Warning!!
Ang susunod pa na mga POV ay naglalaman ng pagmumura, at iba pang mga salita na hindi angkop sa mga batang mambabasa(kung meron man) o di kayay hindi niyo magustohan.
(AMIAH'S)
Pfttt tangvna niya HAHAHAHA matagal na ba sila? Hindi naman siguro minamadali yung pagkakaroon ng fiancé noh? Yung mga pinapakita niya ba sa'kin dati parang wala lang? May fiancé na pala siya tapos ang harot harot niya!
Ano lang pala ako nung mga panahon na yun? Ginamit niya lang ba'ko? Tangvna ba't ang sakit eh wala naming kami?! Pvta ka Gael Avilla.
"Saan ka pupunta Miah?" Tanong sa'kin ni Eya nang mapansin na nagliligpit ako ng gamit.
"Hindi ko alam." Tanging tugon ko at naglakad na palabas, at sa kapvtanginahan nga naman.
Papasok na sana ako sa elevator ng banggain ako nung babae na yun kaya nauna na silang pumasok, ayoko naman silang makasama sa loob naiinis ako na ewan ko ba gusto kong manuntok ngayon kaya dun nalang ako sa hagdan dumaan. Mas mabuti narin 'to kesa sa makita silang naglalampungan sa loob ng elevator baka masuka pa'ko.
"Oh saan ang lakad Miss Sarmiento?" Tanong ni Sir Owen habang may kasamang babae rin na hindi ko familiar, nakahawak pa talaga sa braso niya. Ano 'to pinsan niya o kabet niya? Pag nalaman ko lang na nangangaliwa siya ewan ko nalang.
Okay na sa'kin kung ako lang yung gagagohin pero kung pati si Alleya aba ibang usapan na yun, parang kapatid ko na rin yun at ayoko siyang makitang nasasaktan. Tinaasan ko silang dalawa ng kilay habang palipat lipat ang tingin sa braso ni Owen at dun sa babae.
Pero ang gagv wala man lang talagang sinabi kaya inirapan ko nalang saka naglakad na palabas ng kompanya, teka nga saan ba'ko pupunta?! Ano na naman 'tong letcheng pakiramdam ko na'to? Nasasaktan ako kapag naiisip ko yung nangyari sa'min ni Gael dun sa resort niya, pvta ang sweet sweet niya pa sa'kin yun pala may fiancé na siya.
Siguro nga ginamit niya lang ako, paraos siguro kasi hindi niya kasama yung Gwendolyn na yun? Tangvna talaga! Nahampas ko nalang yung manubela ng sasakyan ko, oo nga pala bumili na'ko nito para naman hindi na'ko mahirapan pang mag commute.
Nagmaneho nalang ako kahit pa hindi ko alam kung saan ako pupunta, tapos habang nagmamaneho hindi ko na napansin na umiiyak na pala ako, hindi ko lang kasi mapigilan Hindi ko magawang balewalain yung mga moment na magkasama kami ni Gael, nakakatawa man pero ang sakit.
Ibig bang sabihin nung mga panahon na hinahalikan niya ako, iniisip niya na ako si Gwendolyn? Pvtangina HAHA naninikip ang dibdib ko. Idaan ko nalang siguro 'to sa alak, baka sakaling makalimot ako.
Ano ngang bar ito? Korean style bar ewan anong ibig sabihin nung pangalan di ko gets, basta pumasok nalang ako bahala na nga.
Sa pagpasok ko syempre shvta apaka ganda naman sa loob, luxuryng luxury nga, mukhang mapapawaldas ako nito malala.
"Hello Miss Gorgeous." Bati sa'kin nung bartender, aba ang gwapo naman yata para siyang koreano ah in fairness.
"Name it Miss Gorgeous." Sabi niya tapos nginitian ako, name it? Yung tutunggain ko siguro noh?
"Uhm I guess Soju will do." Tugon ko nalang tapos nagpalinga linga sa paligid, hindi naman masiyadong marami yung nandito, exclusive nga lang yata to. Anyways marami pa namang ibang klase ng liquors pero di ko familiar kaya sa soju nalang muna, masarap rin naman yun mamaya na siguro yung favorite beer ko rin namely hite beer.
"You sure Miss? We have many kind of drinks here for you." Ngumiti nalang ako sa kaniya at tumango, kulit mo pa ah.
"You don't have someone with you?" Ano 'to interview?

BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Romantik"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...