Labing-tatlo

2 1 0
                                    

(AMIAH'S)

Ito nanga ba yung sinasabi ko eh, hindi talaga mawawala yung bashers hay nako.

Pero yung masakit lang kasi eh yung mga binabato sa'king issue na kesyo raw eh ginagamit ko yung anak ni Mr. Avilla para mas sumikat, nagpapa good shot raw ako para mas yumaman, ganun naba talaga agad yung tingin nila sa'kin?

Nakaka umay naman ang ganitong mga klase ng tao, agad agad nambibintang kahit na hindi alam ang buong storya at pagkatao ng isang tao.

Umalis si Gael ng hindi ko man lang nakausap ng maayos, medyo nasaktan rin ako sa hindi pag pansin sa kaniya kanina pero mas nasasaktan ako sa mga pinagsasabi sa'kin ng mga tagahanga niya!

"Miah? Are you here?" Ano namang ginagawa ni Alleya rito?

"Pasok." Sabi ko habang nakapikit, masakit na nga yung puson ko pati ba naman ulo ko.

"Okay ka lang?" Tangvna wala ba siyang alam? Di niya nakita yung mg kumakalat na issue tungkol sa'min ni Gael?

"Magsalita ka jan bruha." Mahinahon niyang sabi, pero hindi ko alam ba't tumulo nalang yung luha ko.

Ngayon lang nangyari sa'kin to, ngayon lang ako napag issuehan ng manggagamit...

"Uy bes, tahan na siguro naman magagawan 'to lahat ni Gael ng paraan." Sabi niya tapos lumapit sa'kin, naka upo lang ako sa kama ko tapos naka sandig yung ulo sa pader, kaya mabilis na tumutulo yung luha.

"Ewan ko nalang Eya." Sabi ko naman habang umiiyak parin, pinihig naman niya yung ulo ko sa balikat niya.

"Magtiwala nalang tayo kay Gael, Miah. Sa ngayon wag ka muna lumabas hanggang hindi pa naayos ang lahat." Sabi niya tapos hinihimas himas yung braso ko.

"S-sirang sira na'ko sa mga m-mata ng ibang tao Eya, mababago pa kaya yun?" Wala na mas lumakas na yung hagulgol ko, hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Shhh tahan na Miah please, matatapos rin ang issue na yan okay? Let's just wait for Gael to speak." E aasa ko nalang ba talaga lahat kay Gael? Kasi in the first place dahil naman talaga sa'kin kung ba't nagkaganito.

Kung hindi dahil sa PMS ko walang kakalat na pictures kong pasan pasan ni Gael, at kung hindi ko sila dinala rito sa bahay di rin sana sila nakasama sa restau namin. See? It's all because of me!

"Kasalanan ko'tong lahat." Sambit ko nalang at nakatitig sa kawalan habang nakasandig parin kay Alleya.

"No Miah, walang may kasalanan! Wag mo naman agad sisihin ang sarili mo, everything happens for a reason." Sabi niya.

"What reason? Rason para mapahiya ako?!"

(ALLEYA'S)

"What reason? Rason para mapahiya ako?!" Nasaktan nanga siya, mas bumuhos pa yung mga luha niya tita Aliana parang kailangan ko po kayo.

"Miah hindi nam-." Hindi na niya 'ko hinayaang makapagsalita pa, tinuro niya yung pinto.

"Please Eya, lumabas ka muna. Gusto kong mapag-isa." Sabi niya at marahas na pinunasan ang mga luha niya.

"Pero Mia-." Susubokan ko pa sana pero..

"Please get out of my room!" Ngayon ko lang siya nakitang ganiyan, at ngayon niya lang rin ako nasigawa ng ganun.

Cornelia StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon