🌻CHAPTER 9🌻

102 8 5
                                    

DARREL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DARREL

*✧♡*♡✧*

"Darrel ayos ka lang?" Napalingon ako kay Kristal at muling bumalik nang tingin sa harapan ng gate, wala na ang imahe na unang nakita ko roon at hindi ko na matandaan ang ilang detalye nito.

"Tingin ko may maalala ako pagpumasok tayo sa school na 'to," sagot ko sa kaniya at napalingon naman sa akin si Kaylie.

"Alam ko pwede pumasok sa school ground eh, kaso sarado ang mga classroom ngayon," sagot ni Kaylie at muli akong bumalik ng tingin sa school na 'to.

'Yung lumang mga building, matatayog na puno na halatang tumanda na sa panahon, mga lumang pintura sa bawat pader ng eskwelahan at ang pangalan ng school na 'to na hindi ko matandaan ngunit alam kong parte ng nakaraan ko.

Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung ano kaya ang high school life ko noon. Masaya kaya? Nahirapan kaya ako sa academics? Or ako 'yung tipo ng istudyante na chill lang?

"Navy blue ba ang kulay ng uniform sa school na 'to?" Tanong ko nang sumagi sa isip ko ang pumasok na memorya sa 'kin kanina.

"Oo kuya, tama ka navy blue ang suot na pants at skirt ng mga students sa school namin," sagot ni Kaylie at halata sa mukha niyang masaya siya dahil kahit papano may natatandaan ako tungkol sa lugar na 'to.

Na kahit papano may pumasok na memorya sa utak ko dahil sa pagpunta namin sa lugar na 'to.

"Pwede mo ba sa 'kin ikwento 'yung ibang detalye na alam mo Kaylie?" Tanong ko at nagbabakasakaling makahingi sa kaniya ng tulong para maibalik ang mga memorya ko pero bigla siyang napayuko at mukhang nagdadalawang isip sagutin ang tanong ko.

"Ah... sabi kasi ni Mama, mas mabuti raw na huwag kong sabihin sa 'yo ang ilang detalye sa buhay mo kuya. Mas okay daw kung ikaw mismo ang makakatanda ng mga bagay na 'yun, kaya pasensya na kuya kung hindi ko makukwento sa 'yo," sagot niya at mukhang nakokonsesya siya dahil hindi niya ako matulungan.

"Ayos lang Kaylie. Ganiyan din ang sabi sa 'kin nila Dillan at pinayo sa 'kin ng doktor," sagot ko na lang sa kaniya at nakita ko naman siyang nakahinga nang maluwag.

Tumingin ako kay Kristal, nakita ko siyang nakangiti lang at nag-iintay sa kung ano ang gagawin namin dito. Inaya ko na lang siya habang nakatalikod si Kaylie at nauuna sa 'ming maglakad papasok ng school.

Pagpasok sa school ground ay agad na tumambad sa akin ang malawak na lugar na puno ng iba't ibang building, may mga sports field din sila rito at garden.

Sa pag-iikot ko ramdam kong pamilyar sa akin ang lugar na 'to, hindi ko lang ganong matandaan kung anu-ano ang mga pinagdaanan ko pero alam kong parte ako ng lugar na 'to.

"Saan kaya ang classroom ko noon?" Tanong ko habang nakatingala sa naglalakihang building sa harapana ko.

"Kuya Darrel, akin na 'yung bike mo itatabi ko lang para makapag-ikot tayo ng ayos," sabi ni Kaylie at inabot ko naman sa kaniya ang bisekleta ko at naglibot-libot sa school.

Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon