"T-teka... ano ibig mong sabihin?" Nag-aalalang tanong ni Marva.
"Ayoko na. Nakakasawa na." Sabi ni Ceejay. Parang yan din yung sinabi niya kay Dara.
"You're joking right?" Pinilit ni Marva na ngumiti ng pilit. "Hahahaha. That's not funny."
"I ain't joking around Marva. Ayoko na. Break na tayo."
Tumayo ng maayos si Marva. "Well then, its okay. Di ka naman kawalan. Actually ginamit lang talaga kita." At umabante si Marva at sinangga pa yung balikat ni Ceejay habang umiiyak.
Si Ceejay, shock na din sa nangyayari.
"Ginamit niya lang ako?" Isip ni Ceejay.
"Humanda ka sakin Sandra." isip naman ni Marva.♥♥♥♥♡♡♡♥♥♥♥
Nahabol ni Marva si Dara na nasa field. Kung saan madaming tao.
Hinarap ni Marva si Sandra sa kanya, bigla syang sinampal ni Marva at dahil sa gulat di siya agad nakapalag.
"Ang kapal talaga ng mukha mo ate Sandra! Inagaw mo na sakin lahat! Halos lahat!" Galit na galit si marva.
"Hindi.. teka! Paanong inagaw?! Wala akong inaagaw sayo!" Takang takang sigaw ni Dara.
"Una, kinuha mo sakin atensyon nila mom at dad." Nagtikom ang kamao ni Marva. "Pangalawa, naging tagapagmana ka sa kakasipsip mo!"
"Dahil ako talaga ang tagapag mana! Magtino ka nga Marva." Sabi ni Sandra. Ngayon, nakaka-agaw atensyon na sila.
"Pangatlo, ang taong mahal ko!"
"Wala akong inaagaw sayo! Masyado ka lang assumingera sa lahat ng bagay. Binibigyan ka ng atensyon ni mama. Ikaw ang nagbabaliwala dito! At higit sa lahat hindi ko inaagaw siya sayo! Magsama pa kayo! So saan ako may mali!? Magsalita ka!" Naiinis na din si Sandra dahil nakakaagaw sila ng atensyon ayaw niya iyon sa lahat.
"Napaka-walanghiya mo talaga! Akin lang sya! Akin sya!" Sasampalin na sana ni Marva si Sandra..
"Wag na wag mo syang sasaktan." Nagulat ang lahat sa pag-awat ni Ceejay.
Parang nanonood ang sambayanan ng two wives. Napa-"oooow." Ang lahat.
Pati ang dalawang nag-aaway nagulat.
Di alam ni Sandra kung bakit ang bilis ng tibok ng puso niya. Si Marva naman, galit na galit.
Umalis na si Sandra.
"Walking out doesn't mean your loser. Minsan, eto yung tanging paraan para mapakita mong matapang ka at may pinag-aralan ka." Isip-isip ni Sandra.
♥♥♥♥♡♡♡♥♥♥♥
At ang nangyayari naman kila Sasha at Jervy.
Magsu-sunset na. Nasa rooftop ang dalawa. Nakaupo sila sa terrace nito.
Patuloy padin si Sasha sa pagpapaalala kay Jervy ng kung saan sila nagsimula. Kung ano mga nangyari sa kanya.
"At dito.. isipin nalang natin na nasa Manila Bay tayo. Nagbigayan ang dalawang nagmamahalan ng kwintas. Kwintas na magkabiyak. Ang isa ay para kay Boy at ang isa ay para kay Girl." Sabay hawak ni Sasha. Sa kwintas niya.
Pagtinigin ni Sasha kay Jervy, wala na yung kwintas.
"Ah. Parang ganito ba?" Nagulat si Sasha ng may nilabas si Jervy sa blazer ng uniform nito. Yung kwintas..
Tumango lang si Sasha.
"Panaginip lang ba nung una kang masilayan, katabi sa klase chilahan naging habit~~" may biglang tumawag sa phone ni Sasha. Tinignan ni Sasha kung sino, si Royce pala. Pinatayan niya lang iyon. Minsan kasi nangloloko lang si Royce.
"Ay teka! Pakinggan mo yung kantang to!" Sabi ni Sasha. At pinatugtog yung panaginip lang. itinapaat yung phone nya sa tenga ni Jervy.
"Oo nga. Parang familiar sakin yung kanta." Napatayo naman bigla si Sasha nun. Pinaupo agad siya ni Jervy at baka mahulog pa sya.
"Talaga?"
"Oo. Di ko lang alam kung saan ko narinig."
"Panaginip lang ba nung una kang masilayan, katabi sa klase chilahan naging habit~~" may tumatawag nanaman.
"Anu ba Royce?!" Naiinis nang sabi ni Sasha. Epal daw sa moment eh. Napatingin naman bigla si Jervy.. hmm..
"Aish. Sige pupunta na ako." At pinatay ni Sasha yung call. "Um, sige. Di ka ba nabobored nung kasama ako?" Umiling naman si Jervy.
"Good." ^___^ "sige. Makakauwi kana." Wala talagang kaalam alam si Sasha sa pagpapauwi ng bisita -_-
At iniwan niya doon si Jervy sa rooftop.
Dali-daling bumaba si Sasha papuntang Front Gate. Di niya alam na nakasunod na pala sa kanya si Jervy.
Tumawag kasi si Royce na kailangan niya ng tulong.
Pagkadating doon,
"O-ow. And here's my girlfriend!" At umalis sa mga nagkakandumog na babae si Royce at pumunta sa kinororoonan ni Sasha.Halatang parang minasacre sya dahil punit ang iba niyang tela ng damit. Nawala din ibang butones ng kanyang polo.
"Girlfriend?!" Bulong ni Sasha at kinurot si Royce sa tagiliran. Tinignan naman sya nito na makisakay nalang sya.
"GIRLFRIEND?!?!?!" sabi ng mga fangirls ni Royce. "UH-OH." Kasunod nun, nakita nalang na nakabulagta na si Royce sa sahig dahil sa suntok ni Jervy.
Nagulat din si Sasha sa ginawang iyon ni Jervy. Bakit niya sinutok si Royce? Isip ng dalaga.
"Huh. Ano ka ngayon?"
"Yari ka kay Fafa Jervy."
"Sabi sayo sakin ka nalang eh."
"Anong sayo?! Sakin!"
"Sakin kaya!"
"Ano? Sayo? Duuh. Akin lang si Fafa Royce."Ang wild ng mga fangirls nito ni Royce.
At sa mga crowd na yun lumabas si Waku with his/her killer heels.
"Sakin lang si Royce! Mga hampaslupa to!" Pinagtuturo niya gamit pamaypay niya yung mga babae roon. "AKIN SYA! AKIN LANG!" ginagaya niya yung eksena kanina nina Marva at Sandra na usap usapan padin.
Pinalakpakan naman sya ng mga doon.
Habang nagkakasiyahan sila, itinakas na ng dalawa si Royce sa crowd. At ipinunta sa isanh tagong bench doon. Wala masyadong tao.
"Ikaw kasi eh.." sabi ni Sasha.
"Di ko naman kasalanan maging gwapo. AHHH---" napadiin ata yung pagpunas ni Sasha sa mga sugat ni Royce.
"Tss. Kapal." Sabi naman nito.
Biglang tumayo si Jervy na nasa kabilang side lang ni Sasha.
"B-bakit Jervy?" Napatayo din si Sasha.
Tapos bigla nitong niyakap si Sasha.
"Di ko mapigilan. Akin ka lang."
Nagtataka padin si Sasha. Kasi parang kanina lang sabi ni Jervy wala padin siya naalala about sa kanya.
"Oo. Sayo lang ako." At niyakap din ni Sasha si Jervy. Napangiti siya dun.
♥♥♥♥♡♡♡♥♥♥
BINABASA MO ANG
Classroom 143
Romance[COMPLETED] Hindi lahat ng bagay dapat pakielaman. Baka minsan madamay ka pa sa ginawa mong yan. Pero siguro lahat ng bagay ay may nakalaan. At ito'y sayo'y tinadhana talaga.