Labing-apat: Manhid

4 2 0
                                    

(AMIAH'S)

"Hindi mo deserve si Gael!"

"You're nothing without him!"

"Pa fame ka lang masiyado!"

"Manggagamit!"

Agad akong napabangon, akala ko totoo... Panaginip lang pala pero yung mga pinambabato nilang salita sa'kin lahat yun ay nangyari na.

Speaking of pambabato, asan ako? Ang huli ko lang natatandaan ay yung maraming tao sa labas namin tapos nung sinilip ko nagulat nalang ako nang mabasag yung bintana sa kwarto ko at parang may tumama sa noo ko na kung ano, tapos may naramdaman agad akong pagtulo ng likido kaya tiningnan ko yun...

Dugo, tapos para na'kong nahihilo. Nanlalabong tiningnan ko ulit yung mga tao tapos napatumba nalang ako bigla. Habang nasa lapag mas dumami pa yung pagkabasag nang bintana, binabato pala nila yung bahay namin. Bakit umabot pa sa ganito?

Hindi ko alam tumulo na naman pala ulit yung luha ko, nasa'n ba'ko? Tumayo muna ako galing sa pagkakaupo sa higaan at dumungaw sa labas.

"Dagat?" Kinidnapp ba'ko?!

Ang sakit pa nang ulo ko umay naman, naglakad nalang ako palabas, iisipin ko na talaga sanang nakidnap ako kung nakasarado yung pinto, buti nalang at bukas.

Nasa isang resort ba'ko? Kung pagsasamahin kasi lahat nang nakikita rito mukhang nasa resort nga ako, pero sino namang nagdala sa'kin rito? Si Eya? Siya lang naman yung huli kong kasama sa bahay.

Napaka tahimik naman rito, private resort kaya 'to? Wala naman kasi akong nakikitang ibang tao, anong oras na ba?

"5 o'clock na pala? Ilang oras na ba'ko rito?" Nakakabingi naman nang katahimikan rito lalabas nalang muna siguro ako, baka may mga tao sa labas.

Ang sarap ng simoy ng hangin, mamaya na'ko maglalakad sa tabing dagat, siguro naman may magagandang view pa rito.

Sa paglalakad ko, napadpad na pala ako rito sa isang napakagandang daanan, may nakita akong nakapaskin sa gilid.

"Welcome to Cornelia Street, where love begins." Wow ha where love begins talaga? Corny naman yata.

Pero in fairness nakaka inlove yung pagka gawa nang daanan na'to ah, siguro maraming dumaraan rito na nagka inlaban errr ang cringe.

Pero di nga kasi inspired by Japan kasi 'to, cherry blossom road ika nga kung sa Japan, tapos sa unahan may parang cafe?! Hindi ba boring rito? Pero sabagay nga naman daanan naman 'to kaya posible na yung mga dumaraan rito eh humihinto noh? Nabobo naman yata ako.

Gusto kong pumasok dun sa cafe, pero palapit na sana ako kaso may tumawag sa pangalan ko kaya lumingon ako sa likod, at nakita ko si Gael.

"Hey ba't ka umalis dun?" Tanong niya nang makalapit siya.

"Wala naman kasing tao dun anong gagawin ko dun tumunganga?" Tugon ko at maglalakad na sana kaso hinawakan niya yung kamay ko.

"Bumalik na tayo sa resort, magpahinga ka muna." Sabi niya at tiningnan ako sa mga mata.

"Tapos na'kong magpahinga, gusto kong maglakad lakad." Sabi ko naman at kukunin na sana yung kamay ko kaso hindi niya binitawan.

"Please naman Miah, makinig ka muna sa'kin."

Mahinahon niyang sabi, gusto ko pa sanang pumalag pero nawalan na'ko ng gana kaya naglakad nalang ako pabalik bahala na siyang makaladkad ayaw niyang bitawan yung kamay ko eh.

"Wait, look... I, I'm sorry Miah." Napahinto naman ako dahil sa sinabi niya.

"Dinala nga pala kita rito para malayo ka sa kapahamakan."

Dagdag niya, wala naman akong masabi, bumalik lang lahat nang nangyari kanina sa bahay, at yung mga binabato nilang issue sa'kin, lahat yun nasa utak ko na naman.

"Alam mo kahit papa'no sana nakalimutan ko yun eh, ba't binalik mo?" Walang gana kong tugon at tiningnan siya.

"Sorry."

"Yan, jan ka magaling sa sorry mo, bakit, malilinis ba yung maruming tingin sa'kin ng mga tagahanga mo nang sorry mo? Huh Gael?"

Hindi ko alam kung nasa matino pa ba'kong pag-iisip pero nabalot na naman ng sakit at galit ang utak ko, kapag kasi naaalala ko yung sinabi nung mga letcheng mga tagahanga nilang yun nasasaktan ako.

Alam ko naman, alam ko na hindi totoo yung mga binibintang nila sa'kin pero ang sakit parin! Lalo na't sinugod pa nila yung bahay namin, at pagbabatuhin yung bahay namin ano ibabalewala ko nalang?

"Aayusin ko'to Miah, trust me please. Everything will be alright, okay?" Sabi naman niya at pinunasan yung luha ko.

Ang hina ko naman, ba't ang bilis kong maluha? Sa pagtitig niya, natameme na naman ako, napasobra ba'ko? Makikita rin kasi sa mga mata niya na nahihirapan rin siya.

"Let me take all the responsibilities Miah, isa lang sana ang hihilingin ko sayo." Sabi niya ulit habang habang haplos haplos yung pisngi ko.

Ano na naman ba'tong ginagawa niya? Ang lapit na naman ng mukha niya sa'kin, tapos ito naman ako napatitig lang sa kaniya.

"Stay with me, yan lang Miah. Wag kang umalis nang hindi nagpa-alam, wag kang umalis nang wala ako." Dagdag niya at dinikit niya yung noo niya sa noo ko na ipinanlaki naman ng mga mata ko.

"Anong sa tingin mo yang ginagawa mo Gael?" Sabi ko nalang pagkatapos kong lumayo. Hindi naman siya lasing para gawin yun.

"Bakit?" Aba't ginagalit ba'ko nang lalaking 'to?!

"W-wala babalik na'ko." Talaga bang di niya alam yung ginagawa niya ha? Wala lang ba talaga sa kaniya yun?

Kung may makakita sa'min rito at nakuhanan na naman yun ng litrato edi mas lalong lalaki yung gulo, trip niya ba'kong mapahamak?!

"Sandali lang Miah." At talagang naabutan ako.

"Ano ba Ga-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang siilin niya ko ng halik.

Anong... Ano 'tong nararamdaman ko... Ang bilis ng tibok ng puso ko, ngayon ko lang naramdaman to, dahil ba'to sa halik? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong 'to.

Hindi ko man lang siya maitulak, maski yung galit at sakit na nararamdaman ko kanina parang nawala nalang. Ayoko naman sa mga ganitong pangyayari tulad nang napapanood ko sa tv pero ba't ngayon parang meron sa'kin na nagugustohan 'to?

(GAEL'S)

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, hinalikan ko siya...

Hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa 'to pero parang may bumulong na halikan ko siya kaya ko nagawa ang hindi dapat, I was kissing her passionately.

Pero napahinto ako nang maramdaman kung parang nabasa yung pisngi niya, tapos pag mulat ko nakita ko nalang na tumutulo na naman yung mga luha niya.

"May masakit ba sayo?" Alalang tanong ko naman at pinunasan yung pisngi niya.

"P-pinag titripan mo ba'ko ha?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya, mukha ba'kong nantitrip?

"Bakit mo naman nasabi yan Miah?" Ano bang iniisip niya? Kala niya ba pinaglalaruan ko siya?

"Hindi ka naman l-lasing di ba? Bakit mo ginagawa sa'kin 'to?!" Ang manhid niya.

"Hindi ako lasing Miah at mas lalong di ako nantitrip, ganyan ba ang tingin mo sa'kin?" Malamig kong tugon, hindi ko akalain na ganyan pala siya ka judgemental.

"E-ewan ko nalang Gael, pero sana nga... Sana nga hindi mo'ko pinagtitripan." Sabi niya at tumakbo na, napabuntong hininga nalang ako.

"Manhid ka lang talaga Miah."

Cornelia StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon