Labing-pito: Ano ba tayo?

5 2 0
                                    

(AMIAH'S)

Nang matapos kaming lahat kumain ay nagtulong tulong narin kami sa pagligpit ng mga ginamit, pinigilan pa'ko ni Gael kanina kesyo raw yung mga kasama nalang namin ang gagawa pero di ko nalang siya pinansin.

Tapos tutulong narin sana ako sa paghugas kaso ayaw rin nila akong papasokin kaya no choice bumalik ako sa cottage na tinambayan namin kanina. Tapos naabutan ko dun sina mama, papa, Owen, Eya at Gael na nag-uusap usap.

Nang makarating ako ay sinenyasan naman ako ni Gael na sa kaniya tumabi kaya dun nalang rin mukha naman kasing by pair ang pagkaka pwesto nila oo.

"Pinaalis ka?" Tanong pa niya nang makaupo ako.

"Kasalanan mo yun eh." Tugon ko nalang at inirapan siya.

"Bakit ako?" Aba nagtanong pa talaga, eh kanina niya lang naman ako pinipigilang tumulong sa mga gawain.

"Nagtanong ka pa." Sabi ko nalang at napatingin naman kina Owen at Alleya, anong meron sa kanila? Ba't parang may kakaiba?

Tumikhim ako para mapansin nila at mapatigil sa ka cornyhan nila, alangan itong si Eya nakasandig sa balikat ni Owen habang nanunuod yata ewan ko basta nakatutok sila pareho sa phone tapos bigla nalang silang tatawa parang mga baliw.

Nang mapatingin sila sa'kin tinaasan ko agad sila ng kilay, saka pa naman napa ayos si Eya ng upo at napakamot pa si Owen, aguyy mukhang kailangan kong makichismis ngayon kay Eya.

"Eya pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko at bahagyang ngumisi na ikinalunok naman niya, parang gusto ko tuloy siyang tawanan.

"Bakit ba?" Aba aba nagsusuplada si bruha, pinansingkitan ko nalang siya ng mata kaya napanguso nalang siya at tumayo narin, kaya nauna nakong maglakad buti naman at sumunod siya.

"Ano ba yun bruha?" Tanong niya agad nang makalayo kami dun, nasa tabinh dagat na kami ngayon. Tama lang yung ihip ng hangin, tapos mainit init yung tubig dagat na humahampas sa paa ko.

"Ano yung pag ano ano mo kay Owen?" Tanong ko naman pagkatapos ko siyang hilahin palapit sa'kin.

"E-eh kayo ni Gael ha? Ano yung pa akbay akbay niya sayo?" Bruha talaga ibaling raw ba sakin yung topic.

"Sagotin mo muna ako bruha ka ako yung unang nagtanong." Sabi ko naman at kinutungan siya.

"Hayyss ano ba ano lang yun... Alam mo na." Sagot niya tapos lokong ngumiti, kaya inambahan ko siya ng sapak.

"Umayos ka Eya." Pagbabanta ko.

"Aba malay ko ba naman kasi Miah, hindi ko rin alam kung anong meron sa'min basta ano lang, sinasabayan ko lang siya." Sagot niya tapos bumuntong hininga.

"Yun ba yung sinasabi natin dati na walang label?" Natanong ko nalang habang winawagay way yung isa kong paa sa tubig.

"Omsim yun na yun bruha, teka nga eh kayo ba ni Gael ha?" Baling naman niya sakin habang yung isang kamay niya nasa bewang niya.

Kami ni Gael? Ano nga bang meron kami? Hindi ko rin alam umay, alam niyo yun yung pang ilang beses niya na'kong nahalikan eh wala namang kami.

Pagak nalang akong napatawa na ikina inis naman ni Eya kesyo raw ang unfair ko hindi ko siya sinagot at nagpapadyak pa na umalis, iwan ba raw ako rito.

Hindi ko rin naman kasi magawang itanong yun kay Gael, kasi diba ilang araw palang naman kaming nagkakilala, isa pa hindi rin naman siya nanliligaw.

Cornelia StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon