DARREL
*✧♡*♡✧*
"Ito po 'yung mga sulat ni Kristal na tinago niya para sa inyo," ibinigay ko kay tita Karmela 'yung mga sulat na tinago ni Kristal, isa ito sa mga hinabilin niya sa akin bago siya umalis.
Marahan niyang binasa ito at habang hawak niya ang mga papel ay unti-unti nang pumapatak ang mga luha niya at hindi na napigilang umiyak.
Simula kasi nang mamatay si Kristal ay hindi na naging maganda ang trato at tingin sa'min ni tita Karmela, ang nanay ni Kristal.
Sinisisi niya ako sa pagkamatay ng nag iisa niyang anak at nagkaroon sila ng hidwaan ni mama noong pinalibing niya si Kristal ng hindi ko man lang nakikita.
Pareho silang naging madamot sa isa't isa, hindi hinayaan ni tita Karmela na makita ko si Kristal kahit na higit sa dalawang araw pa lang 'tong nakaburol sa bahay nila ay pinalibing niya na agad 'to nang hindi man lang inintay ang paggising ko.
Ganoon din si mama, pinagkait niya kay tita Karmela si Summer at ayaw niyang pabisitahin ito sa apo niya.
Pero ngayon nung mabasa ni tita ang mga sulat na ginawa ni Kristal noong andito pa siya ay halos lumuhod siya sa akin at humingi ng patawad.
"Sorry anak, sorry! Iniisip ko lang ang sarili ko! Hindi ko naisip 'yung nararamdaman mo! Sorry Darrel." Umiling lang ako at niyakap siya nang mahigpit.
Mabilis kong napatawad si tita Karmela dahil hindi ko naman nagawang magtanim ng sama ng loob sa kaniya dahil miske ako ay sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangayri noon.
Pareho kaming nagpatawaran sa isa't isa at ganoon din sila ni Mama. Ngayon ay pareho na rin nilang inaalagaan si Summer na kailangan pang manatili sa hospital ng isa pang linggo.
Nalaman ko rin na kaya pala parating wala si mama sa bahay noon ay dahil si Summer ang binabantayan niya sa hospital.
Pinalabas nila na may trabaho si mama malapit sa hospital pero ang totoo ay halos doon na siya tumira para lang mabantayan ang apo niya.
Hinayaan nila akong mag heal sa past trauma ko kaya hindi nila sinasabi sa akin ang tungkol kay Summer at umakto na parang wala lang din ang lahat na nangyari kay Kristal.
Alam ko na rin na kaya minsna ay nawawala bigla si Kristal sa bahay ay dahil pinupuntahan niya si Summer sa hospital at binabantayan din ito. Kaya alam kong siya ring babaeng multo na hinabol ko sa hallway ng hospital noon.
"Dadalaw daw si Dreck mamaya kay Summer, isabay niyo na rin sa pag-uwi niyo," paalala sa akin ni tita Karmela habang buhat-buhat ko si Summer.
BINABASA MO ANG
Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]
RomanceNagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya. Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang alaala kaya naman hinayaan siya ng kaniyang pamilya na tumira sa isang bahay kung saan siya makakapag...