Labing Lima: Selos

5 2 0
                                    

(AMIAH'S)

Nakakainis siya! It's just a kiss... No! It's not just a kiss big deal yun sa'kin! Bakit hilig na ba niyang manghalik sa kahit sinong babae? Maski sa'kin kung trip trip niya lang yun? Huh such a maniac pala kung ganun?!

"Oh Miah okay kalang?" Tanong ni Eya nang makita ako, nandito rin pala 'to, eh sina mama pala?

"Okay lang, asan sina mama?" Tugon ko tapos tumabi sa kaniya sa couch.

"Nga pala susunod sila maya maya raw. Hindi ba masakit yang ulo mo?" Sabi niya.

"Masakit naman kunti, anyways, kaninong resort 'to?" Maganda naman yung pagkakagawa, pulido rin naman yung kisame, pero mukhang bagong patayo palang 'to, siguro one or two months palang 'to.

"Kina Gael."

Speaking of... Nagtagpo yung mga paningin ni Gael na kakapasok lang rin, pero agad rin niyang binawi yung tingin niya, aba siya pa talaga yung may ganang umakto nang ganun ah.

"Nadala mo ba yung phone ko?" Baka naiwan sa bahay uuwi talaga ako bahala na.

"Yup nasa kwarto mo na." Sagot niya at kumain na ng pizza, sarap nang buhay nitong bruha na'to.

Tumayo nalang ako at pumunta na sa pinanggalingan ko kanina, tapos pagpasok ko sa kwarto kita ko na agad yung sunset, mas maganda 'tong tingnan kung nasa tabing dagat ako.

Kaya pagkatapos kong makuha yung phone ko ay lumabas na ulit ako, at habang papalabas ay naalala ko yung sinabi ni Gael sa'kin kanina, wag raw akong umalis nang hindi nagpapa alam at hindi siya kasama.

Hmp sino ba naman siya para magpa alam ako? Wala kami sa opisina kaya hindi ko siya boss bahala siya sa buhay niya.

Luminga linga ako sa paligid, marami rami palang cottages may floating cottages pa. Pero ba't parang ang tahimik? Walang mga empleyado rito?

Bahala na nga, kinuhanan ko nalang nang litrato yung sunset at yung ibang magagandang spot rito, lalo na yung beach huts, maganda kasing mag collect nang mga ganito ka gandang litrato, nahiligan ko lang gawin 'to.

Pagkatapos ay naglakad lakad lang rin muna ako at bitbit ko yung tsinelas,medyo mainit mainit pa kasi yung puting buhangin, nakakarelax sa paa kaya nakayapak lang ako.

Sa paglalakad ko napansin kong sobrang lawak pala ng resort na'to, hanggang saan kaya ang do nito?
Kina Gael ba lahat ng 'to? I mean maraming cabin rito tapos ang gandang tingnan as in sobrang ayos nung alignment.

May mga tao! Teka an layo ko na yata dun sa pinanggalingan ko? Baka ma trespassing ako nito nang wala sa oras, pero mukha namang sa kanila lang 'tong lugar na'to kaya bahala na lulubos lubosin ko nalang 'tong paglalakad ko rito.

Hindi ko alam kung hanggang saan ako balak dalhin nang mga paa ko pero mukhang safe naman rito, habang naglalakad parin, nadaanan ko yung cottage na may mga tao at syempre napatingin ako, napatingin rin naman sila.

Siguro nasa bente silang narito, masaya naman silang kumakain. Nginitian ko nalang sila ewan kong kita ba pero kung hindi edi yukoan nalang rin, tapos yung akala kong snob sila ay mali pala, yumuko rin sila sa'kin pabalik.

Tapos ito pinagpatuloy ko na naman yung paglalakad ko, gaano ba karaming cottages and cabin meron ang resort na'to? Kasi parang wala akong makitang dead end, charot lang last na pala dun sa parang may malaking bato.

Medyo tinamad na'ko kaya babalik na'ko, may sumunod pala sa'kin, matangkad, maputi, maporma, in short gwapong lalaki.

Naka Hawaiian floral polo siya at puting short, naka paa lang rin siya, allergy pa naman ako sa mga gwapo, nang mapatingin ako sa kaniya nginitian niya agad ako, kaya syempre di naman ako maldita kaya ngumiti rin ako pabalik.

Cornelia StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon