Classroom 143 - Chapter 38:

548 19 0
                                    

CHPTR 38 xx Its started in this..

♥♥♥♥♡♡♡♥♥♥♥

"Sige payag ako."

"Payag na alin?" Payag na ano nanaman sinasabi neto?

"To go out with you."

"KYAAAAAAAAA!" napatalon ako bigla sa tuwa. Yes! Yes! Yes! "Okay! Sa Foundation Day/Valentines Day! See you! Hihihi." At umupo ulit ako sa duyan. At pumasok na sya sa bahay.

Ang saya... ang saya saya... ^__^ akala ko, Forever Rejected na ako. Wala nga palang Forever! Hihihi.

♥♥♥♥♡♡♡♥♥♥♥

Foundation Day/Valentines Day

¤ SASHA

"Nasan na yuuun?" Bakit wala pa yung mokong na yun? Baka in-indian ako nun ha. Hawak hawak ko yung cp ko.

Ang balak ko sana, paalalahanin lahat. Lahat ng nangyari samin.. nagbabakasakali lang na maibalik ulit sa lahat.

Nakita ko na yung kotse niya! Hinihintay ko kasi sya dito sa front gate ng MHS.

Pinuntahan ko kaagad siya.. "Hello Jervy!" Nginitian niya lang ako. Nginitian ko din sya.

"Tara!" sabi ko. At pumasok na kami sa school.

Bago kami makapasok ang dami nang chismisan.
"Omg. Sila na ulit? Waaa! Ang saya!"
"Yehey! Akala ko.. nakakaiyak naman."
"Yes! JERSHA Shipper here! Hahaha."

Haha. Grabe sila. Kung alam lang nila..

Pagpasok namin, syempre yung usual na makikita mo tuwing Foundation Day. Rides, booths, foods. Hehe. Tapos mga mag-iirog. Dati di namin sinecelebrate ang Valentines Day. Pero syempre, dahil legal na nga dito sa school namin ay okay lang.

Ang daming nagbibigay agad ng Chocolates kay Jervy. Wow. Habulin talaga ng mga sisiw. Nakakainis. Pero in-ignore niya lang yun. Nakita ko din si Cedrick na ang dami din nagbibigay sa kanya, pero dahil laging nasa tabi niya si Maycee, walang nagtatangkang lumapit.

Tanging sila Royce at Ceejay ang mga binibigyan ng mga girls. Wow sila na. Parang artista lang ha. Nakakatuwa naman.

So balik na sa sarili..
"Alam mo ba, may ikwekwento ako sayo.." panimula ko sa kanya habang naglalakad kami palabas na ulit ng MHS dahil ayaw niya daw muna dun.

Tinignan niya lang ako.

"Sa isang bus stop .." nasa bus stop kami ngayon. "May nakilala si Girl na boy.. Isang boy na napaka-hangin! Pero sweet. Sa bus stop na ito una silang nagkakilala.. i think? Hehe."

"Bakit may 'I think?' Pa?"

"Eh basta! Makinig ka nalang sa kwento ko! Hmp." Huminto sya sa kakatanong kaya nag-proceed na ako. "Yung time na yun, wala si Girl na payong, wala ding bus na nadaan at tanging siya nalang ang nasa bus stop na yun. so nagdecide siya na tumakbo nalang under the rain. Nung patakbo na sya, nagtaka sya kung bakit wala man lang pumapatak na ulan sa kanya, napahinto siya sa pagtakbo. May nakasunod pala sa kanya habang pinapayungan siya." Umupo muna kami dun sa upuan sa bus stop.

"Triny ni Girl na hiramin muna kay Boy yung payong nito. Kaso ayaw ni boy. Gusto kasi niya, sya maghahatid kay Girl. Ang dami nilang sinatsat nun, pero nauwi yun sa isang deal. Deal na, always ni Boy si Girl na ihahatid at papahiramin na sya nito ng payong. No choice si girl, kaya um-oo nalang sya. At ayun, lagi na syang hinahatid ni boy kahit lagpas na yung 1 week. Haha."

Tinignan ko sya. Mukhang malalim ata iniisip niya. Naalala na kaya niya?

Tumayo ako. "Tara pasok na tayo sa school." Naglakad na ako, sumunod naman siya sakin.

Classroom 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon