Bente Tres: Akin ka nalang

3 1 0
                                    

(AMIAH'S)

Gabi na at nandito kami sa hotel ni Theon, ang yaman naman talaga nitong mokong na'to. Ba't nga ba kami nandito? Eh kasi naman yung dalawa ayon knock out na kaya nag offer siya na dito nalang muna raw kami kasi gabi naman na tapos medyo tipsy narin ako at malayo layo yung bar sa amin baka makatulog ako habang nagmamaneho.

Nasa magkaibang kwarto kaming apat syempre alangan naman kung magsama sama kami, pero yung kwarto ni Alleya katabi lang sa'kin.

Tapos apaka lakas ko talaga HAHAHA syempre ako lang yung tipsy na hindi natulog, nandito ako sa veranda nagpapahangin.

Kaso parang nakulangan ako ng alak umay naman, kaya pumasok muna ako at pumunta sa mini bar oh diba ang taray kompletong kompleto, iginiya naman niya kasi ako rito sa kwarto at sinabi niya na pwede raw akong kumuha ng drinks kung gusto ko, at take note libre ang pag stay namin rito, ang swerte naman.

Pagkatapos kung kumuha ng sampung beer in a can ay bumalik ulit ako sa veranda, tapos nilagay ko muna sa mesa yung mga beer na niyakap ko lang.

"Hooo mas sasarap pa pala ang simoy ng hangin pag may beer." Sabi ko nalang sa sarili ko at natawa narin ng bahagya.

Tapos pvtangvnang isip ko naman, naisip na naman yung pvtangvnang lalaking yun, hindi ko naman kasi mapigilan kung pwede lang iuntog tong ulo ko nang ma amnesia ako edi ginawa ko na, pero hindi lang naman siya yung nakakalimutan ko pag ginawa ko yun kaya hindi pwedeng ma amnesia ang ferson.

Siguro last na'to, oo dapat last na ang gabing ito na maalala ko yung mga panahon na pinapakilig ako ng gagvng yung. Sana nga noh ganun lang kadali pero susubokan ko.

At ayun na nga parang nag flashback lahat ng mga moment na magkasama kami ni Gael, lalo na yung pag aalala niya, yung mga yakap niya at yung tangvnang mga halik niya nakakatawa lang na grabeng kilig ko nung mga panahong yun pero yun pala ay paraos lang niya. Tsaka isa pa, walang kwenta naman yung cornelia street, pero nakakatawa lang isipin na walang kwenta para sa'kin pero dun naman ako nahulog sa gagvng yun. Pero yun nga nahulog lang ako na nga hindi pa sinalo sakit pvta.

Although sinabi niya na gusto niya ako pero siguro dahil ako yung nandun at hindi yung fiancé niya, tapos ang manhid ko pa raw para hindi yun mapansin wow ah yun pala may fiancé na siya HAHA gagv talaga. Kaya nga siguro kailangan ko na talaga yung kalimutan kasi hindi naman ako yung nasa isip niya nung mga panahong yun, iniisip niya yung Gwendolyn niya sa kataohan ko.

Napatigil nalang ako sa pagbabalik tanaw ng mga panahon na iyon nang may tumunog sa loob, tapos sa pagtayo ko nakaramdam ako ng pagkahilo tangvna naubos ko na pala agad yung sampung beer? Nanlalabo na yung paningin ko lechugas naman oo ano bang beer yun at ang bilis kong natamaan.

Habang dahan dahan akong naglalakad ramdam ko na rin yung pag gewang gewang ko, tsk ngayon lang yata ako tinamaan ng ganito.

Saan ba yung tumunog? Napadako naman ang tingin ko sa pinto ng tumunog ulit tapos nakita ko yung gwapong mukha ni Theon. Isa pa'to ba't ang gwapo niya? Parehas silang gwapo ni Gael parehas rin kaya silang gagv? HAHA tangvna ano naba tong nangyayari sa'kin.

"Miah? Buksan mo'to may dala akong pagkain."

Wow naman napaka bait tulad rin ni Gael ah, teka nga bakit ko ba sila pinahahalintulad? Mas mabuti na kasing makilala muna diba kasi baka parehas nga sila sa una lang magaling mag alaga, magpakilig, at mag alala AHEHEHE.

"Sandali lang." Barag na sabi ko, jusko nahihilo na nga talaga ako di ko pa magawang buksan agad yung pinto.

"Oh sandali you okay?" Tanong niya nang medyo nahilo na naman ako at napahawak sa pinto, inalalayan niya rin naman ako.

Cornelia StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon