DARREL
*✧♡*♡✧*
Hinintay kong huminahon siya galing sa pag-iyak , awkward man kaming dalawa ngayon ay pinili ko na lang manahimik at intaying kumalma ang pakiramdam niya.
Bakit ba kasi naisipan ko pang umamin? Masyado akong nadala ng bugso ng damdamin ko sa mga oras na 'yun. Iyan tuloy dalawang beses pa kong na broken hearted dahil ngayon ko lang din nalaman na may asawa na pala siya.
Napakamot ako sa ulo at yumuko na lang.
Hindi ko man inaasahan na mahalin niya rin ako, hindi ko rin naman inaasahan na may asawa at pamilyado na pala siyang tao o sabihin nating multo. Pero kung tutuosin, hindi naman nagbago ang pagtingin ko sa kaniya matapos kong malaman ang bagay na 'yun.
Oo, nasaktan ako at nang hinayang pero hindi ko pa rin mabubura nang gano'n kadali ang pagtingin ko para sa kaniya lalo na ngayon na alam ko nang mahal ko siya at nahulog na ako ng ganito kalalim sa kaniya.
Kamot ulo na lang tuloy akong napabuntong hininga, hindi ko alam kung ano 'tong mga pinag gagawa ko sa buhay ko.
Narinig ko siyang suminghot kaya napalingon ako sa kaniya at nakita kong mukhang huminahon na naman siya galing sa pag-iyak.
"Ayos ka na?" Tanong ko at tumingin naman siya sa akin na parang lumalabi pa at babalik na naman sa pag-iyak.
"Naku Kristal, kung kinaawaan mo lang ako ay tigilan mo na 'yan," sagot ko sa kaniya at napahawak sa batok ko sabay tingala at tingin sa magandang langit na puno ng bituin.
"Wag ka na malungkot para sa akin, masaya na kong nasabi ko sa 'yo 'yung nararamdaman ko. Hindi mo kailangan makisimpatya o maawa sa 'kin," dagdag ko pa at nakita ko siyang napayuko.
"Birthday mo ngayon, ayokong makita kang ganiyan kaya pwede ba? Lalo akong nalulungkot tuwing pinapakita mo sa 'kin 'yang mukha mo eh," reklamo ko sabay kamot ulo at tumayo na sa pagkakaupo.
"Kung ayos ka na at tapos ka ng umiyak, tara na at umuwi na tayo dahil medyo lumalalim na rin ang gabi." Tumingin ako sa kaniya at tumingala naman siya sabay tingin sa akin nang nakasimangot kaya napatawa ako at umiling.
"Para kang ewan d'yan, tara na samahan mo ko pababa at ituro mo 'yung shortcut pauwi," iyon na lang ang sinabi ko at nauna nang lumabas sa pinto kahit na natatakot ako mauna sa kaniya bumaba ng hagdan ay wala akong magawa kung hindi magtapang-tangapan.
Pagtapos ma-broken 'tong puso ko ngayong gabi? Parang kaya ko ng humarap sa kahit anong multo na dadaan sa harapan ko.
"Darrel, ingat ka baka may makasalubong ka d'yan," bulong ni Kristal kaya agad akong napalingon at nagtago sa likod niya.
Sh*t Darrel, kinain mo kaagad 'yung sinabi mong duwag ka.
"Mauna ka kasi," reklamo ko sa kaniya at nakita ko siyang napatawa kaya gumaan na rin ang loob ko nung makita ko ang mga ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]
RomanceNagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya. Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang alaala kaya naman hinayaan siya ng kaniyang pamilya na tumira sa isang bahay kung saan siya makakapag...