Classroom 143 - Chapter 1:

7K 95 17
                                    

Prolouge:

Sa isang paaralan, madaming estdayante, madaming teachers, madaming mga papel, madaming panulat, madaming memories, at syempre madaming Classrooms.

Pero iisang classroom ang kakaiba sa lahat.

Ito ang..

CLASSROOM 143.

——

SASHA's POV

Okay.. monday nanaman! July na pala. Parang napakabilis naman ng araw. Parang kanina lang, ang ganda ko. Ngayon, ang ganda ganda ko na. Chos. Push ko to.

Sumakay na ako ng bus sa labas ng subdivision namin. Actually malapit lang naman ang school namin at walking distance lang. Eh dadaan pa ng highway. Eh sa tinatamad akong maglakad eh! Anu ba!

Bumaba na ako ng bus. At pumasok na sa napakalaking gate ng mumunting paaralan namin.

"Hi Sasha!" may bumati sakin. Nginitian ko naman sya.


(DM: Sasha Salazar po pala, sa gilid ~~>)

Sos. Ayan nanaman sila. Minsan, sasabihan ka ang ganda ganda mo. Okay lang namans akin yun. Ayoko lang talaga ng atensyon ng iniidolo nila ako. In short, ayokong papeymus.

Siguro, dahil na din to sa pagiging SSG Officer ko..

Pagtingin ko sa may bulletin board, may pinagkakaguluhan nanaman sila.

'THE NEW STUDENTS OF MINERVA HIGH:

Girls:

Aguilar, Maycee

Rivera, Leouz

Boys:

Aguilar, Ceejay

Corpuz, Cedrick'

Ahh.. mga bagong biktima pala.

Bagong biktima, kasi mga brokenhearted.

Ang school na ito ginawa para sa mga teens na brokenhearted. Actually di naman lahat dito ay brokenhearted. Pero halos lahat. Tinuturuan kami dito sa school na ito ng kung papano magmoveon.

Maliban sa mga subject na English, Filipino at iba pang normal na subject sa ibang school. Meron kami ditong Move-on subject. Ang galing nga no?

Di ko din alam kung papano ako napunta dito. Basta nung time na umiiyak ako sa daanan. Biglang may babaeng nagbigay sakin ng brochure ng school na ito. And nacurious ako kung ano meron. At di ko alam kung anong pumasok sa isip ko, at pumasok ako sa school na ito.

Gaya ng ibang school, may mga rules din naman ito ng gaya din sa normal na school. Pero meron isang rule na STRICTLY! Na dapat ay sinusunod. Kung hindi, kick-out ka. Ito ang..

'STRICLY: DO NOT FALL INLOVE'

Di ko alam kung bakit meron niyan dati, pero syempre nga naman. Sayang ang tuition fee mo sa pagmomove on kung maiinlove ka lang. Tas masasaktan ka. Masasaktan ka na nga, kick out ka pa. Hays.

At saka magbabayad ka ng 100million once you di sinunod din.

Pumunta na ako sa classroom namin.

"Balita ko, si Jervy daw ng Classroom 548 lilipat din daw satin dito!" sabi nung mga chismisan ng mga classmate ko.

"Kyaaaaa! Omaygawd! Can't wait!!"

"Hihihi. Bakit kaya no? Dahil siguro sakin."

"Che! Hindi no bakla, yung bestfriend niya daw kasi na si Ceejay yung bagong transferee eh bestfriend niya at gusto niya yun kasama."

"Maliiii!!! Ang alam ko, meron siyang nagugustuhang babae dito sa room natin."

"At ako yun"

"Hindi! Ako."

"Ako kaya"

Blablabla. Nakikinig nanaman ako sa chismis nag iba.

So, magiging classmate pala namin ang mga transferee. Mukhang maganda to. >:))

Kilala naman na ako ng mga classmate ko na.. kapag may mga transferee ay iniinterview ko agad. Ganun ako, then, nagaadvice ako sa kanila. Kaya siguro madami na din akong friends.

"Hi Sasha!" Tapos may umupo sa upuan ko. Si Royce pala. Di ko sya gaani ka close. Eh sa room naman namin na to. Walang sitting arrangement ikaw na bahala kung saan ka uupo.

So, ayun nagdiscuss si mam. Nang kung ano ano chorva. Att.. ang pinakahihintay ko!!

Recess time.

Pero imbes na pupunta akong canteen, sa field ako pupunta. Wala, tatambay lang. Masarap kasi hangin dun. Lasang mais.

Minsan kasi, di ko trip kumain. Pero trip ko din na minsan ay may teacher sa harap ko. Ha ha ha.

Halos makikita mo dito ay magbebestfriend na babae sa babae o di kaya lalake sa lalake.

Diba nga? Yari ka pag nagPDA ka. Tapat lang neto ang principal office eh.

"ARAY!"

"Oopss. Sorry miss." May nakabangga sakin.

"O-okay lang.." tapos tinulungan niya ako tumayo =__=

"Sorrt ulit ha."

"Okay nga lang" tas nginitian ko nalang sya.

"Cedrick nga pala." ^___^ "Cedrick Corpuz"

"Ahh. The new transferee? Classmate pala kita."

"Ah yeah." Tapos ang dami nanamin pinagusapan. Kaya time ko na to para magtanong kung ano nangyari.

"HAHAHAHAHA. Baliw ka talaga!"

"Haha. Oh wag ka masyado tumawa. Baka mautot ka. Haha."

"HAHAHA. Teka, may tatanong ako."

"Sige lang anu yun?" Sabi naman niya.

"Um, bat ka pala lumipat sa school na ito?"

"Wala lang. Masama ba?"

"Di nga. Seryoso."

"Uh, dahil sa isang babae." Tapos bigla ng lumungkot itsura niya. "Tss. La eh. Ganun naman yata talaga mga babae, mga paasa. Gold digger. Madaming gusto. Kahit ibigay mo na lahat. Wala padin. Iiwan at iiwan ka nya. Di marunong makuntento mga ganun."

"Di totoo yan." sabi ko.

"TOTOO YUN!" Tapos yumuko sya. "Limang taon.. limang taon ko syang niligawan, sinuyo, binigyan ng kung ano ano. Yung mga effort ko. Sa isang araw nawala lahat. Sinabi niya sakin nagsasawa na daw siya. Ayaw niya sa lalakeng baduy. Hindi daw sya nageenjoy. Tangina! Sa loob ng limang taon, bigla niya pang sinabi sakin yung mga ganun. Nakakapaksyet! Dapat sinabi niya ng maaga ng hindi ako umasa! Ganyan naman ang lahat ng babae! Kaya dapat sa kanila.. pinaglalaruan nalang!"

"Hindi tama iyon! Bakit? Hindi ba babae ang nanay mo?"

"Hayup siya. Parehas sila ng nanay at tatay ko! Mga walanghiya!"

"Wag ka naman magsalita ng ganyan."

"MANAHIMIK KA! Wala kang alam! Di mo alam na, yung tatay ko na may mistress na prostitute! At dahil dun, natuliro ang nanay ko! At bumagsak yung company namin. Dahil sa isang babae ng broken home family kami at dahil sa babae ang nanay ko.. *sniff* kaya ayoko din sa kanya. Pinalayas niya ako." Tapos iyak na sya ng iyak.

"Eh wala kabang babaenng kapatid? Kaya wag mong sabihin na pareparehas lang ang mga babae!"

"Meron. Pero nung napaangat ko na yung company namin, binenta niya ng di ko alam sa murang halaga! Napakagago niya no? Nakakawalang tiwala. Kaya tinuon ko ang sarili ko nun sa isang babae. At sinaktan niya din ako." Umiyak na sya ng umiyak. Niyakap ko sya. Comfort ba nakatago naman kami sa likod ng puno eh. "Dont worry okay naman na ako."

"Mukha kabang OA dyan? Para kang bakla."

"Tss. De, ayos lang ako. Sige.." at umalis na sya. Hays. Pero bago siya makalayo sumigaw ako.

"Hindi porket nasaktan ka ng paulit-ulit ay hindi na mauulit iyon. Magtiwala ka lang sa Kanya. Makakamtam mo yung love na hinihintay mo." Tapos nginitian ko sya.

Classroom 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon