🌻CHAPTER 20🌻

90 8 3
                                    

DARREL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DARREL

*✧♡*♡✧*

Sinasagawa ang summer festival sa lugar na 'to tuwing katapusan ng buwan ng hulyo.

Sobrang daming tao na galing pa sa iba't ibang lugar para lang makasama at makita ang magandang fireworks display na ginagawa lamang ng isang beses sa isang taon.

Maraming nakahalerang mga tindahan at iba't ibang stall sa daan at covered court sa loob ng malaking plaza ng lugar.

Sobrang daming mga paninda, iba't ibang mga pagkain, gamit at laruan. Marami ring mga stall na pwede ka maglaro at makapanalo ng gusto mong premyo.

"Woah," sambit ni Kristal habang nakadikit sa likuran ko at nakapulupot ang dalawang braso sa leeg ko.

"Ang daming people!" Sagot niya at nilibot ang paningin sa buong lugar.

"Sobrang dami ngang tao," sambit ko sa kaniya habang hinahanap sina Kaylie at Estelle na umalis lang sandali para bumili ng maiinum namin.

"Gusto ko rin tumikim ng pagkain niyo, tignan mo 'yun oh, ang sarap nung cotton candy," turo ni Kristal sa isang stall na nagtitindi ng mga iba't ibang kulay ng cotton candy.

"Gusto mo? Bibili kita," sagot ko sa kaniya at napalingon siya sa 'kin sabay taas ng dalawang kilay.

"Alam mo naman siguro na multo na ko no? Pano ko makakain 'yan?" Tanong niya sa akin at natawa ako kaya bawat taong nakakasalubong namin ay napapalingon sa akin.

"Sino kausap niya? Baliw ba siya?" Tanong nung lalaking nakalagpas sa akin at napatawa na lang ulit ako.

"Hahaha hindi naman siguro nila matatandaan 'yung mukha ko ngayon no? Kahit pagkamalan nila akong baliw?" Biro ko sa kaniya at naglakad papunta sa stall kung saan makakabili ng cotton candy.

"Pabili po," tawag ko ro'n sa tindero at agad naman siyang lumingon sa akin sabay tanong, "anong flavor sa iyo hijo?" Tanong niya at tumingin ako kay Kristal kaya nagtaka 'yung lalaki sa harapan namin.

"Ano sa 'yo Kristal?" Tanong ko sa kaniya at napanganga lang siya sabay tingin sa 'kin nang nagtataka.

"Anong flavor nga gusto mo? Bibilhin ko dali," dagdag ko pa sabay hawak sa bluetooth earphone ko na kunwari ay may kausap ako sa phone.

Napatingin sa 'kin 'yung tindero at ibang bumibili. Mukhang na gets naman nila kung ano ang ibig kong iparating sa paghawak ko sa earphone na suot ko.

"Hahaha, akala ko itutuloy mo na 'yung image na baliw ka eh, hahaha gusto ko 'yung color sky blue," sagot niya at tinuro ko naman kay manong 'yung color blue na cotton candy kaya agad niyang ginawa 'yun at inabot sa akin 'yung stick.

Inabot ko 'yung bayad at tumango sa tindero, agad niyang kinuha 'yung bayad at tumango rin sa akin habang kakamot-kamot ng ulo.

"Oh kagat ka na," sambit ko kay Kristal at natawa naman siya saka nagkunwari na kumagat sa hawak kong cotton candy at umakto pa na kunwari ay natatamisan dito.

Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon