(MIAH'S)
"Nagseselos ako Miah, mahirap bang mapansin yun?"
A-ano? T-tama ba yung narinig ko? N-nagseselos siya?!
"T-tumigil ka nga p-pinag titripan mo na n-naman ako eh." Ano ba namamawis na'ko rito.
"Tangvna naman Miah tingin mo ba talaga trip ko lang lahat ng 'to ha?"
Nanlaki naman ang mga mata ko nang suntokin niya yung pader, tapos tumingin ulit siya sa'kin yung tinging galit, ito yung mas nakakatakot na tingin niya. Pero hindi ko maalis yung tingin ko! Nakatitig lang ako sa mga mata niya.
"Sabihin mo Miah, mukha lang ba akong nantitrip?" Ngayon naman kalmado na yung boses niya, at unti until na rin nagbabago yung kaninang mga matang galit na galit.
"H-hindi ko alam Gael." Tugon ko at dun na'ko parang nangalay, naiyuko ko na yung ulo ko.
"Tingnan mo'ko Miah, pagmasdan mong mabuti, suriin mo ng mabuti." Sabi niya at hinawakan yung baba ko at dahan dahang inangat.
"Tama na please, tigilan mo na yan." Sabi ko at inalis yung kamay niyang nakahawak sa baba ko.
"Ayaw mo sa'kin? Sino bang gusto mo Miah? Si Jace ba? Ngayon lang kayo nagkita diba?" Tanong niya habang nakayuko, tapos yung dalawa niyang kamay nasa pader lang.
"Hindi naman sa ganun Gael, ano kasi." Pa'no ko ba'to ipapaliwanag?
"Just tell me." Tugon niya, napabuntong hininga nalang ako, ba't ba umabot na'ko sa sitwasyong to?
Yung dating napapanuod ko lang nangyayari na sa'kin, nakakatawa naman to oo. Itong nararamdaman ko ba ngayon... Ito na ba yung tinatawag nilang pagmamahal?
Yung tipong ang bilis na ng tibok nang puso ko pag nakikita ko siya, yung hindi ako mapakali pag nanjan siya... Ito na ba yun?
"Ano ba'ko para sa'yo?" Tanong ko, siguro mas mabuti na rin na malaman ko muna yung sagot niya.
"Ang manhid mo Miah, napaka manhid." Tugon niya, alam kong may sasabihin pa siya kaya hindi muna ako umimik.
"Ano ba para sa'yo yung salitang nagseselos? Wala lang ba sayo yun? Kaya nga nagseselos kasi may gusto sa'yo, kaso yun nga manhid ka kaya hindi mo mapansin yun."
Hindi ko na alam ang sasabihin ko, hindi rin kasi matanggap ng utak ko yung mga pinagsasabi niya sa'kin ngayon.
"Gusto mo bang patunayan ko yun sa'yo?" Tanong niya at tiningnan ulit ako, tapos ako naman 'tong parang nahipnotismo sa tingin niya ay napatitig na naman.
Hindi ako magalaw, palipat lipat lang yung tingin ko sa mga mata niya at sa labi niyang unti unti nang lumalapit sa'kin.
At hindi ko nalang namalayan na dumampi na pala yung mga labi niya sa labi ko, tapos unti unti ay gumagalaw na yung mga labi niya, heto naman ako napapikit nalang at sumasabay na sa halik niya.
Pagkatapos naramdaman ko nalang yung isang kamay niya na nasa batok ko na, at dinidiinan narin niya yung paghalik niya.
"Mmm G-Gael..."
Tanging sambit ko nang hapitin niya yung balakang ko palapit sa kaniya, nararamdaman ko na ang pag-init ng katawan ko.
"Sapat na ba yun Miah?" Tanong ni Gael nang putulin niya yung halik, kailangan narin naman naming huminga, jusko siguro ang pula na nang mukha ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Romance"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...