Classroom 143 - Chapter 21:

574 23 0
                                    

MAYCEE's POV

"MAHAL NA MAHAL KITA MAYCEE AGUILAR! ALAM MO YAN!" rinig na rinig ko dito sa kwarto yung pagsigaw niya.

Lalo tuloy humagulgol iyak ko.

Eto na nga ba sinasabi ko eh, ano iiyak nanamn ba ako?!

Pero kasi..
Nagsinungaling sya eh..
Nagtago sya sakin..
At ang di ko inaasahan na gagawin niya.. ay yung makipagtalik sya sa iba kahit alam niyang may asawa sya!

Humagulgol nanaman ako.
"Wag ka nga masyado magdrama dyan." Bigla pumasok si Ceejay. "Kakausapin ko yung mokong na yun bukas sa school." Tapos parang nagreready sya ng suntukan.

Kaya lang naman kasi nasa Minerva High yang si Ceejay, hindi sya brokenhearted. Sinamahan niya lang ako para daw may tagapagtanggol ako. Iyakin kasi ako talaga. Saka para kasama na daw niya si Jervy.

"Usap lang ha. Saka nu kaba. Okay lang ako." sabi ko sabay smile.

"Weak smile. Tss. Okay? Tignan mo kaya itsura mo sa salamin!" Tapos lumabas na sya. High blood na high blood sya. Hays.

Nagulat ako ng bigla akong itext ni Sasha.

'Fr: Sashabels

Okay ka lang ?'

Hinagis ko yung phone ko sa may kama.

"Okay nga lang ako! Bat ba ang kulit niyo!? Hihuhuhuhu" pagtingin ko sa salamin..

"Hindi nga okay." Napabulong ako. :"3

Classroom 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon