Labing-walo: Press Conference

6 2 0
                                        

(GAEL'S)

Today is Monday at ngayon na'ko haharap sa media para iklaro ang mga nangyari, at itama kung sa tingin ng ibang tao ay mali.

Iniwan ko muna sina Miah at Eya sa resort, kasama ko kasi ngayon si Owen, sina tita naman umuwi muna at babalikan yung bahay nilang nagulo.

Sa conference hall ko nalang hineld yung conference, buti nalang pumayag rin si daddy. Siguro naman pwede na'kong pumunta dun, kakatapos lang rin namin mag usap ni dad sa opisina niya at yun nga bibisitahin niya nalang raw si Miah dun sa resort para kumustahin.

Habang pababa yung elevator hindi ko maiwasang di maisip yung kalokohan ko kagabi, kaya tuloy hindi na naman ako kinausap ni Miah kanina habang nag aalmusal.

*Flashback

Nasa cabin ko kami ngayon ni Miah, inaya ko lang siya iniiwas ko kasi siya kay Jace, naiinis ako pag magkausap sila, at napapansin ko naman kasi yung malagkit na niyang titig kay Miah.

"Let's watch this." Sabi niya nang makalabas ako, kagagaling ko lang maligo at naiwan siya sa kwarto ko, di ko alam nanghalungkat pala 'to siguro nabored siya.

"Anong title nyan?" Tanong ko habang pinupunasan pa yung buhok ko.

"The wait... Hmm the last paradiso." Napaubo naman ako nang wala sa oras nang marinig yun, tapos dali dali akong lumapit sa kaniya para kunin sana yung cd na yun kaso tumakbo sa palabas.

"Miah sa Netflix nalang tayo manuod, wag na yan p-panget yang palabas na yan."

Nalintikan hindi namin pwede panuorin ang movie na yun kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Basta maraming ano dun nalintikan na talaga.

"Miah give it to me." Sabi ko ulit pero wala na sinaksak niya na sa dvd player.

"Malayo sa hitsura mo ang pumili ng panget." Sabi niya at umupo na sa sofa, napabuntong hininga nalang ako. Siya nalang siguro ang manunuod niyan.

"Bahala ka, sa labas lang ako." Sabi ko at lalabas na sana kaso masama niya akong tiningnan.

"Dinala mo pa'ko rito kung lalabas ka lang rin pala." Sabi niya tapos parang nawalan ng gana?

"Ayaw mo naman kasi akong sundin, sabing wag yan eh." Ayan na nagsisimula na yung palabas tangvna naman.

"Ba't kasi binili mo yan kung panget naman pala, isa pa ano bang silbi niyan jan kung hindi panunuorin ha?"Ang tigas lang talaga.

"Lumabas nalang tayo dali na."

Aya ko tapos nilapitan ko siya, tapos hahawakan ko na sana siya nang mapansing nanlalaki yung mga mata niyang nakaharap sa palabas kaya napatingin rin ako.

Ayan sabi na eh, kaya ayaw kong manuod kami niyan kasi nga maraming ano alam niyo na yan. At alam niyo rin naman siguro kung gaano kahirap ang magpigil sa sarili.

"Oh ano, gusto mo nyan?" Sa hitsura niya ngayon naisip ko nalang tuloy siyang asarin, bahala na nga ginusto niya naman 'to.

"H-hindi t-tara na lumabas na t-tayo." Sabi niya at tumayo na habang yung mga kamay niya nakatakip sa mukha niya.

Pero hindi pa siya nakakahakbang ay hinila ko ulit siya paupo at sinadya ko pa na ilapit yung mukha ko sa kaniya.

"S-sabi mo lalabas na t-tayo." Sabi niya ulit nang di ako magsalita at nakatitig lang sa kaniya.

Cornelia StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon