DARREL
*✧♡*♡✧*
"Ayon sa mga results na dumating ngayon, wala namang abnormalities na nakita sa katawan o ulo ng pasyente. Maaring bantayan at gawin na lang natin ang mga hakbang na sinabi ko sa inyo nitong umaga, tawagan niyo ko kung may tanong kayo at bumalik para sa follow up check ups niya."
Inikot ko ang aking paningin sa buong lugar, andito na naman ako sa loob ng kwartong 'to. Halos isang linggo na rin siguro ako nasa loob ng hospital at sabi nila ngayong araw daw ang labas ko.
"Maraming salamat Doc. Babantayan ko po ang behavior niya at sasabihin sa inyo ang resulta," tugon ng isang babae na may katandaan na. Kasama niya ulit ang kaniyang asawa na pabalik-balik sa loob ng aking kwarto para alagaan ako.
"Walang anuman po, mauna na ako sa inyo." Tumango silang dalawa ng kaniyang asawa at nakita ko namang kumaway ang doctor sa akin bago lumabas ng kwarto.
Nilingat ko na lang ang ulo ko at tumingin sa labas ng bintana. Tag-ulan na pala ngayon, makulimlim ang langit at mukhang nagbabadya na ang pagbuhos ng ulan.
"Darrel, anak? May gusto ka bang kainin bago tayo lumabas sa hospital?" Tanong ng matandang babae at tumingin ako sa kaniya. Umiling lang ako at muling bumalik ng tingin sa bintana.
"Niluto ng mama mo ang paborito mong ulam anak, kumain ka muna para may lakas ka sa byahe natin mamaya," saad naman nung lalaki pero hindi ako umimik.
Ano ba ang paborito kong ulam? Sarili ko nga hindi ko matandaan, paborito ko pa kayang pagkain?
Ang hirap mabuhay sa araw-araw ng wala kang kilala, wala kang kahit anong alam tungkol sa sarili mo o sa mga taong nasa paligid mo.
Para kang isang blankong papel na walang kahit anong bagay na nakasulat dito.
"Denise, hayaan mo na muna ang anak mo, hindi makakabuti kung pipilitin natin siya ngayon," rinig kong sabi ng babae sa kaniyang asawa kaya tumahimik na silang dalawa at narinig kong lumayo na sila sa higaan ko para mag-ayos ng mga damit at gamit na dala namin sa hospital.
Hindi ko gustong saktan sila, hindi ko gustong mabastos o hindi sila pansinin. Dahil kung totoong mga magulang ko sila ay paniguradong nasasaktan ko na sila ngayon dahil sa ginagawa ko.
Pero hindi ko alam pano mag-uumpisa, matapos kong magising sa coma at mawalan ng memorya dahil sa isang aksidente.
Hindi ko alam kung sino ako, hindi ko kilala ang mga taong sumalubong sa unang pagdilat ng mga mata ko o kung ano ba ang koneksyon ko sa kanila.
Wala akong matandaan, wala akong maalala ni isang bagay tungkol sa akin.
Pangalan, kaarawan, kung ilang taon na ba ako o kung saan ako nakatira. Hindi ko alam kung maayos ba ang buhay ko noon, kung may pangarap ba ko o sariling pamilya.
BINABASA MO ANG
Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]
RomanceNagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya. Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang alaala kaya naman hinayaan siya ng kaniyang pamilya na tumira sa isang bahay kung saan siya makakapag...