DARREL
*✧♡*♡✧*
"Sigurado ka bang safe ang lugar na 'to?" Tanong ko habang nakatingala sa abandonadong building sa likod ng piyer kung saan kitang-kita ang buong karagatan.
Lumang-luma na 'to at feeling ko anytime ay may lalabas na multo sa mga nakahalerang bintana sa building.
"Oo naman no, lagi kaya ako narito noon," tugon niya at napalunok naman ako sa takot. Baka naman dito siya namatay noon kaya dito niya gustong pumunta ngayon?
"Ba-baka may makita akong multo d'yan," utal kong sagot dahil sa takot at pinaningkitan niya ko ng mata at tumingin sa akin nang mapanghusga.
"So, anong tingin mo sa akin? Hindi ba ko multo sa paningin mo?" Sarkastiko niyang tanong at kabado naman akong humakbang papasok sa abandonadong building.
"Alam ko namang maganda ako sa paningin mo Darrel pero baka nakakalimutan mong multo din ako," tugon niya at ako naman ang napatingin sa kaniya nang mapanghusga.
"Kapal naman nito," sagot ko sa kaniya at malakas siyang tumawa saka ako inaya pumaosk sa loob ng lugar. Napalunok ako at kabadong kumapit sa dulo ng t-shit ko habang nakayuko at naglalakad sa madilim na pasilyo ng building.
"Naalala ko, madalas kami rito maglaro ng mga kaklase ko nung high school pag gusto namin magtakutan hahaha," kwento niya at panay ang daldal habang tinitignan ko ang mga paa niya tapos nakayuko ako at ito ang sinusundan ko sa paglalakad.
"Wow, kakaiba naman 'yung trip niyo, kung ako 'yung kaklase niyo hindi ako sasama sa inyo," reklamo ko at malakas siyang tumawa.
"Hahahah! May natatandaan akong kaklase na ganiyan, kaya siya lagi namin sinasama para may maasar kami hahaha!" Grabe bully ba siya nung high school siya?
"Teka, dito ka ba nag-aral noong high schoool ka?" Tanong ko dahil baka mamaya magkaklase pala kaming dalawa o hindi naman kaya ay school mate. Matanda lang ako sa kaniya ng isang taon at baka may posibilidad na magkaklase nga kaming dalawa.
"Oo ata? Hindi ko masyadong tanda eh, basta alam ko rito kami madalas maglaro at mukhang malapit lang naman 'yung school dito kaya siguro dito nga rin ako nag-aral noon," paliwanag niya at hindi na ko nakapagtanong pa ulit nung bigla siyang tumigil sa paglalakad saka ko inangat ang ulo ko at nakita ang isang bakal na pinto.
"Buksan mo dali," utos niya kaya binuksan ko ito at nakita ko ang malawak na rooftop ng building kung saan kitang-kita ang kabuoan ng lugar mula rito.
Namangha ako, sobrang ganda ng tanawin kahit madilim at gabi na. Makikita mo pa rin ang maliwanag na bayan sa tabi ng dagat, ang makukulay na lanterns ng festival at ang mga bituin at ang bilog na buwan na parang nanalamin sa dagat.
"Ganda no?" Tanong niya at tumango naman ako saka niya ko inaya na lumapit sa isang mahabang upuan sa harap ng railings.
Kinakalawang na ang mga railings sa paligid ng building, medyo madumi na rin ang sahig at bakas ang kalumaan at tagal ng lugar na 'to na napaglipasana na ng panahon.
BINABASA MO ANG
Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]
RomanceNagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya. Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang alaala kaya naman hinayaan siya ng kaniyang pamilya na tumira sa isang bahay kung saan siya makakapag...