(AMIAH'S)
Nang matapos akong maligo at lahat lahat na ay lumabas na'ko sa hotel room at pupunta na kay Alleya, excited paman rin yun nang malaman na gagala kami kasama sina Theon.
Ayaw niya rin daw pumasok sa office naiiinis daw siya, nakakailang hakbang pa'ko ay may tumawag na sa phone ko kaya huminto muna ako at tiningnan kung sino yung tumatawag.
"Good morning Boss Mawi." Ani ko.
"Anong good sa morning ha Miah? Hindi ka ba pupunta rito sa opisina?" Hindi yata maganda ang umaga niya.
"Aabsent po ako Boss." Sagot ko tapos parang narinig ko na parang yun bang may sinabunotan siya.
"Eh pa'no yung pinapa submit ko sa'yo kahapon kay Sir Gael?"
"Nasa table ko lang yun, kunin mo nalang po." Deserve ko rin namang umabsent noh bahala na sila dun.
"Hayss! Asan ka ba kasi ngayon?" Luhh ba't ba siya galit?
"Sa lugar kung saan wala po kayo." Sabi ko at bahagyang napatawa.
"Ewan ko sayo! Makita ko lang kayong dalawa ni Alleya."
Gigil niyang sabi at pinatay na yung tawag, umiling nalang ako tapos binalik na sa handbag ko yung phone, kailangan rin naman naming ienjoy ang buhay namin, alangan naman kung puro trabaho nalang tapos isa pa tapos naman rin namin yung pinapagawa sa'min.
"Oh nanjan ka na pala Miah, wala pa ba sina Theon?"
Sabi ni Eya na kakalabas lang, aba ang ganda naman ng ferson na yarn. Naka white halter cocktail dress siya, tapos light makeup then nakalugay lang ang buhok niya pero may hair clip sa gilid, fresh na fresh ang bruha.
Habang ako naman simpleng white round neck sweater tapos naka denim trouser lang tas white shoes. Gagala naman kasi so mainit sa labas medyo sensitive ako masiyado sa init ng araw eh kaya baka sweater ako.
Itong si Eya mahilig naman talaga to magsuot ng mga sexy na damit, pero bagay naman ang ganda nga niya eh uwu.
"Ewan baka nagbibihis pa. Nga pala tumawag si Boss Mawi, galit pa hinahanap tayo." Sabi ko nalang.
"Sus yaan mo na yun sila, basta tayo gagala isa pa wala rin naman tayong gagawin dun."
Tugon niya at ngumiti pa ng malapad. Tapos ayun hindi rin nagtagal dumating na sina Theon, gagv ang gagwapo naman nitong dalawa, simpleng suot pero ang lakas ng dating.
Si Theon naka white sweater tapos black pants at white shoes, si Miles naman naka white Korean style plain t-shirt at black pants rin tapos white cap.
Tapos itong si Alleya para namang maglalaway na habang nakatitig kay Miles, kaya umakto nalang ako na isasara ang bibig niya, kaya napatawa nalang sina Theon at Miles.
"Kanina pa kayo?" Tanong ni Theon.
"Hindi naman, kakalabas lang rin." Sagot, tapos napakunot noo nalang ako kasi sina Miles at Eya grabe kung makatingin sa'min ni Theon.
"Problema niyo?" Tanong ko tapos tinaasan ako ng kilay ni Eya kaya tinaasan ko na rin siya kilay aba siya lang ba marunong.
"Couple yarn?"
Sabi ni Eya tapos palipat lipat yung tingin niya sa suot namin ni Theon kaya tiningnan ko naman... Ay loko oo nga ngayon ko lang napansin, ba't gaya gaya tong Theon na'to? Siya naman kasi bumili sa'kin nitong suot ko ngayon.
"Porket parehas lang eh couples agad?" Natatawang sabi ni Theon.
"Oo nga naman masiyado kalang ma issue Eya bruha." Sabi ko rin tapos inirapan siya.

BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Roman d'amour"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...