(AMIAH'S)
"Pst! Dito dali" senyas ni Alleya sa'kin pagpasok ko sa conference hall buti nalang nakita ko siya agad.
Tapos habang papunta ako sa pwesto ni Alleya, hindi ko maiwasang di marinig ang mga bulong bulungan ng ibang empleyado rito, pa'no naman kasi magkasunod kami ni Sir Gael pumasok, yung panganay na anak ni Sir Avilla.
"Bakit kaya sila magkasunod?"
"Oo nga, baka nagpapa good shot."
"Ano ba kayo, malay niyo naman coincidence lang."
Iilan lang yan sa mga naririnig ko rito. Hindi ko alam kung bulong na ba nila yan pero rinig na rinig ko ah.
Anong nagpapa good shot? Eh kung eh headshot ko kaya kayo?! Asar naman 'tong mga Marites na'to.
"Hoy bruha ba't magkasunod kayo ni Sir Gael?" Salubong naman agad sa'kin ni Alleya ng makaupo ako sa tabi niya.
"Hindi ko rin alam." Sagot ko nalang.
"Okay, ladies and gentlemen since nandito na ang aking panganay, ipapakilala ko na sila sa inyo."
Sabi ni Sir Rowan Avilla.
"This is my youngest son, Owen Avilla." Pakilala niya sa anak niyang nasa kanan. Tumayo naman iyun at pumunta sa gitna upang magsalita.
"Hello everyone! It's nice to be back in here again and looking forward for us to be friends dun sa mga bagong empleyado ni dad rito, at sana naalala pa kami ng mga matagal na nagtatrabaho rito."
Natatawang sabi ni Sir Owen, na ikinatawa naman ng ibang empleyado. At yung ibang mga bagohan naman na mga babae ay kinikilig, hay nako. Sabagay maituturing rin naman kaming bagohan ni Alleya rito kahit pa dalawang taon na kaming nagtatrabaho rito. Simula naman kasi nung pumasok kami rito ay sa telebisyon at mga magazines lang namin nakikita ang magkapatid na Avilla.
Hindi ko naman maiwasang hindi mapatitig sa kanila, mas gwapo pala talaga sila sa personal, oo na inaamin ko, ang gagwapo nilang dalawa. Lalo na si Sir Gael, kanina nung magkalapit kami. Kitang kita ko ng malinaw ang kaniyang mukha.
Pero ano naman? Syempre ang gagwapo nila kasi may pera naman sila para sa mga mukha nila, at isa pa lumaki naman sila sa fashion industry.
Ang magkapatid na Avilla ay isa sa mga sikat na model sa ibang bansa, kilala rin naman sila rito sa Pinas, pero mas sikat sila sa ibang bansa. Sabi pa nga sa'min ni Sir Rowan, halos sa ibang bansa na lumaki ang kaniyang mga anak at ngayon nalang ulit bumalik rito sa Pinas.
Napa iwas naman ako ng tingin kay Sir Gael ng magtagpo ang aming paningin, may galit ba siya sa'kin? Ba't ang lagkit ng tingin niya? May nagawa ba'kong mali?
"Amiah bruha mamaya ka." Rinig kong bulong ni Alleya.
"Bakit?" Tanong ko at tiningnan siya.
"Basta, humanda ka."
Seryoso naman niyang sagot, ano na naman bang atraso ko sa bruhang 'to? Inirapan ko nanga lang siya at binaling na ulit Ang atensyon ko kay Sir Owen na nagsasalita parin pala.
"Anyways, hindi nga pala kami umuwi rito para tumambay lang. Umuwi kami rito kasi tutulungan muna namin si Dad sa company niya."
Hindi pa nga natapos sa pagsasalita si Sir Owen ay nagsi tilian na ang mga empleyada lalo na'tong katabi ko.
"Welcome na welcome yata talaga kami rito dad." Natatawang sabi ni Sir Owen sa kaniyang ama.
"Sana po dumalaw kayo sa department namin!" Sigaw ng isang babae na binalingan naman ng lahat.
BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Romance"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...