Labing-siyam: Pag-alis

3 2 0
                                    

(AMIAH'S)

"And lastly, me and Miss Sarmiento doesn't have any romantic relationship."

Parang ayaw mawala sa utak ko yung sinabi ni Gael kanina sa press con, pero sabagay nung tinanong ko nga siya kung ano ba kami hindi niya nasagot.

Nakakatawa ka Miah ano umasa ka na agad? Totoo namang walang kami, pero ba't ang sakit? Ito na nga siguro yun noh, yung pakiramdam na mamamatay ka na sa kilig pero hanggang dun lang pala.

Umuwi nalang kaya ako? Ano pa bang gagawin ko rito eh nagsalita naman na siya, mga bobong fans nalang niya yung may tirang galit sa'kin pagkatapos magsalita nang iniidolo nila.

Bumangon muna ako sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto, hahanapin ko si Eya at aayain ko na siyang umuwi, nauna na rin kasi sina mamang umuwi kanina. Pero bago pala yun magpapaalam muna ako sa iba.

Habang naglalakad ako papunta sa cabin nila, tinatanaw ko muna yung langit, ang ganda ng panahon ngayon, sobrang linaw ng kalangitan. Tapos yung hangin naman napaka presko, hindi rin kasi masiyadong mainit rito kasi bawat cabin ay may puno.

Nang malapit na'ko sa kanila ay kinawayan agad ako nung isang girl, Shane yata yung pangalan niya if I'm not mistaken.

"Oy bruha buti naman at lumabas kana." Sabi sa'kin ni Eya buti naman at nandito siya nang hindi na'ko maghanap pa sa kaniya.

"Oo mabuti rin at nandito ka bruha ka." Sabi ko at tumabi sa kaniya, mga babae lang kami rito lahat, ewan kung nasa'n yung mga lalaki.

"Bakit?" Tanong ni Eya habang kumakain ng clover.

"Uuwi na tayo." Diretsahan kong sagot, kaya napahinto naman siya sa pagkain at masamang tumingin sa'kin ayaw niya na bang umuwi?

"Ay uuwi na kayo Miah? Sayang naman kala namin magtatagal pa kayo rito." Sabi ni Shane at nagsitinginan rin naman yung iba.

"Hindi naman kasi namin kailangang magtagal pa rito, siguro naman okay na dun nagsalita naman na si... Gael."

Sabi ko at ngumiti nalang ng pagak, isa pa wala rin naman akong mapapala rito, at gusto ko rin na lumayo muna sa kanila, lalo na kay Gael. Ayokong mas mapalapit pa sa kaniya, kung pwedeng mag resign mag reresign nalang ako at hahanap nalang ng ibang pagtatrabahoan para lang maiwasan siya.

Pero nakakahiya naman kay Sir Rowan kung aalis nalang ako bigla dahil lang sa ayaw ko nang mapalapit pa sa anak niya, sa kompanya nila ako nakilala at sumikat tapos tatalikuran ko?

Susubokan ko nalang talagang iwasan siya, bahala na kung anong isipin niya basta hindi ko iiwan ang trabaho ko, malaki ang naitulong ng trabaho ko sa buhay ko at hindi ko hahayaan na itong letchugas na nararamdaman ko lang ang sisira nang lahat nang yun.

"Pero hindi pa naman kayo pinapa alis ni Gael diba?" Tanong ni Shane na may pag-aalala rin.

"O-oo hindi naman pero kasi..." Ano nga bang sasabihin ko?

Nandito na rin yung ibang boys, lalo na si Jace na ramdam kong nakatitig na naman sa'kin.

"May trabaho naman kasi ako, tapos alangan naman kung dito kami umuwi eh may bahay naman kami, isa pa ayoko na rin kayong maabala pa." Natatawa kong sagot.

"At sino namang nagsabi sa'yo na nakaka abala kayo rito? Mas gusto pa nga namin na dito lang kayo eh diba guys?"

Sabi naman ni Jace at nagsi uyunan naman yung iba, isa pa'to si Eya halatang ayaw niya rin umalis.

"Teka nga Miah, ano ba talagang nangyari jan sa labi mo?" Tanong ni Jace.

Naloko na bakit ba ayaw nilang maniwala dun sa sinabi ko na nakagat ko lang itong labi ko? Bwesit naman kasing Gael siya ba naman kasi yung kumagat nito kagabi, ayan Miah ang tigas ba naman kasi ng ulo mo.

"Nakagat ko lang kasi 'to." Sabi ko nalang tapos napatingin naman ako kay Eya na may nakakalokong ngiti, kaya tinaasan ko siya nang kilay.

"Ayaw mo bang umuwi Eya? Maiwan nalang kita rito." Ani ko at tumayo na nakalimutan ko pang dalhin yung phone ko.

"Walang uuwi." Agad naman kaming napatingin kay Gael na kadarating lang tapos ang seryoso pa nang mukha niya.

"Sinabi ko bang uuwi ka na Miah?" Napalunok naman ako sa tonada ng pananalita niya, aba aba baka nakakalimutan niya yung ginawa niya sa'kin kagabi?

"Hindi pero may sarili kaming bahay kaya dun ako titira." Seryoso ko ring tugon at nagsukatan kami nang tingin, tapos napansin ko nalang na nagsi alisan sina Eya at yung iba tapos naiwan nalang kaming dalawa rito ni Gael na sobrang sama na nang tingin sa'kin.

"Ano magtititigan nalang ba tayo rito? Kung wala ka nang sasabihin aalis na'ko." Sabi ko at tumalikod na pero may nakalimutan pa pala akong sabihin.

"Oh by the way, sabihin mo nalang kung magkano yung nagasto mo sa'kin ng mabayaran ko, ayokong magkaroon ng utang na loob sa ibang tao." Ani ko at naglakad na, baka sabihin niyang ang kapal ng mukha ko para umalis nalang.

Nang makarating ako sa cabin namin ni Eya ay dumiretso na'ko sa kwarto at kinuha na yung phone ko, tsk wala nga pala akong dalang pera ni hindi ko man lang nadala yung wallet ko, yaan na babayaran ko nalang pagdating ko sa restau.

Aalis na sana ako nang pagharap ko ay may nabangga ako, sinundan niya pala ako para ano? Para pigilan na naman? Asa siya aalis ako sa ayaw o sa gusto niya.

"Aalis kana ba talaga?" Mahinahon niyang tanong pagkatapos kong dumistansiya sa kaniya.

"Sinabi ko na diba? Salamat nga pala sa pagdala mo sa'kin rito at sa pagtulong mo, pasensiya ka na sa disturb, hayaan mo hindi na kita aabalahin pa."

Sabi ko at naglakad na palabas nang kwarto, tapos nang nasa labas nako ng cabin, nakita ko yung iba na para bang nabagsakan ng langit at lupa.

"Hoy anong nangyari sa inyo? Para naman kayong namatayan jan." Natatawang saad ko pero hindi sila umimik, hindi rin sila makatingin sa'kin. Galit ba sila sa'kin? Pati si Alleya nakadungo lang rin, may nagawa ba akong mali?

"Wag ka nalang umalis Miah." Finally nagsalita rin si Shane, bakit ba ayaw nila akong umalis? Eh bago palang naman nila akong nakasama ba't ganyan na sila kung umasta.

"A-ano ba naman kayo, m-magkikita kita pa naman siguro tayo." I just faked a laugh, inisip ko na baka ma enlighten yung atmosphere pero wala parin.

"Ito na yung pangalawang tahanan naming Miah, kung aalis ka at hindi na babalik pa sigurado na ito narin ang huli nating pagkikita."

Malungkot niyang tugon, ano ba naman 'tong nangyayari rito, nararamdaman ko na ang pagbabadyang tumulo ng luha ko, pero pilit ko itong pinigilan ayokong magmukhang mahina sa kanila kaya pasimple muna akong tumingin sa itaas para mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko bago nagsalita ulit.

"Pasensiya na kayo, m-may sariling dahilan lang ako kaya gusto kong umalis. Sana intindihin niyo nalang ako. Nga pala, salamat sa kunting panahon na nakilala at nakasama ko kayo, salamat dun sa comfort at saying binigay niyo sa'kin, hindi ko kayo makakalimutan."

Sabi ko at bahagyang ngumiti, kahit pa hindi nila nakita yung huling ngiting yun okay lang basta okay na yun, nagpasalamat naman na rin ako, kaya aalis na'ko. Sana hindi sila magtanim ng galit sa'kin HAHA walang hiyang feelings naman kasi, sana wala nalang pakiramdam ang mga tao noh?

Tapos sana mawala nalang rin pati ang pagmamahal, kasi bwesit yan sa mga tao eh, yan yung dahilan kung bakit nasasaktan, umiiyak, at ang malala pa yang pagmamahal ring yan ang isa sa mga dahilan kung bakit may nag susuicide, marami namang naibalitang ganyang kaso.

Kaya kung ako man ang papipiliin kung ano man ang gusto kong mawala sa'kin? Yun nalang yung pakiramdam na magmahal, hindi yung pagmamahal sa pamilya kundi sa isang lalaking hanggang pakilig lang ang alam.

Cornelia StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon