🌻CHAPTER 27🌻

100 4 2
                                    

DARREL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DARREL

*✧♡*♡✧*

"Kuya Darrel!"

Marahan kong minulat ang aking mga mata at nakita si Dillan at papa sa tabi ko, nakita ko rin sa likuran nila si Kaylie at Estelle na umiiyak, mukhang kabadong-kabado at nag-aalala sa nangyari sa akin.

"May kailangan ka ba kuya? Kaylie ppakitawag ang doctor," utos ni Dillan kay Kaylie at agad naman silang lumabas ni Estelle para sundin ang utos niya.

Iginala ko ang aking paningin sa paligid, nakita ko ang pamilyar lugar. Muli, nasa hospital na naman ako at nakahiga sa kama.

"Darrel? Anak ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong ni papa at niyakap ako nang mahigpit.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, wala akong matandaan sa mga nangyari basta ang alam ko lang ay nahulog ako sa surfing board nung maaninag ko si Kristal sa dalampasigan.

Hu? Teka— si Kristal!

Nang pumasok sa isip ko ang pangalan na iyon ay agad na bumalik ang alaala ko, ang lahat ng memoryang nawala sa akin. Mabilis akong humiwalay sa pagkakayakap ni papa at tinawag si Dillan.

"Dillan! Si Kristal! Si ate Kristal mo! Nasa loob siya ng sasakyan Dillan! Si Summer!" Hinila ko ang kwelyo ng damit niya at tinanong kung ano ang nangyari sa mag-ina ko.

Ngayon, lahat ng memorya ko ay bumalik na. Lahat ng pangyayari nung gabing iyon ay tandang-tanda ko na.

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha nilang lahat lalo na sa mukha ni Dillan na para bang ngayon lang ako nabalik sa aking tunay na sarili.

Doon ko na pagtanto ang lahat ng nangyari, doon pumasok sa isip ko kung ano ang totoong nangyayari sa akin ngayon.

"Kuya teka, huminahon ka muna!" Saad niya pero kusang kumilos ang katawan ko para hanapin at makita siya.

Agad kong binitawan ang damit ni Dillan at hinanap si Kristal sa loob ng kwarto, nang hindi ko siya makita sa silid ay agad akong tumayo sa kama.

"Teka kuya! Saan ka pupunta!? Kakagaling mo lang sa aksidente!" Saad ni Dillan at hinawakan niya ako sa aking braso para mapigilan sa paglabas ng kwarto. Hinila ko ang kamay ko at tinabig ang kaniya.

"Dillan, na saan ang susi sa dulong kwarto sa bahay ko?" Galit kong tanong sa kaniya dahil ito ang bagay na nililihim nila sa aking lahat. Ito 'yung dahilan kung bakit ayaw nilang bumalik ang memorya ko dahil sa trauma na nangyayari sa akin ngayon.

Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon