsasabi mo?"
Tinignan ko ng masama si Ceejay.
"Heheehe. Akala ko kasi dun na sya titira eh. Ngayon ko lang naalala pag pupunta pala si maycee sa ibang lugar, dala niya talaga lahat ng gamit niya. Hehehe." Sabay kamot niya sa batok niya.
Uupakan ko to eh. Pero okay lang ulit.
Atleast,
"Bati na tayo?" sabi ko.
"At bakiit?" Sabay pikit niya na parang nangiirap.
"*tsup* oh ayan? Bati na tayo?" Kinurot niya pa ako sa pisngi."Oo na!"
*tsup*
"Oy tama na!"
*tsup*
"SPG ka masyado!"
*tsup*
"Ayoko na nga dito. Ang dami nang langgam." Sabi ni Jervy.
"HAHAHAAHHAHAHAHA."
"Hahaha. Sorry na namiss ko lang talaga tong babaeng to eh."
"Hahahah. Nagslumber party ba kayo? Bat nakapanjamas kayo? Mukha kayong tanga. Hahaha."
"Dahil sayo!" Sabay sabay namin sabi. "HAHAHAHAHAHAHA."
"FLIGHT PAPUNTANG GUAM OH ISA NALANG ISA NALANG." sabi dun sa speaker.
(DM: sorry lang. Di ko kasi alam kung ano sinasabi dun sa airport pag ganyan eh ^^v)
"Sige na dito na ako." Sabi niya.
Ayoko sya bitawan. Ngayon na nga lamg kami nagbati eh.
"Tatawag ako." At kiniss niya ako ulit. :)
"BYEEE!"
"PASALUBONG HA!!"
"OO NGA! INGAAAAT! BYEEE!"Nagwave sya ng kamay at lumiko na. Hays. Okay nadin to. Bati naman na kami. At tatawag daw sya.
¤ SANDRA
Umalis na si Maycee, pero kami di pa din umaalis.
Panu ba naman kasi tong si Ceejay. May katawag pa. Pero wait lang daw kami.
Medyo naririnig ko yung usapan nila. Di ko naman sinasadya na marinig. Naririnig ko lang talaga.
"Tapos na ang two months. Excited kana ba?" Boses babae.
"Sige ako na bahala."
"Mabuti naman. Nakakatuwa at nagawa mo ng maayos trabaho mo. Excited nadin ako. I want yo-----"
"Oo na. Oo na. Bye." at pabalik na si Ceejay dito sa upuan.
"Tara na." Sabi niya sabay ngiti samin.
"Sino kausap mo?"
"Si mama. Wala, ano.. tinanong lang kung nakaalis na daw ba si maycee."
"Ahh.."
Sana mali ang hinala ko.
BINABASA MO ANG
Classroom 143
Romance[COMPLETED] Hindi lahat ng bagay dapat pakielaman. Baka minsan madamay ka pa sa ginawa mong yan. Pero siguro lahat ng bagay ay may nakalaan. At ito'y sayo'y tinadhana talaga.