DARREL
*✧♡*♡✧*
"Good morning my loves!" Naalimpungatan ako, maaga akong na alibadbaran sa multong 'to. Kinusot ko ang mga mata ko at masamang tumitig sa kaniya.
"Pwede ba Kristal, umagang-umaga wag mo pasamain ang araw ko," sagot ko sa kaniya at pupungas-pungas na bumangon sa kama.
"Ginagawa ko lang naman 'yung mga gawain ng mag jowa. Dapat may endearments tayo para sweet," sagot niya at naglakad na lang ako papuntang banyo para magmumog.
"Wait loves! Wala bang good morning kiss d'yan?" Habol niya sa 'kin papasok ng CR kaya mabilis ko siyang sinarahan ng pinto.
"Kiss mo mukha mo," bulong ko sabay harap sa salamin at yumuko na sa lababo para magmumog. Naghilamos ako ng mukha at pag-angat ko ng ulo ay bigla na lang siyang sumulpot sa salamin kaya muntikan na kong mapatalon sa gulat.
"Siguro nahihiya kang halikan ako kasi mabaho hininga mo?" Tanong niya at napasagitsit na lang ako sabay wisik sa kaniya ng tubig galing sa kamay ko.
"Asa ka naman." Ang lakas talaga mang asar ng multong 'to, mabuti pa na wag ko na lang siya pansinin at lumabas na sa banyo.
"Ngayon na nakapamumog ka na, pwede mo na kong halikan my loves," sagot niya at pakiramdam ko puputok ang mga ugat ko sa ulo sa sobrang pikon sa multong 'to.
"Kristal pag hindi ka pa tumigil magpapatawag ako ispiritista at papalayasin kita sa bahay na 'to," sagot ko sa kaniya at nakita ko siyang sumenyas sa bibig niya na parang sini-zipper ito pasara.
"Mabuti," maikli kong tugon at bumaba na ng hagdan.
"Pero Darrel, naisip ko lang naman na baka mas mapabilis ang pagbalik ng memorya ko kung iki-kiss mo ko," pahabol niya at halos mahilamos ko ang mukha ko sa sobrang frustration.
Hindi ko siya pinansin at dumaretsyo sa kusina para magpainit ng tubig. Kinuha ko rin ang wallet ko sa ibabaw ng refrigerator para bumili ng pandesal sa labas.
"'Di ba 'yung mga magkasintahan nag ki-kiss? Kahit sa pisngi lang hehe," pangungulit niya sabay turo sa malambot niyang pisngi kaya napatitig ako rito.
Bakit ganu'n parang ang sarap ngang halikan ng mga pisngi niya, gusto ko 'tong panggigilan.
Hu? Teka Darrel anong kahibangan ang pumapasok sa kokote mo?
"Alam mo tumigil ka sa kakulitan mong 'yan, lalabas muna ako para bumili ng pandesal," sagot ko sa kaniya at sinuot na ang tsinelas ko saka naglakad palabas ng gate ng bahay.
"Eh kasi na e-excite ako, baka kasi may matandaan na naman ako tungkol sa lalaking 'yun," sagot niya at s'yempre hindi ko siya inintindi at pinakinggan dahil nasa labas na kami ngayon ng bahay at baka may makakita sa akin dito na nagsasalita mag-isa.
BINABASA MO ANG
Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]
RomanceNagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya. Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang alaala kaya naman hinayaan siya ng kaniyang pamilya na tumira sa isang bahay kung saan siya makakapag...