(AMIAH'S)
"I like you... No... I love you and I want you... Amiah."
Agad naman akong napadilat dahil sa pangyayaring yun, si Sir Gael... Nag confess sa'kin?! Teka nas'an ba'ko? Ba't puro puti rito?
Pagkatapos kong nilibot ang paningin ko, napagtanto ko nalang na nasa hospital pala ako, ano namang ginagawa ko rito?!
"Miah, okay kana ba?" At ano namang ginagawa ni Sir Gael rito?!
Pero pansin ko lang sa mukha niya yung labis na pag-aalala? Ano bang nangyari?
"Ba't ako nandito?" Takang tanong ko nalang.
"Hindi mo pala natatandaan?" Tama ba yun sagotin ba daw ako ng tanong.
"Magtatanong ba'ko kung natatandaan ko?" Napakunot noo naman siya dahil sa sinabi ko, ano na namang mali dun.
"Pilosopo, dinala kita rito kasi nanghihina't namumutla ka kanina." Sabi niya tapos nag cross-arms.
Ah teka nga... Naaalala ko na, kanina nung nagpa-alam ako kay Eya na sa restroom lang ako... Meay PMS pala ako ngayon! Gan'to ako ka hina pag malapit na yung menstrual ko, teka pa'no naman siya napunta dun? Hinanap niya ko?
"Pa'no ka napunta sa restroom?" Busangot kong tanong, malay niyo naman manyak pala to. Errr nahalikan ka nanga Miah diba? Kyahhhhh wag mo nang alalahanin pa yun!
"Hinanap kita malamang." Suplado niya namang sagot.
"At bakit mo'ko hinanap?" Tanong ko ulit na ikina iwas naman ng tingin niya.
"Andami mong tanong tapos yung tanong ko di mo masagot sagot." Sagot niya, wala na nagsuplado na nga.
"Masakit lang yung puson ko, okay na?" Sabi ko naman tapos napapikit nang kumirot yung puson ko.
"Wait lang tatawagin ko yung doctor." Sabi niya at lumabas agad, sobra naman yata siya mag care noh? Parang pms lang eh dinala pa'ko rito, hay nako kung hindi ko lang siya boss siguro iba na iisipin ko.
"Ano namang iisipin mo ha Miah?!" Parang baliw na naman ako rito, yun kasi yung napapanuod ko. Yung lalaki pa care care yun pala may gusto na, ang cringe kaya.
Kahit kailan di ko naisip na mangyayari rin yun sa'kin, pero tingnan niyo lang ngayon, isa isa nang nangyayari sa buhay ko yung mga napapanuod ko lang. Pero! Malabo namang magkagusto sa'kin yung amo ko! At isa pa, ayoko talagang may nagkakagusto sa'kin oo. Pero nung gabing.... Hindi lasing lang kasi yun Amiah tumigil ka na!
"Nasa private hospital ba'ko?" Tama nga pang yayamanin naman kasi yung dating ng kwartong 'to.
"Oh you're awake Miss Sarmiento, how are you feeling?" Tanong nung doctora nang makapasok, tapos sumunod naman si Sir Gael.
"Okay lang naman po doc." Sagot ko tapos itong si Gael naman agad na lumapit sa doctor.
"Sabi niya kanina doc masakit yung puson niya." Wala ba siyang alam sa menstruation naming mga babae?
"Yes iho natural lang naman yun sa aming mga babae kapag malapit na yung menstrual namin." Nakangiti namang sagot nung doctor, ang ganda niya ah, siguro nasa thirties pa'to.
"Ano? Natural talaga yung mamumutla?" Hindi naman makapaniwalang tanong nitong inosenteng Gael na'to.
"Yes, pero depende parin yun sa kalusugan ng isang babae. Iha nung una ka bang dinatnan ganun rin yung nangyari sa'yo?" Baling nang doctor sa'kin.
"Opo doc." Ever since talaga mula nung unang menstruation ko hinang hina rin ako, but then napag alaman nalang talaga na ganun na'ko kapag malapit nang datnan.
"Oh okay I see, ang mapapayo ko lang sa'yo Miss Sarmiento is you should take a rest para kahit papano ay maikalma mo ang sarili mo, and do the yoga pose to relieve menstrual cramps, just search it in the internet. And don't forget to put hot compress."
Sabi nung doctor, ayun nga dapat di nalang ako dinala rito tinutulog ko lang naman kasi 'tong ganito, pero salamat na rin may nakuha naman akong payo sa doctor.
"Pwede na kayong umuwi, take care of your girlfriend Mister Avilla." Napantig yung tenga ko sa 'girlfriend' pwe kadiri naman nun.
"Hindi niya po ako girlfriend." Nasabi ko nalang at tumayo na, pwede naman na'kong umuwi kaya ano pang gagawin ko rito.
"Oh kala ko kasi girlfriend ka niya, kasi naman todo ang pag-aalala kanina." Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi nung doctor pero nung tingnan ko si Sir Gael hindi man lang siya makatingin sa'kin, hindi ko mabasa yung reaction niya.
"Ah g-ganun po ba..." Tanging sambit ko nalang.
"Oo oh siya mauuna na ako't may gagawin pa." Sabi nung doctor tapos nagpa-alam na, habang tahimik naman kami ni Gael na natira rito.
"U-uwi na tayo." Sabi ko at tiningnan siya ulit.
"Kaya mo bang maglakad?" Mahinahon naman niyang tanong, pero ngayon nakatingin na rin siya sa'kin.
"Oo naman." Sagot ko tapos nag okay lang siya, at naglakad na kami palabas. Ang lalaki nang hakbang niya, nakakalakad nga ako pero tumitigil naman pag sumasakit yung puson ko kaya medyo nauuna na talaga siya.
Tulad ngayon humahawak ako sa dingding para makapaglakad, baka kasi matumba pa'ko pag walang hawakan.
At ganun nalang rin ang pagkagulat ko nang sa pagmulat ko mula sa pagpikit dahil sa sakit ng puson ay nakita ko na nasa harapan ko na ulit si Sir Gael.
"Pasanin na kita." Sabi niya at dahan dahang kinuha yung kamay kong nakahawak sa pader.
"P-pero mabiga-" hindi ko naman natuloy yung sasabihin ko nang idapat niya ang hintuturo niya sa labi ko.
"Shhh just let me carry you." Sabi niya tapos kinarga na'ko, yung parang bridal style, hindi naman na'ko pumalag, ano pa bang magagawa ko eh kung maglalakad ako, ako lang rin naman ang mahihirapan.
"S-salamat." Tanging nasabi ko nalang, tapos sumagot lang rin siya ng "you're welcome".
Ba't ganito yung nararamdaman ko? Dapat hindi ko nararamdan 'to... Ayoko...
(A/N: Magandang gabi sa inyo! Maraming salamat po sa pagsubaybay, sana ay di kayo magsawang samahan ang ating mga bida sa kanilang storya. Sana rin po ay nagustohan ninyo ang kabanatang ito, wag pong kalimutan na magbigay ng komento at vote, maraming salamat goodnight!🥀😊)

BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Romance"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...