🌻CHAPTER 13🌻

84 8 9
                                    

DARREL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DARREL

*✧♡*♡✧*

Umuulan, nakausot ako ng yuniporme at nakatayo sa waiting shed habang iniintay na tumila ang malakas na buhos ng ulan.

Nakauwi na ang karamihan ng mga istudyante sa school at ako ay kakatapos lang maglinis ng room namin dahil isa ako sa mga cleaners ngayong araw.

Basa na ang kabilang balikat ko, ramdam ko rin ang basa kong medyas at sapatos dulot ng pagtakbo ko kanina sa ulanan. Pero hindi alintana sa akin ang ulan ngayon, dahil ang mas iniisip ko ay ang kaba na namamayagpag sa puso ko dulot ng babaeng katabi ko.

Pareho kaming nabasa sa ulan, nakasuot siya ng puting blouse at kulay asul na palda, ang mahaba at puti niyang medyas ay medyo basa na rin, ganun na rin ang sapatos niyang suot.

Pareho kaming nagpapatila sa waiting shed at parehong walang dalang payong.

Sobrang lakas ng buhos ng ulan pero mas rinig ko ang pagtibok ng puso ko na gusto nang kumawala sa dibdib ko.

Ah... tanda ko na.

Ang babaeng katabi ko ngayon ay ang babaeng hinahangaan ko noong high school pa.

Nakakapagtaka na alam kong tanda ko ang mukha niya pero kahit anong gawin kong sulyap sa kaniya ngayon ay parang lumalabo ang paningin ko at hindi nito hinayaan na makita ko ang maganda niyang mukha.

"Ang lakas ng ulan, kelan kaya 'to titila?" Tanong niya kaya napayuko ako dahil sa mga oras na 'yun ay hindi ko alam kung ako ba 'yung kinakausap niya o nagtatanong lang siya sa sarili niya.

Tanda kong gusto ko siyang kausapin, tanda ko na kahit sobra akong kinakabahan ay gusto kong alamin ang ilang bagay tungkol sa kaniya.

"Darrel, magdadala ka ba ng payong bukas?" Tanong niya sa akin habang nakayuko ako at nakatingin sa sapatos kong nilalaro ang tubig ulan sa kalsada.

"Depende," maikli kong sagot dahil pakiramdam ko nalunok ko ang dila ko sa kaba at hiya dahil sa kaniya.

"Magdala ka ah, hindi ako magdadala para share tayong dalawa hehe," biro niya na kinabigla ko at agad akong napatingin sa kaniya pero wala na siya sa tabi ko.

Nakita ko siyang tumatakbo sa ulanan habang kumakaway sa akin papalayo.

Natameme ako ng mga oras na 'yun sabay takip sa bibig ko dahil baka may makakita kung gano kalaki ang mga ngiti sa labi ko na hindi ko matago.

Ano nga bang pangalan niya? Sino nga ba siya?

*✧♡*♡✧*

"Darrel! Gising na!" Naalimpungatan ako sa malakas na tawag sa akin ni Kristal, nakapamewang siya sa harapan ko at mukhang kanina pa nag iintay na bumangon ako.

"Sandali, five minutes pa," reklamo ko at pilit na bumalik sa pagtulog para maituloy ang panaginip ko pero hindi ko na rin matandaan kung ano nga ba ang panaginip ko kanina.

Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon