🌻CHAPTER 29🌻

113 7 2
                                    

DARREL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DARREL

*✧♡*♡✧*

Naglakad ako papalapit sa kinatatayuan niya, tama ang hinala ko na dito ko siya matatagpuan, sa lugar kung saan nag simula ang lahat at sa lugar kung saan din matatapos ang lahat.

Nilapitan ko siya at ramdam kong unti-unting nawawala 'yung kaba na nasa puso ko, gumaan ang pakiramdam ko nung makita ko siya ulit pero habang naglalakad ako papalapit sa kaniya ay kitang-kita rin ng mga mata ko kung ano ang sitwasyon niya ngayon.

Na totoong namatay si Kristal nung gabing iyon.

"Kri-kristal—" pumipiyok pa ang boses ko dahil sa nagbabadyang pagpatak ng mga luha ko, ang sakit ng lalamunan ko dahil pinipigilan kong umiyak.

"Kanina mo pa siguro ako hinahanap no? Pasensya na kung bigla na lang akong nawala haha." Ramdam ko na tinatago niya lang ang lungkot na nararamdaman niya ngayon, patuloy niyang pinapakita sa akin na ayos lang siya dahil alam niyang mas mahina ako sa kaniya sa sitwayon na 'to.

"Bakit mo ko iniwan?" Tanong ko sa kaniya at hindi ko rin alam kung bakit iyon ang unang lumabas sa bibig ko.

"Bakit hindi ka sa 'kin nagpakita ng ilang araw?" Lumapit ako sa kaniya habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa mga mata niya.

"Ah-ha-ha kasi— ano eh, pano ba 'to?"Halata na iniiwas niya ang mga tingin niya sa akin, kilala ko siya, alam kong umiiwas siya sa akin dahil ayaw niyang ipakita ang totoong nararamdaman niya.

"Natatandaan ko na ang lahat Kristal, hindi mo na kailangan magpanggap." Nung binaggit ko ang bagay na iyon ay bigla na lang siyang napalingon sa akin at unti-unti nang pumatak ang mga luha niya sa mata.

"Sabi ko na nga ba't bumalik na ang memorya mo," mahina niyang tugon pero hindi ko alam bakit hindi pa rin siya lumalapit sa akin at hindi pa rin ako niyayakap sa pagkakataon na 'to.

Parang mas natakot siyang lumapit sa akin nung makumpirma niyang bumalik na ang memorya ko.

"Alam ko na Kristal, sorry kung hindi kita na iligtas, sorry kung mag-isa mong prinotektahan si Summer." Napayuko ako, nag si-sink in na sa utak ko lahat ng mga bagay na ginawa ko.

Hindi ko na iligtas si Kristal at tumakas pa ko sa responsibilidad ko bilang ama dahil sa trauma na naranasan ko. Binaon ko lahat sa limot ang mga memorya ko sa kanila kesa sa harapin ito at ayusin ang mga problemang nasa harapan ko.

"Pinili kong makalimot kesa sa maramdaman 'yung pagkawala mo, pero hindi mo pa rin ako iniwan at patuloy mo kong binabantayan. Tinutulungan mo pa rin ako Kristal, kahit na ako 'yung dahilan kung bakit ka nawala," habang sinasabi ko iyon ay hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko.

Daredaretsyo ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa nangingibabaw na pangungulila ko sa kaniya.

Nasa harapan ko ang babaeng mahal ko, nasa harapan ko ang asawa ko at ang ina ng anak ko, pero bakit parang ang layo-kayo niya pa rin sa akin? Bakit kahit nasa harapan ko na siya at tila abot na abot ay alam kong sobrang layo pa rin namin sa isa't isa.

Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon