🌻CHAPTER 19🌻

95 6 2
                                    

DARREL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DARREL

*✧♡*♡✧*

Hapon, nakaalis na sila papa at Dexter pero ang dalawang batang 'to ay nangungulit pa rin sa 'kin ngayon.

"Napipikon talaga ako sa pang ti-trip na ginawa niyo kanina sa akin kuya Darrel," reklamo ni Kaylie habang nakaupo sa sahig at kumakain ng pakwan.

"Wala na kong maisip na palusot eh, ito kasing si Kristal," sagot ko naman sabay tingin kay Kristal at nagbikit-balikat lang 'to.

"Wala akong magawa eh," palusot niya at masama lang siyang tinignan ni Kaylie habang tatawa-tawa ako.

"Ito na 'yung juice." Napalingon kami kay Estelle na may bitbit na pitsel at tatlong baso na hindi babasagin. Inalalayan siya ni Kaylie na ilapag sa maliit na lamesa ang mga 'to at naupo na rin siya sa sahig habang bukas ang TV at nanonood lang kami ng movie.

"Malapit na pasukan niyo no?" Tanong ko at tumango naman silang dalawa.

"Mag kaklase ba ulit kayo?" Tanong ko at tumingin si Kaylie kay Estelle.

"Hindi ko pa po sure kung dito ako mag-aaral kuya, baka kasi lumipat na kami ng bahay sa mga susunod na buwan," paliwanag ni Estelle. Hindi ko alam na aalis na pala siya rito at titira na sa ibang lugar.

"Dahil sa bago mong tatay no?" Tanong ni Kaylie at nakinig lang kaming dalawa ni Kristal sa kanilang dalawa.

"Oo eh, andoon daw kasi ang trabaho niya kaya pumayag kami ni Mama na sumama sa kaniya," sagot nito.

Ngayon na sinabi niya ang tungkol sa family niya, ngayon ko lang na pagtanto na wala akong ibang alam tungkol sa batang 'to kung hindi ang kaibigan siya ni Kaylie at kaklase.

"Akala ko kamo kayong dalawa ni Estelle," tanong ni Kristal kay Kaylie at tumango naman ako dahil balak ko rin silang asarin na dalawa.

"Hindi no!" Malakas na depensa ni Kaylie na kinagulat ni Estelle at halata sa mukha niyang na wiwirduhan na siya sa kaibigan.

"Ha? Anong hindi Kaylie?" Nagtatakang tanong nito habang nakakunot ang noo.

"Ah, wa-wala," inis na sagot ni Kaylie sabay kagat na lang sa pakwan na hawak niya.

"Masanay ka na sa kaniya Estelle, nagsasalita talaga mag isa ang batang 'yan," sagot ko na kinatawa ni Estelle at tumingin na lang nang masama sa akin si Kaylie kaya natawa ako sa reaksyon niya.

"Teka nga maiba ako, kaya kami pumunta dito ni Estelle kasi may sasabihin kami sa 'yo," sagot niya sabay lapag ng balat ng pakwan sa plato at punas sa bibig niya.

"Ano naman 'yun aber?" Tanong ko at nakita ko si Estelle na parang nahihiyang magsalita kaya tumingin na lang ako kay Kaylie para makahanap ng sagot.

"May festival kasi na gaganapin sa katapusan ng buwan, maliit na kasiyahan lang sa open park ng baryo," paliwanag niya.

Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon