Pang-anim na kabanata: Libre ni Boss

4 2 0
                                    

(AMIAH'S)

"Nakakangalay." Naiiyak na bulong sa'kin ni Alleya pagkatapos kaming sabihan ni Sir Gael na magpahinga muna, tanghalian naman na din kasi.

"Mananghalian muna tayo." Nakangiting sabi ni Sir Owen sa'min.

"Sa cafeteria po kayo kakain?" Tanong naman ni Alleya, nako naman basta si Sir Owen na ang nagsalita matic na magsalita rin siya.

"Dunno kay bro Gael." Sagot naman ni Sir Owen at tumingin kay Sir Gael.

"Sa restau nalang tayo." Ay wala to restau restau pa eh may cafeteria naman rito, pero sabagay mayayaman naman sila kaya mag rerestau sila.

"Tara na sa cafeteria Eya, uh Sir mauna na ho kami sa inyo." Sabi ko at sinenyasan na si Alleya na aalis na kami. Pero nakakailang hakbang palang kami tinawag kami ni Sir Gael.

"May 'tayo' ba na kami lang ni Owen, Miss Sarmiento?" Umigting naman ang tenga ko sa malamig na pagkakasabi ni Sir Gael.

"S-sorry po, o-okay naman na kami sa cafe-"

hindi pa'ko tapos magsalita pero pinutol na niya ng nakakatakot na tingin, agad naman akong napalunok. Hindi ko alam pero kasi nakakatakot naman talaga yung tingin niya kaya binaba ko nalang yung tingin ko, parang ayoko ng tumingin sa kaniya.

"No, sumama kayo sa'min. Yun ang bilin ni dad." Sabi niya.

"Ayos tara na!" Masiglang sabi naman ni Owen at inakbayan pa si Alleya. Naloka na si bruha alam ko gusto na nun tumili.

Nauna silang tatlong naglalakad habang ako narito lang sa likod tahimik na sumusunod. Bale nasa likod ako ni Sir Gael. Napaka professional niya kung maglakad, astig rin, yung isang kamay niya nasa bulsa niya.

Hanggang sa pagpasok namin sa elevator ako parin yung nasa likod, para lang akong tuta rito habang sina Sir Owen at Alleya todo daldal kala mo matagal na na magkakilala eh noh.

Habang minamasdan ko sina Eya napansin kong bahagyang umatras si Sir Gael, bale lumevel siya sa'kin, kaya napausog naman ako sa gilid ng kunti. Naalala ko ulit kasi yung mga tingin niya kaya parang ayoko ng madikit sa kaniya baka kasi tingnan na naman niya ako ng pamatay tingin.

Hanggang sa makalabas kami sa kompanya ay iniwasan kong madikit sa kaniya, alam ko naman na alam na niya na iniiwasan ko siya, kasi nakikita ko sa peripheral vision ko na tumitingin siya sa'kin.

"Tabi tay-" hindi ko na natuloy ang sasabihin nang mauna ng pumasok si Sir Owen sa backseat kasama si Eya.

"Sa front seat ka nalang Miss Sarmiento." Ngiting sabi ni Sir Owen saka sinarado ang pinto. Kaya no choice ako, pumasok narin ako sa sasakyan at umupo na.

Tapos napansin kong inayos ni Sir Gael yung necktie niya at tumikhim bago pinaandar ang sasakyan. Habang nagda daldalan sina Sir Owen at Eya, ako naman sa paligid lang nakatingin para na ngang nangangalay na yung leeg ko.

*Fast forward

Ganun nalang ang pagtataka ko nang mapansin na nandito pala kami sa restau namin! Alam niya kaya na sa'min 'to?

"Ayos tara na nagugutom na'ko." Excited na sabi ni Sir Owen at kinaladkad na si Alleya papasok.

"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong naman ni Sir Gael, nagpanggap naman muna akong may tiningnan para lang maiwasang tumingin sa kaniya.

"Ah nagugutom naman na po, mauna ka na po Sir." Sagot ko at sa cellphone ko naman binaling ang atensyon ko.

"Okay, sumunod ka na." Sabi naman niya, hindi ko nalang pinansin at nagpanggap na may ka text. Nung tantya ko na nakapasok na nga talaga siya ay pumasok narin ako, at hinanap agad yung inuupuan nila.

Cornelia StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon