(GAEL'S)
"Okay na ba siya iho?" Bungad agad sa'kin ni Tita nandito kasi ako ngayon sa restau magpapaalam lang, sasamahan ko muna si Miah sa bahay nila.
"Masakit lang daw yung puson tita." Sagot ko tapos nilibot ko yung paningin ko sa restau, marami rami parin ang customer, tapos sina Owen rin nag asikaso ng mga orders.
"Hay nako oo nga pala, ganun talaga yun pag malapit na yung dalaw, oh siya dun ka muna sa bahay?" Sabi naman ni tita.
"Opo sasamahan ko nalang muna siya dun." Sagot ko tapos nagpa-alam na kay tita at kina Owen.
Bago ako bumalik dun bibilhan ko pa nga pala yun ng pads umay nakakahiya bumili, bahala na nga.
Meron naman ata sa Watson noh? Subukan ko nga tapos bibili narin ako nang makakain nun, teka nga ba't ba gan'to nalang ako kung ma concern dun sa masungit na babaeng yun.
Sa'n nga ba dito yung Watson tangvna naman kakaisip isip pa kasi di na alam kung sa'n nayun.
"You sure owe me a lot Miah." Nasambit ko nalang tapos hininto muna yung sasakyan, gagamit na nga lang ako nang map.
Ah okay okay malayo layo pa pala...
*Fast forward
"Girl look, diba he's Gael Avilla?" Tsk naloko na ba't nakalimutan kong mag mask at cap?
"Yeahhh the famous model and the older son of Rowan Avilla, yung isa sa mayayamang pamilya!" Shvt kailangan ko nang magmadali, sa'n ba dito yung mga sanitary pads?!
Nilalakihan ko na ang bawat hakbang ko at di na pinapansin yung mga taong kumukuha ng litrato.
"Bibili siya nang napkin?!!!"
"May girlfriend na pala siya?!!"
"Ang swerte naman nung girl!"
Oo ang swerte nga nung Miah na yun, but she's not my girl tsk. Alin nga ba rito yung ginagamit niya? May sinabi siya sa'kin kanina pero nakalimutan ko!
Pero mabango yun langyang babae na yun talagang pinaamoy niya pa sa'kin yung napkin nayun. Imbes na amoy amoyin ko pa 'tong mga napkin rito kumuha nalang ako ng tig isang balot ng bawat napkin, bahala na siyang pumili.
At pagkatapos ko sa sanitary pads ay pumunta na'ko sa mga makakain, anong bibilihin kong pagkain?!
"Bilhan mo'kong chichirya, sweets, and cola." Ah tama naalala ko yun yung bilin niya bago ako umalis, pwede pala yung cola tapos matatamis pag may dalaw?
Tsk bahala na nga basta yun yung sabi niya, kaya kumuha nalang ako ng malalaking Piattos, nova, clover at iba pa, tapos sa drinks bahala na kung anong iinumin niya.
Bumili narin ako ng chocolates at ice cream, kompleto naman na siguro, okay na'to kailangan ko nang makaalis rito.
(MIAH'S)
"Tangvvvnnaaaaaa." Lord sorry po sa mura pero ansakit talaga ng puson ko!!!
Kanina pa'ko ritong bumabaliktad pero masakit parin, may hot compress narin naman, minsan nawawala pero pagbalik naman parang mahahati yung katawan ko.
Bale nakatuwad ako ngayon, oh diba tapos kanina naman naka baliktad, bale yung ulo ko nasa higaan tapos yung mga paa ko nakasandig sa pader parang acrobat lang.
"Mama!!" Kung nandito lang si mama hinihilot na niya yung bewang ko, kaso busy sila dun ngayon.
Umay naman kasi! Ba't ba gan'to ako pag malapit na yung dalaw?!! Gusto kong mangagat... Naalala ko tuloy si Eya nung dati nandito siya sa'min habang may PMS ako, kinagat ko siya huhu.. Pero di naman rin yun masiyadong madiin tas di rin siya nagalit.

BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Romance"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...