(ALLEYA'S)
Simula nung umalis si Miah sa resort ni Gael, parang nagbago na siya, hindi na siya yung dating Miah na energetic, itong Miah na kasama ko ngayon ay masiyado nang seryoso sa trabaho, seryoso sa buhay, at parang seryoso na talaga sa lahat.
Isang buwan na ang lumipas mula nung mga pangyayaring yun at mabuti nalang wala nang nanggugulo sa buhay at career ni Miah, pati narin kina Gael at Owen, naging tahimik na ang lahat, bumalik na rin sa ayos yung dating restau nina Miah na kinuyod nang mga tao.
Nung nasa restau pala kami hindi naming alam na sinugod pala yung restau nina Miah, marami ring nasira dun, pero hindi nalang pina alam kay Miah ang nangyari nang mga araw na yun para raw kahit papano ay makapag pahinga si Miah dun sa resort nang walang iniisip na gulo.
Sa ngayon maayos na ang takbo ng buhay naming lahat, at kami na nga pala ni Owen *kinilig oh diba nagtapat rin siya sa'kin mga mamsh one week after kong umuwi, nagpa iwan naman talaga ko dun sa resort, wala lang feel na feel ko lang yun pag stay ko dun. Masaya rin naman kasing kasama yung mga staff ni Gael dun, akala ko talaga sa kanilang dalawa yung resort na yun pero kay Gael lang pala.
So ayun nga ang chika mga mamsh, nagulat nalang ako nang ayain ako ni Owen sa kaniya mismong resort oo may kaniya kaniya silang resort sabagay ang yaman naman kasi ng lahi nila. Maraming turista pa ang nandun basta maganda naman at may mga bibo ring staff, tapos nung gumabi na ay inaya niya akong mag dinner sa floating cottage, kami lang dalawa oo syempre HAHAHA.
Tapos nang makalahati na kami sa pagkain ay hinawakan niya yung kamay ko kaya syempre napatingin ako, tapos mukhang kinakabahan pa siya kaya kinabahan narin ako. Kala ko nga kung napano siya, pero nagtaka nalang ako nang lumuhod siya sa harap ko.
As in napa awang ang bibig ko, tapos ayun tinanong niya ako kung pwede ba daw niya ako maging girlfriend kaya syempre alangan naman kung patatagalin ko pa eh yun yung hinihintay kong pagkakaton, tapos ayun nga niyakap niya tapos may fireworks tapos kiniss niya ako!!! HAHAHA lintik kinikilig parin ako hanggang ngayon huhu.
Tapos itong si Miah bruha ayun bumalik sa pagka bitter, kapag nga inaya ko siyang lumabas sasabihin nalang niya na si Owen raw yung ayain ko eh busy naman yun minsan pero sumasama parin naman siya okay na yun.
"Eya pwedeng ikaw muna magpasa nito kay Sir Gael? May pinapagawa pa kasi sa'kin si Boss Mawi." Sabi ni Miah tsaka inabot sa'kin yung mga papeles kaya inabot ko nalang tapos tumango.
Ewan ko nalang ha basta ang laki ng pinagbago nitong bruha na'to, basta pag nandito kami sa office tutok na tutok siya sa trabaho eh dati naman nag-iingayan kami rito kasama itong mga kasama naming rito sa department namin, pero ngayon hindi na siya nakikisabay sa amin.
"Good morning sir, papers po from our department." Sabi ko pagpasok sa opisina ni Gael, tapos napansin kong parang nagtataka siya, siguro hinahanap niya si Miah siya naman kasi yung madalas na nagdadala nito sa kaniya.
"A-ah may ginagawa pa po si Miah kay-" aba bastos di ako pinatapos, iginiya ba raw agad yung kamay niya sa mesa means ilagay ko nalang itong bitbit kong mga papeles.
"You can go." Sabi pa niya, asusss itong lalaking 'to halata lang naman yung feelings niya patago tago pa.
Alam niyo ba? Syempre hindi diba? Ito nga ang chika sa kaniya nung umalis si Miah sa resort, hindi talaga namin siya nakausap sobrang tahimik, pero kapag tinatanong naman siya sumasagot nga maikli lang naman, tapos palaging lasing jusko binabanggit pa niya yung pangalan ni Miah AHEHEHE kinikilig kami nung time na yun.
Tapos ayun na nga hanggang sa umalis ako sa resort si Owen yung taga balita sa'kin, naglalasing parin raw itong si Gael at palaging bad mode kaya minsan di rin niya makausap, pati dito sa opisina ganun rin tahimik lang siya. Bakit di nalang siya umamin kay Miah kung ano yung nararamdaman niya?

BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Romantik"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...