🌻CHAPTER 15🌻

104 9 6
                                    

DARREL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DARREL

*✧♡*♡✧*

Lumang plaka na nakasabit sa lumang poste na nakatayo sa gilid ng daan, naka-ukit doon ang isang sunflower at ang direksyon kung paano pumunta sa lugar.

Napahinto ako, napatingala at napatitig sa sign board na sobrang pamilyar sa utak ko.

"Alam ko ang lugar na 'to," bulong ko at pilit na inaalala kung kailan ba ko pumunta sa lugar na 'to o kung ano ang importanteng bagay na mayroon sa lugar na 'to.

"Kuya Darrel! Anong ginagawa mo? Tara na!" Tawag sa akin ni Kaylie at tumingin naman sa akin si Kristal.

"Ayos ka lang Darrel?" Tanong niya sa akin at tumango na lang ako saka muling tumingin sa sign board saka tinaas ang kamay para tawagin ang pansin ni Kaylie.

"Susunod na!" Sigaw ko sa kaniya at muling binalik ang mga paa sa pedal ng bisekleta.

"Anong nangyari Darrel?" Tanong ni Kristal at nilingon ko naman siya.

"Pakiramdam ko alam ko ang lugar na 'yun, 'yung sunflower field," sagot ko sa kaniya at lumingon din siya sa daan na aming dinaanan.

"Bakit hindi mo puntahan? Baka may mahanap kang alaala sa lugar na 'yun," sagot niya sa akin pero umiling na lang ako.

"Sa susunod na, pag ako na lang siguro mag-isa," sagot ko at tumango na lang siya saka kami mabilis na sumunod kina Kaylie at Estelle.

Pababa na ang daan kaya mabilis ding humaharurot ang bisekleta ko sa kalsada. Sh*t, ang bilis ng takbo at medyo kinakabahan ako. Bumibilis ang tikbok ng puso ko at kabado sa bawat minuto na pababa ang bisekleta ko sa daan.

Habang nakatingin ako sa malalim na daan ay parang may pumapasok din sa utak ko na alaala, isang bangungot na sobrang kinakatakot kong maalala ng utak ko.

Imbes na maliwanag at maaliwalas na panahon ang nakikita ko— isang madilim at maulan na daan ang pinapakita sa akin ng mga mata ko. Daan na sobrang tarik at pababa, madulas at mapanganib.

"Darrel! Anong nangyayari sa 'yo?"

Muli na namang sumisikip ang dibdib ko at bumibilis ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko nasa panahon at oras ako kung kailan ako na aksidente at muntikan ng mamatay.

Aksidenteng kumuha sa memorya ko at sa pagkatao ko.

"Pe-preno!" Hiyaw ko sabay tukod ng mga paa ko sa kalsada para huminto ang bisekleta at hinabol ang paghininga ko.

"Kaylie!" Rinig kong hiyaw ni Kristal kay Kaylie at napalingon naman si Kaylie sa amin saka natatarantang bumaba ng bike niya at sabay sila ni Estelle na tumakbo para puntahan ako.

"Kuya! Anong nangyayari sa 'yo?" Tanong ni Kaylie sa akin at hinawakan ang likod ko habang pinapakalma ako.

"Pakiramdma ko maaksidente ako," sagot ko sa kaniya at inalalayan niya naman ako maupo sa gilid ng kalsada saka ako inabutan ng maiinum na tubig ni Estelle.

Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon