(GAEL'S)
Saan kaya nagpunta sina Miah kahapon? Hindi ko sila nakita ni Eya, nang tanongin ko naman yung head ng department nila ang sabi hindi niya raw alam kung nasaan yung dalawa basta ang sabi lang raw ni Miah aabsent sila.
May nangyari kaya? Isa pa 'tong Gwendolyn na'to, bakit niya binangga si Miah kahapon tsk. Yun na yung huling kita ko sa kaniya, tapos talagang di siya sumabay sa'min sa elevator, nagalit siguro? Damn kahit na iniiwasan niya ako, hindi ko parin siya makalimutan at hindi ko rin magawang alisin siya sa puso ko tangvna naman kasi.
Habang ginagawa namin to ni Gwendolyn parang mas napapalayo pa sa'kin si Miah, ano bang gagawin ko? Nasa opisina ako ngayon nakatanga, wala akong maisip na gagawin basta isang tao lang ang lageng gumugulo sa isip ko at siya yun, tapos ako parang wala lang sa kaniya.
"Good morning, sir."
Nabuhayan naman ako ng loob at napatunghay ng marinig yung boses na yun, it's her. Damn gusto ko siyang yakapin, I missed her so much. Pero ganun parin parang ako lang yung nasisiyahan ngayon, wala akong nakikitang kahit kunting interes sa mukha niya para sa'kin. Oo nakatingin nga siya sa'kin pero walang ka emo-emosyon, ano na bang nangyayari sa Miah na nakilala ko? Parang ang laki na ng pinagbago niya.
"M-may ibibigay po ako, pakibasa nalang."
Sabi niya tapos may nilagay na nakatuping papel sa mesa, kaya kinuha ko naman yun agad. Letter for one week leave? Bakit siya mag leleave? Ah bonak nakalakip pala rito, personal matters?
"What personal matters?"
Tanong ko tapos mariin siyang tiningnan, one week siyang di pupunta rito tapos next week na yung celebration, wala ba siyang planong umattend?
"Personal nga po sir."
Kumunot naman ng wala sa oras ang noo ko sa sagot niya, but yeah I'm so stupid pero gusto ko lang naman kasing malaman, pero wala naman siyang balak sagotin mahirap naming ipagpilitan pa.
"Pa'no yung founding anniversary? Wala ka man lang rin bang balak tumulong sa preparation?"
Walang gana kong tanong, ganun na ba ka importante yung personal matters niya?
"Hindi naman po ako kawalan rito, isa pa may event organizer naman kaya na nila yun. Isa pa, susubokan kong maka abot sa party."
Anong hindi siya kawalan? Bakit niya naman naisip yun?
"May sasabihin pa po ba kayo? Kasi kung wala na aalis nak-" Napatayo na'ko, naiinis ako sa kaniya.
"Pa'no kung hindi ko'to aaproban?"
Seryoso kong tugon at mariin na naman siyang tiningnan, pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"At bakit hindi?" Ani niya at nakipag tagisan na rin ng tingin. Damn that lips of her, napapalunok naman ako nito ng wala sa oras.
"Kasi ako yung boss mo." Mapakla naman siyang tumawa.
"For your information, sir, lahat ng empleyado may karapatang mag leave." Taas noo niyang tugon, tsk alam ko naman yun pero pag siya nag leave ayoko mahirap bang intindihin yun?
"Sabihin mo muna kung anong personal matters yun."
Nakangisi ko naming tugon tapos paunti unti ako lumapit sa kaniya. Napansin ko nalang rin yung paglunok niya tapos lumalayo na rin siya, namiss ko rin ang ganitong pangyayari gusto ko kasi siyang nakikitang kinakabahan pag lumalapit ako.
"May p-personal bang kailangan pang ipagpa alam h-ha?"
Nauutal na siya, she's cute pag nauutal kaya mas lalo ko pa siyang nilapitan hanggang sa wala na siyang ma atrasan.
BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Romance"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...