(AMIAH'S)
Hindi ko nalang talaga alam pero na kukyutan akong tingnan si Sir Gael habang nagma-mop. Akalain niyo yun may mga instant modelo kaming waiter for today nyahahaha.
Tapos kanina nung napansin ko siyang parang ang lalim ng iniisip, kaya pinuntahan ko tapos tinanong ko kung okay lang ba, pero namumula nung inulit ko yung tanong, anyare dun?
Tapos na kami maglinis at naghihintay nalang ng mga customer, minsan kasi may kumikain na rito ket pa alas nwebe pa ng umaga.
Pinapwesto ko sina Owen at Alleya sa labas, sila na yung bahalang bumati sa mga customer na papasok. Hindi ko maimagine kung anong magaganap mamaya pag nakita't makilala nila 'tong mga nag gagwapohang waiter.
"Good morning ma'am, please enjoy staying here." Natawa naman ako sa sinabi nung dalawa. Anong staying here? Ano 'to hotel?!
"Anong staying here? Sabog ka ba?" Rinig kong sabi ni Eya kay Owen, wala kami sa opisina kaya wag na daw mag Sir nyahaha.
"Ano ba dapat?" Inosenteng tanong naman ni Owen, parang mga bata lang oo.
"Miah pst!" Napatingin naman agad ako kay mama nung tawagin niya 'ko.
"Yung order." Ah oo nga pala muntik ko nang makalimutan, pupuntahan ko na sana yung unang dalawang customers kaso nakita ko na nandun na si Gael, kaya tinuro ko kay mama.
"Ma, di kaya magkagulo rito mamaya?" Natanong ko nalang, ayun na kasi oh nagsimula na agad yung picture taking, pa'no pa kaya mamaya?
"Hindi yan nak, magtiwala ka nalang." Nakangiting sagot ni mama tapos bumalik na sa cooking area.
Napabuntong hininga nalang ako at pinagmasdan na lamang sina Gael at Owen na kuhanan ng litrato, pa'no nalang kaya pagkumalat yun sa social media? Ano nalang yung sasabihin ng mga tao? Ni Sir Rowan? Baka sabihin nilang ginagamit lang namin sina Gael para dumogin ang restau namin?
"You okay?" Napatingin naman ako sa nagsalita, di ko na pala namalayang lumapit si Gael.
"Hindi." Matamlay kong sagot na ikinakunot naman ng noo niya.
"Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya tapos hinawakan pa yung noo ko, ba't parang ang sweet naman yata nitong lalaking 'to? Err sweet? Di pwedeng concern lang Miah?
"Hindi ako nilalagnat, ano kasi..." Di ko natapos yung sasabihin ko nang may pumasok na namang customer.
"Excuse m-"
"Ako na, jan ka lang mag-uusap pa tayo pagbalik ko." Sabi niya pagkatapos niya 'kong pigilan.
Tapos pinuntahan na nga niya yung mga bagong dating na customer, napabuntong hininga na naman ako, hindi ako mapakali. Umupo nalang ako rito sa gilid at minasahe yung sintido ko, ang aga-aga pa pero napapagod na'ko.
"Now tell me, anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong ni Gael nang makalapit siya sa'kin.
"Ano kasi, di ba mga sikat kayo tapos ang yaman niyo pa. Tapos makikita lang kayo ng mga tao rito." Umpisa ko tapos tiningnan siya na nakatitig lang pala sa'kin.
"Tapos?" Nakikinig talaga siya noh.
"Tapos baka sabihin ng mga tao na ginagamit lang namin kayo." Patuloy ko.
"Ako nang bahala Miah, just trust me okay? Wag mo na isipin yung iisipin ng ibang tao, basta ikaw alam mo yung totoo." Mahinahon niyang tugon, napatitig nalang ako, hindi ko pa nga talaga 'to lubos na kilala, akalain niyo may ganito pala siyang ugali.

BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Romansa"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...