Unang Kabanata: Chika

5 2 0
                                    

(AMIAH'S)

Ang bilis naman yata ng oras? Sabagay sa dami kong ginawa hindi ko na napansin kung anong oras na, kung hindi lang tumunog yung relo namin rito sa opisina eh hindi namin malalaman na tanghalian na pala.

"Miah sabay na tayo." Aya ng katabi ko.

"Oo sige magliligpit lang muna ako."

Sagot ko at inayos na yung mga papel sa mesa ko, buti naman pumasok na ang babaeng to. Kahapon nagmukha akong basang sisiw na kumakaing mag-isa sa kapiterya, umabsent kasi siya kahapon nilagnat raw buti naman at gumaling agad.

"Tara na." Aya ko sa kaniya, tumayo naman siya agad at naglakad na kami.

"Nga pala, alam mo naba ang balita?"

"Bago?" Wala sa sarili kong tanong, nagugutom na kasi ako tapos ang isang to may plano pang chumika eh nagmamadali na'ko.

"Malamang bago tingin mo sa'kin babalikan yung lumang balita?" Pilosopo naman niyang sagot, sabi na eh.

"Ano ba kasi yun? Namimilosopo pa eh." Sabi ko at inambahan siya ng hampas.

"Gan'to kasi, uuwi raw rito yung dalawang anak ni Mr. Avilla." Oh talaga?

"Sa'n mo naman narinig yan?" Gutom na nga ako, nagtataka pa'ko sa babaeng 'to eh daig niya pa si Marites sa lakas ng radar sa chismis.

"Kanina nung papasok ako, narinig kong nagbubulungan yung mga taga ibang departamento." Marami pala talagang Marites rito.

"Kailan naman daw uuwi?" Usisa ko naman, tingnan ko lang kung kompleto ba yung nasagap niya ngayon. Minsan kasi kulang kulang.

"Eh... Yun ang hindi ko alam." Sagot niya at bumungisngis, napailing nanga lang ako. Siya yung chismosang kulang kulang sa impormasyon.

"Bilisan mo na nga jan, nagugutom na'ko." Sabi ko at kinaladkad na siya.

"Meaaa gusto ko nang makita ng personal ang mga anak ni Mr. Avilla." Tumitili niyang sabi dahilan upang pagtinginan kami rito ng ibang empleyado.

"Manahimik ka nga kita mo oh tinitingnan na tayo."

"Wala akong pake matanggal pa yang mga mata nila basta ako gusto ng makita sa personal ang magkapatid na Avilla!" Tinakpan ko na lamang ang bibig niya, ang lakas ba naman daw ng tili.

"Tumigil ka nga." Inis na sabi ko, ayaw ko kasi na pagtinginan ng ibang tao, nakakahiya kaya.

"Oo na ito naman oh di mabiro." Sabi niya at umupo na, nakarating lang kami na puno na ng kahihiyan jusko 'tong babae na'to.

"Biro mo mukha mo, jan ka na nga ako nalang kukuha ng pagkain." Inambahan ko pa siyang batukan, aba'y tawanan lang ba daw ako.

Naglakad nalang ako papuntang food counter, alam ko naman na kung anong kinakain ng babaeng yun, sa tagal naba naming magkasama eh.

"Magandang tanghali, Miah anak. As usual ba?" Bungad sa'kin ni Mama Sita, isa sa mga nagseserve rito, halos matagal tagal na rin siyang nagtatrabaho rito.

"Magandang tanghali rin po, syempre po ma as usual parin ang sarap kaya ng luto mo."

Sagot ko naman, bakit ma yung tawag ko? Para niya na daw kasi akong anak kung ituring tapos wala kasi siyang anak, I mean, namatayan siya ng anak bale sabi niya sa'kin dati nung nagkwentohan kami nakikita niya raw sa'kin yung anak niya, nabundol kasi yun. Naawa naman ako sa kaniya kaya pumayag nalang ako na maging anak anakan niya.

Cornelia StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon