(GAEL'S)
"Nasa'n ba kayong dalawa ngayon?" Seryosong tanong sa'kin ni dad.
"Nandito ako kina Miss Sarmiento dad may emergency lang." Sagot ko naman habang nakapikit, nandito kasi ako ngayon sa guest room nina Miah kalapit lang sa kwarto niya.
"I thought you're in their restau working as a waiter." Seryoso parin niyang tugon, kaya napabalikwas ako nang higa at binuksan ang mails ko, habang in call parin.
Kumalat na pala yun sa social media, may video pa'ko nung sinabi kong nagtatrabaho kami dun kaya pala alam na ni dad.
"I'll explain it all mamaya dad, pag uwi namin." Sabi ko nalang, I hate explaining kung sa tawag tawag lang.
"You better to." Sabi niya, tsk ba't ang big deal naman nito sa kanila.
"Bro, tumawag rin ba si dad sa'yo?" Message sa'kin ni Owen, tinawagan rin pala siya. Nireplyan ko nalang siya na oo tapos humiga na ulit, wala rin naman akong gagawin rito kaya magbabasa nalang muna nang mails.
"We're doomed." Reply ni Owen, di ko nalang pinansin, nag focus nalang ako sa pagbabasa.
"Fvcking issues." Nasambit ko nalang may nabasang "Does the older son of Rowan Avilla has a crush in their top designer Amiah Sarmiento?" Tapos may picture pa dun na buhat buhat ko si Miah, ito yung buhat buhat ko siya palabas dun sa hospital, kahit sa'n talaga kami pumunta may kukuha ng litrato?
Napahinto ako sa pagbabasa nang may kumatok, si Miah siguro yun, wala naman nang ibang tao rito kundi kami lang dalawa.
"May kailangan ka Miah?" Tanong ko nang mabuksan ang pinto, pero napansin ko naman na seryoso siyang nakatingin sa'kin.
"Anong gagawin natin rito?" Seryoso niyang tanong tapos hinarap sa'kin yung cellphone niya, nakita ko naman dun yung nabasa ko kanina sa mail.
Nakita niya na rin pala, sabagay social media nga antanga.
"Don't mind them, ako nang bahalang sumagot sa bagay na yan magpahinga ka nalang." Sabi ko naman, pero parang di siya kuntento sa sagot ko.
"Tangvna naman." Sabi niya tapos padabog na umalis, nagmumura rin pala ang babaeng yun?
Mukhang pumasok kami sa malaking gusot. Kung gusto nila ng conference then I'll give it to them tsk.
(OWEN'S)
"Na'ko pa'no na kayo nyan ngayon?" Sabi ni Alleya, nananghalian na kami ngayon medyo kukunti na yung kumakain kaya kumain narin kami, ala una narin naman kasi ng hapon.
"Hindi ko rin alam, siguro may plano na ngayon si kuya." Sagot ko nalang at kumain na ulit, tapos napatingin ako kina Tita Aliana, nag-aalala rin sila sa kumakalat na mga balita ngayon.
"Tapos andun pa yung litrato nilang dalawa galing hospital! Nako naman kasi yan ang hirap sa mga sikat na mayaman eh." Napalakas na sabi niya kaya nagtinginan sa'min yung mga narito, pati rin sina tita.
"Sorry." Bulong niya naman nang mapansin niya yun, tinanguan ko nalang. Nakakainis naman kasi yung mga paparazzi talagang hahanap at hahanap sila nang matotopic, masiyadong big deal lahat para sa kanila.
"Owen iho, mas mabuti sigurong umuwi na muna kayo, tawagan mo yung kuya mo magpasundo ka rito. Tapos ikaw Eya dun ka sa bahay puntahan mo si Miah." Sabi ni tita nang makalapit siya sa'min.
"Pero pa'no po kayo?" Tanong ko, baka marami pang customers mamaya.
"Kaya naman namin iho, salamat nga pala sa tulong ninyo rito kanina, at pasensiya na sa abala." Sabi ni tita, tsk tangvna naman kasi ba't ma issue masiyado yung mga tao.
"Uh sige po tita, pasensiya na rin ho sa gulong binigay namin sa inyo." Sabi ko tapos tumayo't yumuko. Nakakahiya imbes na tumulong kami nagdala pa kami ng problema.
"Nako hindi iho wala yun ano ka ba." Nakangiti pa niyang tugon, pero kita parin yun pag-aalala, siguro para kay Miah, meron narin kasing bumatikos sa kaniya, napabuntong hininga nalang ako bago makapagsalita ulit.
"Tatawagan ko lang po muna si kuya." Paalam ko tapos nag okay lang siya at sinabing babalik lang cooking room, kaya lumabas narin muna ako para tawagan ulit si kuya.
Pero naka tatlong dial na'ko di parin niya sinasagot, saan na naman yun eh kanina naman ang bilis niyang sagutin yung tawag ko. Di kaya may nangyari dun? Tinawagan ko ulit, buti nalang sinagot na niya.
"Oh bakit?" Malamig niyang tugon, sa tono niya ngayon inis na inis na siya panigurado.
"San ka ba't ang tagal mong sumagot?" Tangvna andami na namang kumukuha ng litrato.
"Nagbanyo lang, ba't ka napatawag?" Akala ko may nangyari na loko.
"Sabi ni tita umuwi nalang daw muna tayo." Iritang tugon ko pa'no ba naman kasi parang di matigil tigil sa pagkuha ng litrato 'tong mga tao rito balak ba nilang punuin ng mukha ko yung mga cellphone nila?
"Pa'no si Miah." Concern lang ba talaga 'tong kuya o ano? I smell something fishy na simula kaninang umaga nang maabotan namin silang dalawa ni Miah sa labas nagbabasaan.
Tapos kahapon rin at nung araw na dumating kami rito parang nag iba yung kinikilos niya, ewan ko nalang talaga.
"Papupuntahin daw jan si Eya." Sagot ko at pumasok na I can't take it anymore naiirita na'ko sa mga kumukuha ng litrato, pagkapasok ko sinara ko yung pinto.
Nagtinginan naman sina tita sa'kin, tapos nilibot ko yung paningin sa loob kung may mga customers pa ba, pero buti nalang nakalabas na pala lahat kaya nilagyan ko nalang ng "close" yung pinto.
"Sundoin mo na'ko rito kuya bilisan mo." Sabi ko tapos binaba na yung tawag kakausapin ko muna sina tita. Okay lang sana kung sa'min lang 'tong problema na'to pero nadadamay sina tita sa gulong 'to umay lagot kami nito kay dad.
*Ipagpapatuloy
BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Romansa"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...
