So, okaaaay! Here we go! Whoa!!
"Sashaaa! Kinakabahan ako bigla." sabi ni Maycee sakin. Hinawakan ko kamay niya. Nanginginig nanlalamig.
HAHAHA. Natuloy din yung suggest ko na mag-battle of the bands kami para makatulong kami sa mga bata sa orphanage.
At para makabawi din ako sa effort sakin ni Jervy. Para quits lang kami. Di ko din alam kung ano meron samin ngayon eh.
"Okay lang yan Maycee." Tapos tinap ko yung shoulders niya.
Nginitian naman niya ako.
Hindi din alam nila Jervy about dito. Isang linggo din namin pinagpractice-an to ng patago. Nagtataka nga sila samin eh. Syempre kami, puro palusot.
Surprise ko na din nga to sa kanya.
"Goodevening my fellow Schoolmates, classmates. And also goodevening to our teachers and to our pretty principal." Echosera talaga to si Waku.
Siya ang MC ngayong gabi. Rinig na rin namin dito sa backstage.
Sumalang na yung unang grupo. Pangatlo pa kasi kami. At girlband daw muna ang una. Madami din sumali.
Ang kinanta nila Hello Kitty ni Avril. Ang cute nga nung isang girl dun eh.
Sumalang na yung next na grupo, habang kumakanta sila, nag-booooo yung mga audience.
"Hala. Baka gawin din nila satin yun." sabi ko. Nakasilip kami dito sa backstage.
"Anu kaba. Pray muna tayo. Wag tayo kakabahan. Si Lord ang bahala satin." Sabi ni Sandra.
Siya yung drummer namin. Ang cute nga ng outfit niya eh. At saka dapat lang macute-an ang mga audience no! Putspa! Limang oras din namin binihisan yan ha! Pahirapan! :''3
"Okay, at wag na natin patagalin to at wag na patumpik tumpik pa! Lets all welcome.. Goblet 143!!"
Naghiyawan ang buong audience.
Tapos nung nakita na nila kaming papaakyat, biglang natigil ang sigawan.
Nagspot yung light samin. Nakatingin ang lahat.. kinakabahan ako.
"Whoo. Hey guys! I dedicate this song to my one and only Mokong in this Earth" tapos kinindatan ko si Jervy. Nasa may front seat siya. "and to my six friends!" Yung anim yun. "Sana magustuhan niyoooo!"
Its.. our.. turn!
¤ JERVY
Whoa. Nakakagulat talaga! So, eto pala yung tinatago tago nila samin. Haha. Di ko ineexpect na gagawin niya ito.
Siniko ako ni Ced. Tss. Kinikilig lang to eh. Si Ceejay naman. Nakatingin lang kay Sandra. Mukhang malalim ang iniisip.
Nagsimula ng magstrum ng gitara si Maycee. Vocalist yung Sasha ko. Teka.. marunong ba sya kumanta?
Kinakabahan ako para sa kanila. At the same time.. kinikilig. So gay. Haha
"Panaginip lang ba nung ika'y nakilala katabi sa klase, chikahan naging habit,
Panaginip lang ba nung ika'y naoatawa sa matalik na kaibigan na hindi namamalayan.
Hindi ko inakalang doon pala nagsimula, love story hindi inaasahan..
Sa huli tayo pala sa isa't isaaaaa!"
Wow. Oo na, ang ganda nga ng voice niya.
"Yoow! Magkahawak ang mga kamay, makisabay sa lakad ng buhay
Ang araw at ang buwan na ang nagsasabing, ako'y sayo lamang at ika'y para sakin lamang"
Nagulat ako ng bigla nya akong tinuro at kinindatan. Baliw talaga to. Kindat ng kindat. Tinignan ko sya ng bored look. Kunyari di ko nagustuhan.

BINABASA MO ANG
Classroom 143
Romance[COMPLETED] Hindi lahat ng bagay dapat pakielaman. Baka minsan madamay ka pa sa ginawa mong yan. Pero siguro lahat ng bagay ay may nakalaan. At ito'y sayo'y tinadhana talaga.