DARREL
*✧♡*♡✧*
"Alam mo Darrel, pagtinitignan kita para akong nakatingin sa langit."
"Ha? Bakit naman parang langit haha?" Natatawa kong tanong sa kaniya habang pinagmamasdan siya na nakatingala sa langit.
"Kapag tinitignan kasi kita gumagaan 'yung loob ko. Parang pag nakatingala ako at tinitignan 'yung langit at mga ulap, ang sarap sa pakiramdam," sagot niya at muling ngumiti sa harapan ko na siyang nagpapagaan naman sa loob ko.
Sa mga oras na 'yun alam kong masaya ako, kahit na hindi ko kilala 'yung babaeng katabi at kausap ko.
Minulat ko ang mga mata ko at nakitang maliwanag na ang buong kwarto, nakabukas na ang mga kurtina at pumapasok na ang sariwang hangin mula sa bintana.
"Panaginip na naman," bulong ko sa 'king sarili at hindi matandaan ang ilang pangyayari sa panaginip ko.
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung tumira ako sa bahay na 'to pero kahit isang malinaw na memorya ay wala akong nakuha o naalala. Puro panaginip na putol o hindi naman kaya ay hindi ko maalala pagmulat ng mga mata ko sa umaga.
Hindi na ko makabalik sa pagtulog kaya tumayo na lang ako sa kama at lumabas ng kwarto para hanapin si Kristal.
Tinignan ko ang buong paligid pero hindi ko siya mahanap, mukhang nawala na naman siya at hindi na naman magpapakita sa akin.
Nitong mga nakaraang araw kasi ay napapansin ko na minsan bigla na lang siya nawawala sa tabi ko, minsan minuto lang pero minsan oras ang tinatagal niya.
Madalas ding nasasanay na kong nasa tabi ko siya o kausap siya, na sanay na rin ako na ang maganda niyang mukha ang babati sa 'kin sa umaga.
Pero ngayong umaga ay kakaiba, hindi niya ko ginising at hindi ko siya makita sa loob ng bahay.
"Darrel!" Rinig kong tawag ni ate Nhing sa labas ng bahay kaya agad akong naghilamos sa kusina at dumaretsyo sa gate para pagbuksan siya.
"Magandang umaga Darrel, maaga ka atang nagising ngayon?" Tanong niya at agad ko naman siyang tinulungan sa mga dala-dala niya.
BINABASA MO ANG
Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]
RomanceNagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya. Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang alaala kaya naman hinayaan siya ng kaniyang pamilya na tumira sa isang bahay kung saan siya makakapag...