🌻CHAPTER 4🌻

160 12 7
                                    

DARREL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DARREL

*✧♡*♡✧*

"Hindi ka pa ba tatayo d'yan? 'Di ka pa rin ba naniniwala na hindi ako bad spirit?" Pang ilang tanong niya na ba 'to simula kaninang tanghali? Medyo sumasakit na ang ulo ko.

Hapon na ngayon at malapit na lumubog ang araw pero hindi pa rin ako tumatayo sa harap ng computer at panay ang research tungkol sa mga multo o pano sila mapapaalis sa lugar kung saan sila nagmumulto.

Pero katulad ng mga sinabi niya kanina, ganoon din ang lumalabas sa internet at mas detalyado pa nga ang mga importation na nakukuha ko sa kaniya kesa sa mga nakasulat dito.

S'yempre, galing na kasi mismo sa multo.

"Pano ako makakasigurado na hindi lang ako nababaliw? O hindi mo ko sasaktan?" Tanong ko sa kaniya habang siya nakatayo sa gilid ng pintuan at ako naman ay nakaupo sa harap ng desktop computer na nasa loob ng kwarto ko.

"Hmm... pano ko nga ba mapapatunayan na hindi ka nababaliw, ang hirap naman ng bagay na 'yan," reklamo niya habang nakahawak sa baba niya. Mukha talaga siyang normal na tao, ang problema lang transparent siya sa paningin ko.

"Totoong multo naman kasi ako at hindi mo ko imagination so ano pa bang gagawin natin tungkol d'yan? About naman sa hindi kita sasaktan, hindi ko kayang humawak ng ano mang bagay ng sobrang tagal, kailangan ko ng super duper concentration para magawa ang bagay na 'yun which is hindi ko kaya okay? So pano kita mapapatay?" Pikon niyang tanong sa akin at napabuntong hininga naman ako.

Nasapo ko na lang ang noo ko. Ano ba kasi 'tong napasok kong sitwasyon? Hindi pa nga ako ganong nakaka-recover sa aksidente na nangyari sa akin tapos ito naman ang kasunod? Umiikot na ang isip ko at pakiramdam ko wala na kong oras para isipin ang sariling kalagayan ko ngayon.

"Osige, naniniwala na ko pero ipangako mo sa 'kin na hindi mo ko sasaniban," sagot ko sa kaniya at tumango naman siya.

Halatang-halata sa mukha niya na masaya siya sa pagpayag kong tulungan siya, para siyang batang binigyan ng candy.

"Dont worry hindi ako marunong ng bagay na 'yan saka isa pa, hindi kita pwede saktan no. Ikaw lang kaya ang taong nakakakita sa akin," sagot niya na pinagtaka ko naman.

Totoong ako lang ang nakakakita sa kaniya kaya palaisipan din sa akin kung bakit ganoon ang nangyari sa aming dalawa.

"Bakit nga ba ako lang ang nakakakita sa 'yo? May ginawa ka ba sa 'kin?" Sagot ko dahil nakakapagtaka naman talaga na ako lang ang nakakakita sa kaniya.

"Huy kapal mo, bakit ko naman gagawin sa 'yo 'yun? Baka naman na buksan 'yung third eye mo nung na aksidente ka? 'Di ba may mga ganoong case?" Tanong niya at agad naman akong napa-search sa internet at nabasa na totoo ang sinabi niya.

Napatakip ako sa bibig ko, kabadong tumingin sa kaniya na parang gulat na gulat.

"Ay ang OA ng reaction," sagot niya kaya kumunot ang noo ko sa pagkapikon.

Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon