Classroom 143 - Chapter 20:

689 27 1
                                    

MAYCEE's POV

I feel, kailangan maging totoo ang love ng bawat isa samin. Para magcolor red yung Goblet. Na iresearch ko kasi yung Goblet na yan. At ang sabi..

'To full fill the color red of the heart. Must follow your heart.'

Di ko nga nagets ng una eh. Sorry lang slow ako eh. Pero di pa nman ako sure dyan.

Anong ganap samin ni Ced? Ayun, paulit ulit. Wifi padin tawag niya sakin. Peroo atleast ngayon, hindi na sya gaano nambababae.

Lagi nadin sya nakadikit sakin. At super sweet pa nya.

------------

At napakabilis nga ng panahon. At malapit na ang sembreak namin. Hohoho ~ makakasama ko na lagi si Cedrick.

At mabilis talaga ang panahon, parang dati ako lang yung nagpupumilit kay Ced na magpakasal na. Ngayon sya na.

Naging totohanan na yung aming relation. Nanliligaw na sya sakin ngayon. At lagi niya ako kung saan saan dinala. Alam ko na din namin background ng isat isa.

At dahil dun, onti onti na din ako nahuhulog. Pero minsan sumasagi din sa isip ko yung lalaking nanakit sakin, at baka gawin din ni Cedrick sakin yun. Pero sabi naman niya, wag daw ako mag-alala kasi nakasure naman na daw agad yung kasal namin.

Alam na din ng parents ko. Nung una hindi maayos sa kanila, pero yung sinabi ko yung nangyari. Um-okay naman sila. At may company din naman sila Ced kaya. Imemerge nalang daw yung samin at yung kanila.

At ang napakasaya dun, di na sya ganun nambababae. So it means, seryoso nga sya. :))

At nakakatuwa dun. Napabago ko sya. :")

Oo na. Inlove na ako.

Nakakatuwa din na, nung naging nagkakamabutihan na kami ni Ced na yung kami na nga na totoo at mahal namin ang isat isa. Tumitingkad kahit papano na red yung heart.

Di ko pa naman sinasabi sa kanila yung about sa niresearch ko.

So now, magkikita daw kami ni Ced ngayon sa Mcdo. Ililibre niya daw ako. Libre niya mukha niya! Date lang yun eh.

Hihihi. Lagi nalang syang ganyan.

Nagkita kami ni Ced sa may tapat ng mall.

"Hi Hubby!"
"Hello my Wifi."

"Eerr. Bat ba kasi Wifi at hindi Wifey ang tawag mo sakin! So nakakaasar na!" Hinampas ko sya sa braso niya.

"Eh kasi, gusto ko lagi ka lang nakaconnect sa buhay ko." sabi ni Ced.

"Pumipickup ka pa ha." asar ko dito.

"Di ah. Totoo yun." Tapis inakbayan niya ako.

Nagwindow shopping lang kaming dalawa. Mas gusto niya daw kasi yun kesa sa bili ako ng bili ng pipitsuging bagay. Manong talaga to. Hmp

Nagulat ako ng bigla syang pumasok dun sa isang store ng printing tee shirts. May tinanong lang sya. Tapos lumabas agad. Nakakainis nga eh. Makatingin sa kanya yung isang babae sa loob, ang lagkiiit! Sarap ipakain sa langgam! Rawr.

Tapos nung nagutom na kami, syempre kumain na kami. Ano, nganganga pa kami. Ganern?

Pumasok kami sa McDo.

Pero umupo lang muna kami at di muna um-order.

Tapos may bigla sya inabot sakin.

"Buksan mo." Tapos pagbukas ko.. tee shirt.

"May singsing na kasi tayo eh. Kaya yan nalang naisip ko." Sabay kamot niya sa batok. "Suotin mo yan pag sasagutin mo ako. Para may signal ako. Hehehe." Hahahaha. Nakapakacorny talaga neto.

Classroom 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon