Panglimang Kabanata: Modelo

4 2 0
                                    

(GAEL'S)

"Good morning sir, here's the designs from our department."

Sabi ng head sa designer's department, kaya sinenyasan ko siyang lumapit, kinuha ko naman agad yun ng makalapit na siya at nagsimula ng magbuklat.

"Umupo ka muna Miss Gomez." Sabi ko habang inisa isa ang mga designs.

"Okay po sir." Tumango nalang ako, at agad namang kumunot ang noo ko sa mga nakikitang designs, anong design to? Out of fashion... Itong isa naman napasobra ng style... Tapos itong isa napasobra sa color...

"Any problem po sir?" Rinig kong tanong ng head.

"Ipaulit mo'to sa kanila."

Sabi ko at nilapag yung mga hindi ko nagustohan, may lima pa'kong di natitingnan. Medyo nawawala na ang pagkunot ng aking noo nang makita ang limang natitira, itong isa simple lang pero may dating naman, tapos...

Ito naman elegante... Sakto lang ang style... Tama lang ang kulay bumagay sa style...at ang panghuli.

"Beautifully impressive." Sabi ko nalang, nang makita ang panghuling desinyo.

Itong mga designs ay kakailanganin sa susunod na fashion show at ang category ay red formal dresses, sa limang natira ito ang pinaka nagustohan kong design, though it's a bit showy pero sa tingin ko babagay 'to sa kaniya.

"I want her to be the model of this dress."

"Sino po sir?" Napatikhim naman ako ng wala sa oras, napalakas na naman ba ang pagkakasabi ko? Pero hindi ko nalang siya sinagot, masiyadong ma intriga.

"Papuntahin mo rito si Miss Sarmiento." It's her design, at gusto ko siyang kausapin tungkol sa plano ko, ayoko naman na biglaan siyang gawing modelo.

"Okay po." Sinenyasan ko nalang na siya na umalis na.

"Walang kupas ang galing mo Miss Sarmiento." Sabi ko ng maka alis na yung babae.

Amiah Sarmiento, ikaw ang nagbibigay ng malaking karangalan sa kompanyang 'to.

Sabi rin ni dad na siya rin yung isa sa mga nagdedesign ng suit namin ni Owen na sinusuot sa modeling at fashion show sa ibang bansa. Hindi rin maipagkaka ila na sikat rin siya, pero ang simple lang niya, hindi siya masiyadong nagmamataas mapapansin lang rin naman yun sa kaniya.

Wala pa naman siya kaya magbabanyo muna ako, ba't ang tagal naman ng babaeng yun.

*Fast forward

Pagkatapos kong magbanyo lumabas na'ko, at nakita ko namang nakatayo si Miss Sarmiento habang pinagmamasdan ang mga painting.

Maingat akong bumalik sa upuan ko para naman di niya mapansin na nakabalik na'ko. Habang nakatalikod siya hindi ko naman napigilang titigan ulit siya. Halos lahat naman yata na isusuot niya eh babagay sa babaeng 'to kaya hindi rin malabong di bumagay sa kaniya yung dress na gawa niya.

"Nasa'n naba si Sir ay tipaklong!" Gulat niyang sabi nang makita ako, Sir tipaklong huh.

"S-sorry po di ko napansin." Sabi niya ulit at yumuko.

"Maupo ka." Sagot ko nalang at kinuha ulit yung dinesign niya.

"B-bakit niyo po ako p-pinatawag?" Kinakabahan ba siya? Wala naman akong masamang gagawin sa kaniya ba't siya nauutal.

"Bakit ka nauutal Miss Sarmiento?"

Tanong ko at tiningnan siya. Napansin ko naman ang paglunok niya at kinagat niya pa ng kunti ang kaniyang ibabang labi dahilan ng pagbawi ko ng tingin. Is she tempting me or what? Huminga naman muna siya ng malalim bago sumagot.

Cornelia StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon