(AMIAH'S)
Nako naman ito na nga bang sinasabi ko eh, napasobra na naman 'tong si Eya, pati ba naman si Sir Owen, at... Sir Gael.
Tulog naba 'tong si Sir Gael? Nakayuko na siya sa mesa, pa'no na'to ngayon? Ako yung magmamaneho? Marunong naman ako magmaneho, tinuruan ako ni papa pero ang tanong, sa'n ko naman dadalhin 'tong tatlong 'to?
Sa hotel? Mahihirapan naman yata ako masiyado noh? Tatlo yung aarugain ko! Sa bahay nalang namin, may dalawang guest room pa naman kami.
Magbabanyo muna ako, tama lang talaga na kukunti lang yung tinungga kundi baka dito na kami matutulog. Bago ako dumiretso sa restroom, nagbayad muna ako, malabong makapag-bayad pa yung si Sir Gael tulog na nga yata yun.
"5,500 ma'am." Sabi nung cashier, iniabot ko nalang yung 6k ko at sinabing keep the change naiihi na'ko.
Kaya nagmadali na'kong pumasok sa banyo...
"Phew ang gaan na." Sambit ko nalang ng makaihi na, kanina pa kasi talaga ako naiihi tyumempo lang ako.
Palabas na sana ako sa washroom nang may humila sa'kin sa isang parte na may kaunti lang na ilaw tapos magpupumiglas na sana ako nang magsalita siya.
"Shh it's me, may lilinawin lang ako sa'yo Miss Sarmiento." Si sir Gael... Nakakulong ako ngayon sa kaniyang dalawang braso, tapos yung ulo niya nakapihing sa gilid, medyo dama ko narin ang hininga niya.
"A-ano yun s-sir?" Kinakabahang tanong ko, ito yung pinaka unang beses na may nangyaring ganito sa tanang buhay ko.
"Bakit... Bakit hindi mo'ko magawang tingnan?" Malamig niyang tugon, napansin nga talaga niya. Sa tuwing naalala ko kasi yung tingin niya kanina natatakot ako.
"N-natatakot kasi ak-" hindi ko na matapos ang sasabihin ko nang titigan niya ko.
"Sorry..." Malumanay niyang sabi, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko... Hindi ko mapaliwanag... Kinikilig na, na aawa, na hindi ko talaga ma say!
"Please, wag mo na'kong iwasan." Sabi niya ulit tapos sinubsob yung mukha niya sa balikat ko, gusto ko sana siyang itulak pero nakaka konsensiya naman, boss ko'to isa pa, lasing na'to baka mauntog pa'to rito magkaproblema pa'ko.
"H-hindi na, lika na iuuwi ko na kayo sir." Sabi ko nalang at nagdalawang isip pang hawakan yung mga braso niya.
"Hmmm." Wala na, kulang nalang talaga ng lapag at knockdown na'to. Inalalayan ko nalang siyang maglakad, siya nalang siguro iuuna kong isakay.
"Ayosin mo nga yang lakad mo Sir Gael ang bigat mo pa naman." Para kasing gusto niya nalang kaladkarin jusko.
"Sorry na kasi..." Sabi niya, ba't ba siya nagsosorry?
"Para saan ba yun sir?" Takang tanong ko at lakas loob na inayos yung tindig niya, nahihirapan kasi akong pasanin siya.
"Kasi... Iniiwasan... Mo'ko." Sagot niya, lasing naman 'to diba?
"Hayyss pasok na nga, umayos ka sir baka iwan kita rito." Sabi ko naman at maingat siyang inalalayan papasok, hindi ko na hahayaang maulit pa'to!
"Sorry..." Sambit niya ulit at pumikit na, oh diba knockout na finish na si Boss.
Grabe ang pogi naman talaga ng nilalang na'to, parang ma among tuta lang ang peg niya ngayon, pero pag gising parang tigre. Kitang kita ko na talaga ngayon ang mukha niya, meron siyang mahahabang pilik mata, Matangos na ilong, ang kinis pa ng mukha hindi siguro 'to nagka pimple kahit kailan.
BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Romance"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...