CHPTR 37 xx SHOCK
♥♥♥♥♡♡♡♥♥♥♥
¤ CEEJAY
"S-sandra?" Teka.. ano ginagawa niya dito?
"Hello Ceejay." Nakaupo siya sa kama ko. Nakakatakot yung aura niya at the same time, parang may bago sa kanya.
Parang siya yung kaninang nakabungguan ko sa corridor.
Siya nga yata yun.. may nagbago talaga sa kanya.
"A-anong ginagawa mo dito?"
"Di mo ba napapansin pinagbago ko?" Pansin na pansin ko nga eh.
"Hindi." I pretend. Di ko naman siya mahal eh. Bakit ako magdadalawang isip.
Mukhang napahinto siya sa paglalakad niya papunta sakin nun at umabante ulit.
Pumunta siya sa likod ko, tinignan ko sya. Walang sali-salita, pinaatras niya ako ng pinaatras hanggang sa mapunta kami sa kama ko.
At hiniga.. in-unbutton niya yung damit ko.
Teka.. nababaliw naba sya?!
Nagulat ata sya sa biglang pagtabig ko sa kamay niya.
"Sandra.. hindi pwede.""HAHAHAHAHAHAHA." Tawa sya ng tawa. "Hahahahha. Alam mo, hahaha. Nakakatawa ka." Ang gulo talaga ng babaeng to.
"Ehh?" Pero gumanda siya.
"Diba eto? Ganito ginagawa sayo ni Marva?" Tinignan niya ko. "Eh bat ayaw mo pagdating sakin? Kasi pangit ako? Ha? Kasi diba, nakakabored ako kasama. Tch" Tinulak niya pero mahina lang yung chest ko. "Walangya! Pangit kasi ako eh.. hahahaha." At umiyak sya habang tumatawa.
"Teka.. Sandra.. wag ka umiyak." Wag..
ANO BA NANGYAYARI SAKIN?!
"Sabagay, di ko mahihigitan si Marva. Wala. Talong talo ako sa kanya. Pero mas lalo akong natalo nang makuha ka niya sakin. Ang sakit Ceejay! Ang sakit! HAHAHA."
"Sandra.."
"Dara." Pagcocorrect niya sakin. Ayun na ang bago niyang pangalan? Kaya pala.. sya yung pinaguusapan ng mga estudyante kanina.
Di ko alam.. pero kumikirot yung puso ko habang sa pagpatak ng mga luha niya. Still nasa taas ko sya.
Bigla syang umupo at lumapit sa mukha ko.
"Nagbago ako.. wag mo asahan yung dating Sandra na ginamit niyo lang. Yung dating Sandra na nakakatakot. Di mo napansin diba? Pwes, di mo din mapapansin ang mga susunod kong gagawin. pagsisisihan mo ito Ceejay." Tapos lumapit sya lalo sa mukha ko. Sobrang lapit.
"Mahal na mahal kita." At lumabas siya ng kwarto ko.
Dun ko narealize, Napakatanga ko. SOBRA.
♥♥♥♥♡♡♡♥♥♥♥
¤ CEDRICK
"Tignan mo wifi.. yung heart.. still.. ganun padin." Sabi ko sa babaeng mahal ko.
"Wala eh. Yung mga kaibigan natin.. di ko ba naman alam sa mga yun! Nakakaimbey! Edi sana tapos na natin yan."
"Nagmamadali kaba?" Tanong ko kay Maycee.
"Di naman. Kinakabahan kasi ako eh. Di ko alam kung matatapos natin yung challenge." Halata nga..
"Di yan.. kaya natin yan. Alam ko sa panahon na ito, mahal na nila ang isa't isa. Sadyang may pagdadaanan muna sila."
Nginitian ako ni Maycee. Nakakagaan talaga ng loob mga ngiti niya.
(DM: Wala lang. Namiss ko lang silang dalawa. Hekhek)
BINABASA MO ANG
Classroom 143
Romance[COMPLETED] Hindi lahat ng bagay dapat pakielaman. Baka minsan madamay ka pa sa ginawa mong yan. Pero siguro lahat ng bagay ay may nakalaan. At ito'y sayo'y tinadhana talaga.