SASHA's POV
Yes, yes, yes. Today is da day. Field trip ang trip ng school ngayon. At ang pupuntahan namin ay ShotDad-- este Tagaytay.
Syempre maaga palang nasa school na kami. At ngayon, nandito na kami sa bus. May hinihintay pa kaya di lumalarga pero maya maya iniwan na din at susunod nalang daw samin
Parang sa pag-ibig. Kailangan mo maghintay, pero kung wala na talagang pag-asa. Wala ka nang magagawa. Iwan mo na. At mag move on kana. Ha ha echos
Yung katabi ko siguro yun? Wala pa ako katabi eh. Bago daw kami pumuntang Tagaytay dadaan muna daw kami sa Ocean Park.
At ayuuuun nung nasa Ocean Park na kami, wooow ang daming.. fish malamang =_=
Nagulat nalang ako ng nakasunod sakin si Sandra.
"Uhh.. b-bakit?" O//O Tumayo lahat ng dapat na tumayong buhok ko sa katawan ng bigla niya ako hawakan.
"Wag mo akong iiwan. Hm?"
"Uhh.. oo ba." Tas ayun sya yung naging buddy buddy ko sa pagtitingin ng mga isda nakakatakot nga lang minsan kasi bigla biglang magsasalita.. "Ang cute nung amoy. Amoy masangsang. Hmm parang organs ng katawan." Eeeeep konti na nga lang tatakbo na talaga ako e >_<
Tas isa pa, kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao dito dahil nga akala nila nay multo daw'ng gumagala. Akala lang nila yun. Hmp ako nga feeling ko may katabi akong halimaw eh. Huuhuhu
Maya maya nakaramdam na kami ng gutom at napagdesisyunan na naming kumain muna.
Habang kumakain kami, nagulat kami nang biglang tumabi samin si Maycee.
"Uh? Hi. Di naman masama siguro na makiupo diba? Thanks." Kahit kelan talaga.
"Ahh.. yeah. Pero sana, hintayin mo muna pumayag yung taong pinagplease-an mo next time. Oki?" sabi ko sa kanya.
At bigla niya akong nginitian.. at niyakap? Err. Whut? Ang weird ng mga tao ngayon huh.
"Ang galing! Yan ang gusto ko maging friend." ^____^
umm, oki?
Si Sandra naman parang walang kaalam alam sa nangyayari basta siya kumakain lang.
"Umm, you look pretty!" Nagulat ako ng biglang nagsalita tong si Maycee kay Sandra. Pretty? Whut? Saaaaan?
Transferee din kasi si Sandra diba? Di ko lang alam kung bat nagtransfer sya dito.
"PREEEETTTYYY??!!?!" Biglang sumama nanaman awra ni Sandra. Nakakatakooot T___T
Maycee: O____O T.T
Me: T____T waa ayuku na ayuku naaa!Takot kasi ako sa mga nakakatakot na bagay. Duwag. Pero ayoko sa lahat yung inaapi ang mga mahal ko. Di ako natatakot sa ganun. Pero multo? Oooooo!!
Di nalang namin kinausap si Sandra. Pero nakasunod lang sya samin at mukhang nageenjoy pa siya sa mga naamoy niya.
At ayun nagkaget to know each other na kami ni Maycee.
Maya maya pa bumalik na kami sa bus. Syempre di naman kami magkakatabi pero nasa likod ko lang si Sandra. Walang katabi kasi pinalayas niya katabi niya kaya ayun nasa may gitnang upuan si Ceejay. Oo, magkatabi sila. Sa pagbabayad daw kasi yun eh.
Si Maycee at Cedrick naman yung nasa harap. Whut?
Maya maya. Nakatulog na ako habang bumabyahe.
Zzzzzzzzz
Hmm.. parang ang lambot naman ng unan ko.. zzzz
Pinondot pindot ko ito. ang kinis naman.. parang.. balat ng tao.
BALAT NG TAO!!!??
Napabangon ako agad at tinignan ko kung sino yun.
"Oh gising kana pala. Kadiri ka, tulo pa laway mo." Tapos nag-inat inat siya. ugh ako naman uto uto pinunasan ko naman laway ko.
Pero nakakahiya talagaaaaa!
"Jervy! Gising naba si Sasha? Sabihin mo nga palit kami ng upuan! Tabi sila ni Sadako-- este Sandra."
Oo, si jervy nga ang katabi ko yung lalaking biglang sulpot nalang ng sulpot kung saan.
Tinignan lang siya ni Jervy.
"Okay chenes chorva eklavuh malapit na tayo sa Tagaytay Sky Ranch so magayos na kayo ng gagamitin niyo at bababa nadin tayo."
Binilisan ko naman agad yung pag-aayos sa gamit ko ng makababa na nga.
Nakakahiya talaga. Pero di ko pinapahalata noh! Ako unang unang bumaba ng bus. Ina-asar pa nga ako ng tour guide eh. Di ba naman daw ako excited? Ha ha.
Pagkababa ko, nagulat ako ng may mga sumalubong sakin mga babae.
"Oo girl, siya yun yung katabi ni Prince natin!" Prince?? Sino yun?
"Grrr. Sarap mong sabunutan!"
"Go girl sabunutan mo na"
"Kunyari kapang tulog eh. Ang totoo gusto mo lang chansing-an yung prince namin!"
"Malandi kaa~" sasampalin na sana ako nung isang babaeng yun ng biglang may pumigil. Pagtingin ko, si.. Jervy pala."P-PRINCE?" O_O takot na takot naman na agad yung mananampal dapat sakin.
"Ida.. Lorna and Fe! You guys are always pissing me off! Dont you ever dare to touch this girl. Or else--" naputol yung sasabihin niya ng biglang pigilan siya ni Cedrick.
Si Ida at si Lorna at si Fe. Whuut!? Hahaha. Nakakatawa pangalan nila. Haha. Tres marias lol.
(DM: Kung kilala niyo sila(?) Basta sa kanta yan eh. Narinig ko kanina lang. Hehe)
"Tol.. di ganyan ang tamang pagtrato sa babae." Cool niyang sabi. Dahan dahan naman niyang binaba yung mahigpit na hawak ni Jervy dun sa babae. "Ganito dapat.." tas akmang hahalikan na ni Jervy yung babae. Nagulat yung babae, ayunn..
BOOM! NOSEBLEED! Hinimatay pa.. sa kilig. =___=
Tawa naman ng tawa si Cedrick. Gwapo din kasing isang to eh. Playboy nga lang. Kaya wala sa attractive students.
Iniwan ko na sila dun, dahil excited na nga akooo whoooa!
Pagkakita ko sa likod ko, akala ko si Sandra lang nakasunod. Nandun din si Maycee, Ceejay, Cedrick.. at Jervy.
Kaya pala kanina pa ako pinagtitinginan.. sheez ayoko neto.
"Bat ba kayo nakasunod?!" sabi ko sa kanila. Nagulat naman sila kung bat nga sila sumusunod sakin.
"Bakit? Masama ba?" Sabi ni Ceejay. Ang cute naman ng isang to. Ngayon ko lang napansin >///
"Uggh! Hindi naman! Pero look, pinagtitinginan na tayo oh! And I hate attention!" Bored naman nila akong tinignan at huminto sila. Ako naman abante padin. Bahala sila dyan.
Ang kaso.. kahit ako nalang mag-isa pinagtitinginan padin ako. Mga lalake na nga lang. At ibang babae. Geeezz.
Tinignan ko sila at halatang tatawa tawa. Sinamaan ko sila ng tingin >,> bumalik ako sa kanila.
"Kasalanan ba nating maging mga magaganda at gwapo? Be proud." Sabi ni Cedrick at hinawakan pa yung baba niya na kunyari gwapo. Tas may papikit pikit pa syang nalalaman.
Teka.. bat kumikinang siya? =__= whatever.
"ANG LIWANAAAAAG!" At boom nosebleed si Sandra. Naghisterikal naman kami at pinunta sa isang bench dun. Maya maya okay naman siya =_= ang weird niya talaga.
So ayun, pumayag na kaming magsama sama talaga. Total forever lonely naman ko kung ako lang mag-isa diba? Si sandra nga bigla bigla nalang nawawala tas bumabalik din naman agad.
Pumunta kami sa.....
------
HEEEPP! AWAT MUNA! HIHIHI. Paintense muna akoo ~ ♥ keep reading.
BINABASA MO ANG
Classroom 143
Romance[COMPLETED] Hindi lahat ng bagay dapat pakielaman. Baka minsan madamay ka pa sa ginawa mong yan. Pero siguro lahat ng bagay ay may nakalaan. At ito'y sayo'y tinadhana talaga.