DARREL
*✧♡*♡✧*
"Aba Darrel! Ngayon na lang ulit kita nakita ah, kamusta ka na?" Tanong ng lalaking may katandaan na ngunit matikas pa rin ang tindig ng pangangatawan.
Nakasuot siya ng sandong puti, mahaba at maputi ang buhok niyang nakatali, halata rin sa balikat at braso niya ang marka ng matinding init ng araw.
"Ah, Mang Joe—" sagot ni Kaylie at parang nag-iisip kung sasabihin o ipapaliwanag sa lalaki ang nangyari sa akin. Halata kay Kaylie na hindi niya alam pano ipapaliwanag ang nangyari kaya ako na lang ang nagsalita at nagkwento rito.
"Na aksidente po kasi ako sa sasakyan at nawalan ng memorya kaya ngayon po andito ako at nagbabaka sakali na baka may maalala ako kung gawin ko ang mga bagay na ginagawa ko noon," paliwanag ko sa kaniya at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
Halata na hindi nakaabot sa kaniya ang balita tungkol sa akin kaya wala siyang kaalam-alam sa pagkawala ko.
"Mahabagin! Gano'n ba? Eh, kamusta ka naman ngayon? Balak mo ba manghiram ng surfing board?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako.
"Ayos naman na po," sagot ko sa kaniya at na pansin kong may hinahanap siya sa aming tatlo.
"Teka hindi mo ata ka—"
"Mang Joe! Pahiram kami ng dalawang surfing board, mag try din ako," sagot naman ni Kaylie at biglang hinila 'yung matanda papasok ng bahay nito.
"Sira 'yun si Kaylie, parang may sasabihin pa 'yung matanda eh," sambit ko naman kay Estelle na parang nagtataka rin.
Mayamaya pa ay lumabas na sila na may bitbit na dalawang surfing board. Ang isa rito ay kulay asul at ang isa naman ay dilaw.
"Oh, ito ang paborito mong surfing board noon," saad niya sabay abot sa akin ng asul na board at nang mahawakan ko ito ay parang pamilyar na pamilyar sa palad ko ang bagay na 'to.
Na para bang sakto at nararapat 'to sa mga kamay ko.
"Salamat po, magkano po ang renta?" Tanong ko sa kaniya at tinapik naman niya ang balikat ko.
"Libre lang 'yan ano ka ba? Ikaw ang nag donate ng ilan d'yan noong may trabaho ka kaya bakit ko naman ipaparenta sa 'yo 'yan?" Tanong niya at ngumiti sa akin nang malapad kaya tumango na lang ako at nagpasalamat sa kaniya.
"Salamat po," tugon ko at umiling siya.
"Ano, kailangan niyo ba ng trainer?" Tanong niya at tumango naman ako saka si Kaylie.
"Nakakapanibago hahaha! Noon si Darrel ang trainer sa lugar na 'to, ngayon ikaw na ang tuturuan," saad niya at hindi ko alam na may ganito pala akong hobby noon.
Mukhang marami nga akong malalaman sa pagpunta namin sa dagat, sana magkaroon ako ng malinaw na memorya sa mga bagay na ginagawa ko noon sa lugar na 'to.
BINABASA MO ANG
Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]
RomanceNagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya. Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang alaala kaya naman hinayaan siya ng kaniyang pamilya na tumira sa isang bahay kung saan siya makakapag...