🌻EPILOGUE🌻

255 12 9
                                    

Summer, 60 years later.*

"Pa, andito na po tayo." Huminto ang wheelchair sa tapat ng isang malawak na sunflower flied, maaliwalas ang panahon, malamig ang simoy ng hangin at mataas ang sikat ng araw sa kalangitan.

Nasa tapat siya ng isang pamilyar na lugar, hindi niya man maaninag ang buong kapaligiran ay alam na alam niya kung na saan siya ngayon.

"Hon, tulungan mo ko buhatin natin si papa paupo ng bench." Nagtulong si Summer at kaniyang asawa para mabuhat ang matanda at maiupo ito sa isang bench sa tapat ng malawak na taniman ng mga bulaklak.

Marami nang nagbago sa lugar ngunit ang pakiramdam niya sa buong paligid ay ganoon pa rin, bagamat pikit na ang mata, nakayuko at mahina ang pandinig— kilalang-kilala ng matanda ang lugar na ito na sobrang lapit sa kaniyang puso.

"Pa? Ayos lang ba ang pwesto mo r'yan? Gusto mo ba ng sandalan na unan?" Tanong ni Summer at tumango naman ito sa kaniya.

Sinandal nila ang matanda sa unan at halata sa mukha nito ang ginhawa at komportableng pakiramdam.

Masayang naglalaro ang mga anak ni Summer sa ilalim ng araw, panay ang takbuhan, tawanan at kulitan. Naghanda rin ng makakain si Summer para sa pamilya niya na siyang request ng kaniyang ama.

Pinikit lang ng matanda ang kaniyang mga mata habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin na dala ng dagat sa dalampasigan. Umaalingawngaw ang ingay ng mga cicada sa puno na hudyat ng mas mainit na panahon, kasabay din nito ang payapang tunog na ginagawa ng mga halaman sa malumanay na paghampas ng hangin.

Alam ng matanda na ito na ang iniintay niyang oras. Handa na siyang iwan ang kaniyang pamilya na alam niyang masaya at kontento sa ano mang mayroon sila.

Masaya siyang nagpahinga habang pinapakinggan ang mga tawanan ng mga apo niya.

Unti-unti niyang sinandal ang ulo niya at tumingala, tumama ang kaunting liwanag sa mga mata niya at dinama ang init ng araw sa kulubot niyang balat.

Marahan niyang ibinigay ang kaniyang katawan at pinagpahinga.

Hanggang sa marinig niya ang mahinang boses na pamilyar na pamilyar sa kaniya.

"Darrel!" Tawag nito sa kaniya.

"Darrel mahal ko!" Hiyaw nito na tila papalapit nang papalapit sa kaniya.

"Darrel gising na! Aalis na tayo!" Nang marinig niya iyon ay agad niyang minulat ang kaniyang mga mata at nakita ang napaka gandang dilag sa harapan niya.

Bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata nang makita ang dalaga na matagal niya nang iniintay at nais makita.

Bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata nang makita ang dalaga na matagal niya nang iniintay at nais makita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kristal..." tawag niya sa babaeng nakangiti sa harapan niya.

Nakasuot ito ng puting bistida, may suot ding malaking sumblero at may hawak na dilaw na bulaklak.

"Ano tara na?" Tanong niya sa binata at napatingin si Darrel sa kaniyang mga kamay.

Hindi na ito kulubot at bumalik na rin ang laman nito pati na rin ang lakas ng kaniyang katawan.

Para siyang bumalik sa nakaraan.

"Ah... sinusundo mo na ba ko?" Tanong niya sa asawa at tumango naman ito sabay ngiti sa kaniya nang malambing.

Mga ngiting matagal niya ng hindi nakikita ngunit hindi naman nawala sa kaniyang isipan.

"Tara na! Na miss kita ng sobra kaya marami kang ikukwento sa 'kin, okay?" Natawa siya at tumango.

"Sorry kung natagalan ako." Sagot naman ni Darrel sa asawa.

"Ang importante kasama na kita."

Masayang nakangiti ang dalawa habang magkahawak ang mga kamay na naglalakad papunta sa paraiso.

Paraiso kung saan sila habang buhay na magsasama.

End*

AN: Thank you po sa lahat ng nagbasa ng story na 'to, sa lahat ng nag-intay kahit ilang beses ko 'tong naiwan at binalikan.

Thank you sa lahat ng nag-comment/vote, sobrang laking tulong iyon para sa mga maliit na libro na katulad nito.

And special thanks kay Coraleaves/@Jessarts.ph para sa webtoon pannel na ginawa niya sa story na 'to.

Sa lahat ng mga followers ko na binabasa lahat ng story ko kahit hindi sikat o ano pa man.

I LOVE YOU GUYS!
THANK YOU SO MUCH!

A T E V E N N

Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon